Mananampalataya, hinimok na aktibong makibahagi sa katawan ni Kristo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 734 total reads

Hinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na maging aktibong bahagi ng katawan ni Kristo.

Sa pagninilay ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng Commission on the Laity sa misang isinagawa sa Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly, iginiit nitong malaking hamon sa bawat isa ang abutin ang kapwa lalo na ang mga humihina ang pananampalataya.

“Abutin natin ang mga nawawala, sapagkat marami sa mga Katoliko ang hindi alam ang ating pananampalataya,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Pagbabahagi ng Obispo na batay sa mga pag – aaral 83 porsyento sa populasyon ng Pilipinas ay mga binyagang Katoliko subalit halos nasa 20 porsyento lamang ang dumadalo sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya tuwing Linggo.

Dahil dito, maituturing na malaking hamon sa bawat Katoliko ang isabuhay ang diwa ni Kristo upang mapanumbalik ang sigla sa mga tumatamlay ang pananalig sa Panginoon dulot ng iba’t ibang uri ng pagsubok na kinakaharap ng tao.

Hinikayat ni Bishop Pabillo ang mga lingkod ng Simbahan na karamihan ay mga layko na ibahagi ang pananampalataya sa kapwa sa pamamagitan ng pqgbabahaginan ng mga kuwento at karanasan na makatutulong sa pagpapalalim ng ating pananampalataya.

Samantala, hinimok din ng Obispo ang lahat partikular ang mga kabataan na makiisa sa adhikain ng Simbahan sa pag – abot ng mga nawawalang tupa lalo na’t ipinagdiriwang ng Simbahan ang Taon ng mga Kabataan bilang bahagi ng malawakang paghahanda sa ika 500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

“Dalhin natin ang mga kabataan sa Simbahan at ilapit natin sila kay Hesus,” pahayag ng Obispo.

Naniniwala ang Simbahan na malaki ang maitutulong ng kabataan sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos gamit ang makabagong teknolohiya lalo’t mahigit sa kalahating bilang ng populasyon sa Pilipinas ay aktibo sa paggamit ng internet partikular sa social media.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,911 total reads

 49,911 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,581 total reads

 129,581 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,028 total reads

 163,028 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,326 total reads

 198,326 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,886 total reads

 422,886 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top