Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

12 steps rehab program, inirekomenda ng Diocese of San Pablo.

SHARE THE TRUTH

 243 total views

Ipinagmalaki ni Diocese of San Pablo Laguna Bishop Buenaventura Famadico ang 12 pamamaraan na ginagamit sa isang relocation area sa Calauan Laguna upang makapag-balik loob ang mga sumukong indibidwal na lulong sa droga.

Sinabi ni Bishop Famadico na epektibo sa lahat ng uri ng adiksyon at marami na ang nakinabang sa ’12 Steps’ dahil nagsisimula ito sa pagkilala sa dakilang manggagamot na si Hesus na ating Panginoon na kayang hilumin ang ating kaluluwa at muling pag-alabin ang ating buhay-espiritwal.

“Kapag sinabing adik, hindi ko na control ang sarili ko at hindi ko na kaya at kapag hindi ko na kaya ano ang gagawin ko? Eh di kakapit ako to somebody na talagang makakatulong sa akin at mas makapangyarihan kaysa sa akin, na walang iba kundi ang ating Panginoon,” pahayag ng Obispo sa panayam ng Radio Veritas

Ipinaalala ni Bishop Buenaventura na dapat sabayan ng aksiyon ang bawat panalangin gayundin ang paghingi ng tulong sa kapwa upang mas maging mabilis ang pagbabagong-buhay.

Kaugnay nito, hinihikayat din ng Obispo ang mga indibidwal na nalulong hindi lang sa ipinagbabawal na gamot kundi maging sa iba’t ibang anyo ng adiksyon na sumailalim sa nasabing programa at isuko ang lahat ng kanilang bisyo kay Kristo.

“Plano namin imbitahan pati mga nalulong sa alak ,nalulong sa bisyo at lahat ng uri ng pagkalulong at isasama natin sila doon na tutulungan at sa ngayon we’re still on the process of training the facilitators,” dagdag ng Obispo

Ang 12 Steps tungo sa pagbabago ng isang tao ay nakasentro sa pag-amin ng kasalanan, pagtanggap ng pagkakamali, paniniwala sa Diyos na pinakamakapangyarihan sa lahat, paghingi ng tawad at pagtawag sa Panginoon sa pamamagitan ng meditasyon at panalangin.

Sa tala ng Philippine National Police, humigit kumulang sa 1.3-milyon na ang mga drug surrenderers na sumuko sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Ayon kay Bishop Famadico, ang walang hanggang pagpapatawad at pagmamahal ng Diyos sa kabila ng ating mga pagkukulang at pagmamalabis ang tunay na mensahe ng kuwaresma

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,117 total views

 6,117 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,101 total views

 24,101 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,038 total views

 44,038 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,231 total views

 61,231 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,606 total views

 74,606 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,245 total views

 16,245 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 71,804 total views

 71,804 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 97,619 total views

 97,619 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 135,931 total views

 135,931 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top