Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 70,361 total views

TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial scamming,money laundering,prostitution, kidnapping, torture maging murder o pagpatay.

Dahil sa isinagawang QUAD-Committee hearing ng House of the Representatives, natuklasan ang iba’t-ibang pekeng korporasyon na nag-ooperate ng iligal na POGO na pinapaktabo ng mga kilalang indibidwal tulad ng napatalsik na Bamban Tarlac Mayor Alice Guo, mga Chinese nationals na kilalang malapit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, maging si dating Presidential spokesman Harry Roque ay sangkot din sa iligal na gawain. Libu-libong mga dayuhan kung saan karamihan ay mga chinese nationals na biktima ng human trafficking ang na-rescue ng mga otoridad sa crackdown ng mga POGO sa bansa.Dahil sa POGO, dumarami ang mga Chinese national ang nakakapasok ng Pilipinas kahit walang kaukulang dokumento.

Kapanalig, ang pagkakalulong sa sugal ay nakakatakot, pinagmumulan ito ng iba’t-ibang krimen, naging ugat ng kahirapan.

Ang nakakabahala ay ang sabwatan ng mga nagpapatakbo ng POGO sa mga sindikato ng droga. Ang koneksyon o kaugnayan ng POGO sa mga sindikato ng droga ay masusing iniimbestigahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Natuklasan ng PDEA na ang may-ari ng warehouse sa Pampanga kung saan nasamsam ang 560-kilos ng shabu ay pag-aari ng isang Willie Ong na majority shareholder ng POGO na Empire 999 na isa sa pitong kumpanya na sangkot sa money laundering. Nabatid na ang mga Chinese national ay nakapag-may-ari ng kumpanya sa Pilipinas dahil sa mga hawak na pekeng birth certificates.

Kontrobersiyal din ang direct link ng isang Rose Gumban na may-ari ng pitong POGO companies partikular na ang PHARMALLY sa dating economic adviser ng pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang na sinasabing sangkot sa iligal na droga.

Inaalam din ng PDEA ang pagkakasangkot ng asawa ni Rose na si Allan Lim na sinasabing close friend ni Senator Bong Go sa kalakalan ng iligal na droga. Si Lim ay isinasangkot din sa kidnapping sa mga high rolling Chinese gamblers sa Okada Manila. Kinasuhan din ito ng iligal drug trade sa Cavite noong 2015.

Ayon sa PDEA, si Allan Lim at Michael Yang ay konektado sa Johnson Chua Drug Trafficking Organization…Ang tanong, paano nakakapasok at nakapagpatayo ng negosyo sa Pilipinas ang mga Chinese nationals? Mayroon bang express lane sa Bureau of Immigration ang mga Chinese Nationals?

Ipinapaliwanag sa Catechism of the Catholic Church 2404, “Gambling, whether it involves games of chance (e.g. card games), wagers or betting, or even lotteries, is not intrinsically evil (Catechism, #2404). However, a person may only engage in these activities with a strict adherence to virtue. First, he must act with temperance, whereby he keeps his passions and emotions under the control of reason,acts with moderation, and uses material goods in a good way and in accord with the circumstances of his life.”Kapanalig, huwag nating i-asa ang ating kinabukasan sa game of chance.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 16,128 total views

 16,128 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 86,240 total views

 86,240 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 160,855 total views

 160,855 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 240,933 total views

 240,933 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 283,520 total views

 283,520 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ACCOUNTABILITY

 16,129 total views

 16,129 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 86,241 total views

 86,241 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 160,856 total views

 160,856 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 240,934 total views

 240,934 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »
Scroll to Top