PNP at CHR, lulutasin ang mga kaso ng EJK.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 418 total reads

Umaasa ang Commission on Human Rights o C-H-R na magiging matatag pa ang kasalukuyang ugnayan ng Philippine National Police sa Kumisyon ng Kagawarang Pantao.

Inihayag ni Atty. Jacqueline Ann de Guia, tagapagsalita ng C-H-R na magandang development ang pagbuo ng P-N-P ng Human Rights Affairs Office na tututok sa anti-drug campaign ng pamahalaan.

Ayon kay De Guia, makatutulong sa pagsisiyasat ng C-H-R sa mga insidente ng extra-judicial killings ang magandang ugnayan sa P-N-P.

“Ang Philippine National Police sa pamamagitan ng kanilang PNP Human Rights Affairs Office ay merong kumonikasyon at patuloy na pakikipagtulungan sa Kumisyon ng Karapatang Pantao. Mas ninanais natin na mas lalo pa itong lumalim sa mga susunod na buwan habang ang kumisyon ay nagpapatuloy sa kanyang pag-iimbestiga sa mga insidente ng extra-judicial killings…” pahayag ni de Guia sa panayam sa Radio Veritas.

Bukod dito, umaasa rin ang kagawaran na mapagtitibay ng dalawang ahensya ang pakikipagpalitan ng mga dokumento sa lahat ng mga operasyon kaugnay ng anti-illegal drug campaign ng pamahalaan upang mabilis na matutuklasan at malilinawan ang lahat sa mga kaso ng extra judicial killings na inuugnay sa mga pulis.

Matatandaang bago suspendihin ang Oplan Tokhang noong buwan ng Enero ay umabot na sa mahigit 7-libo ang nasawi sa War on Drugs ng pamahalaan na nagsimula noong July 2016.

Habang sa kasalukuyan ay umaabot na sa higit 40-indibidwal ang namatay sa implementasyon ng “Project Double Barrel: Reloaded” ng PNP na nagsimula lamang noong buwan ng Marso.

Kaugnay nito, puspusan ang isinasagawang pagpapalawig ng Simbahang Katolika sa drug rehabilitation program ng Simbahan na “Sanlakbay para sa Pagbabagong Buhay” na siyang tugon ng Simbahan sa kampanya ng Duterte Administration laban sa illegal na droga at ng nauna ng idineklara ni Pope Francis na Year of Mercy.

Read: http://www.veritas846.ph/huwag-sumuko-sa-mga-naligaw-ng-landas-sa-droga-cardinal-tagle/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 53,563 total reads

 53,563 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,035 total reads

 133,035 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 166,480 total reads

 166,480 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 201,778 total reads

 201,778 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,166 total reads

 426,166 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top