Kailan mababasag ang katahimikan?

SHARE THE TRUTH

 250 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang opisyal at nakasulat na mensahe para sa mga Pilipino sa pagsisimula ng taóng 2019, hinikayat tayo ni Pangulong Duterte na magnilay at matuto sa ating nakaraan bilang isang bayan. Sa pamamagitan daw nito, magiging mas malakas ang ating loob na harapin ang kinabukasan at lampasan ang anumang pagsubok na kakaharapin natin. Ang atin daw “patriotic fervor” o masidhing pagmamahal sa bayan at “solidarity” o pakikipagkapwa-tao ang makatutulong sa atin upang lampasan ang mga hamon sa pag-usad natin tungo sa mas masagana at progresibong kinabukasan.

Siya rin ang pangulong kamakailan ay tinawag na “silly” o kahangalan o kalokohan ang Banal na Santatlo o Holy Trinity. Wala rin daw siyang “bilib” kay Hesus dahil hinayaan niya ang kanyang sariling ipako sa krus. “Unimpressive” o hindi kahanga-hanga para sa ating pangulo ang pag-aalay ni Hesus ng kanyang buhay para sa kaligtasan ng tao mula sa kasalanan. Siya rin ang pangulong minaliit ang mga santo na tinawag niyang mga hangal o “fools” at lasenggero o “drunkards.” Kung sabagay, ano ang maasahan natin isang taong tinawag ang Diyos bilang “stupid” at pinagbantaan ang isang obispo na papapugutan siya nito?

Siya rin ang pangulong walang patíd ang batikos sa mga paring umaabuso sa mga babae at kabataan ngunit umamin kamakailan na hinupuan niya sa maselang bahagi ang kanilang kasambahay noong teenager pa siya. Siya ang pangulong nagsabing siya dapat ang naunang nakagahasa sa isang dayuhang misyonerong pinagsamantalahan ng mga nag-riot na preso sa siyudad na pinamunuan niya sa mahabang panahon. Siya rin ang ating lider na nag-utos sa mga sundalong barilin sa ari ang mga babaeng rebelde upang hindi na raw sila mapakinabangan.

Ang taong naghihikayat sa ating magkaroon ng “solidarity” ang siya ring naghihikayat sa mga taong patayin ang mga kilalá nilang adik at kriminal na idineklara niyang hindi mga tao. Ang taong nagpaalala sa ating mahalin ang ating bayan ang siya ring nangunguna sa pagtatanggol sa mga Tsinong umagaw sa huling isda ng mga kababayan nating mangingisda sa karagatang unti-unti nang kinokontrol ng ibang bansa. Ang lider na umaasang magkakaroon tayo ng maunlad na 2019 ang nagmura sa mga pobreng tsuper ng dyip na nababahala sa planong pagpapaalis sa kanila sa lansangan at ang naghangad na mamatay ang mga maralitang lulóng sa ipinagbabawal na gamot.

Mapapailing na lang tayo sa kabalintunaang ito.

Noong bumisita si Pope Francis sa Amerika noong 2015, sinabi niya sa harap ng mga obispo roon: “Harsh and divisive language does not befit the tongue of a pastor, it has no place in his heart; although it may momentarily seem to win the day, only the enduring allure of goodness and love remains truly convincing.” Hindi marapat sa isang tunay pastol ang pananalitang marahas at nakapaghahati, wala puwang ang mga ito sa kanyang puso. Bagamat maaaring magbigay ng pakiramdam ng tagumpay laban sa mga pinatutungkulan ang mga salitang ito, pangmatagalang bighani ng kabutihan at pag-ibig ang tanging kapani-paniwala sa lahat.

Ngunit malakas ang loob ng mga mararahas magsalita sa kanilang kapwa at nagpapalaganap ng baluktot na mga pananaw, hindi lamang dahil may mga sang-ayon sa kanilang sinasabi at ginagawa. Nagpapatuloy sila dahil sa katahimikan ng marami sa atin. At sa pananahimik na ito, mistulang tinatanggap natin ang paghamak sa ating pananampalataya. Sa hindi natin pag-imik, tinatanggap nating walang problema sa pag-abuso sa mga babae o sa pagtiklop natin sa mga mapang-aping bansa. Sa pagtikom natin ng ating mga bibig, tinatanggap natin ang karahasan, pananakot, at kultura ng kamatayan.

Mga Kapanalig, sa ating pananahimik, nagiging bahagi tayo ng napakalaking kabalintunaang umiiral sa ating bayan, ng kabalintunaang yumuyurak sa dignidad ng ating kapwa at karangalan ng ating bayan. Kailan kaya mababasag ang katahimikan?

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 5,443 total views

 5,443 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 13,488 total views

 13,488 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 18,568 total views

 18,568 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 24,275 total views

 24,275 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 33,063 total views

 33,063 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 5,444 total views

 5,444 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 13,489 total views

 13,489 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 18,569 total views

 18,569 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 24,276 total views

 24,276 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 33,064 total views

 33,064 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,093 total views

 40,093 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,407 total views

 54,407 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,097 total views

 58,097 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 56,700 total views

 56,700 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 66,687 total views

 66,687 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 70,655 total views

 70,655 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 81,542 total views

 81,542 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 93,981 total views

 93,981 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 104,739 total views

 104,739 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,992 total views

 51,992 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top