Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Polusyon sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 9,830 total views

Isa sa mga mahahalagang isyu ng bansa ay ang polusyon sa hangin sa mga urban areas ng ating bansa. Dito sa Metro Manila, maraming mga araw na pag-gising natin, sa halip na bughaw na kalangitan ang bumungad sa ating mga mata, puro smog o haze na ang ating nakikita.

Malaki ang epekto ng air pollution sa ating quality of life, mga kapanalig. Sa tagal ng panahon na kasama na natin ito, tila nasanay na ang maraming mga Filipino. Sa katunayan, hindi na lang sa Metro Manila matingkad ang air pollution, maraming mga urban areas sa ating bayan ay nagiging marumi na rin rin ang hangin. Huwag  tayong masanay dito o makampante. Kailangan natin itong  labanan. Ngayong 2022, may mga pagsasaliksik na nagsasabi na ang konsentrasyon ng PM2.5 o maliit na particulate matter sa atin bayan ay mas mataas ng tatlong beses sa tinakdang guidelines ng World Health Organization (WHO).

Kawawa ang kalusugan ng ating bansa dahil sa problemang ito, kapanalig. Alam nyo ba na 32% ng mga kamatayang mula sa stroke at ischaemic heart disease ay dulot ng air pollution? Ang polusyon ay malaki rin ang epekto sa ating mga kababayan na may mga hika at allergies. Kapag sobra, maaaring life threatening din ito. Sabi nga mismo ni Pope Francis sa Laudato Si, bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan: Some forms of pollution are part of people’s daily experience. Exposure to atmospheric pollutants produces a broad spectrum of health hazards, especially for the poor, and causes millions of premature deaths.

Kaya lamang, kapanalig, napakahirap para sa mga bansang gaya natin na bigyan ng mabilisang solusyon ang dumi ng ating hangin. Ang air pollution kasi kapanalig ay dulot din naman ng mga human activities na nagdadala ng convenience at kaunlaran sa bayan – gaya ng transport, industry, at manufacturing. Meron kayang paraan upang mabawasan ang mga polusyon mula sa mga human activities na ito para maging sustainable naman sila at pro-people and environment?

Isa dito,  kapanalig ay ang pagpapa-igting ng air quality monitoring sa bansa. Gaya ng pagfo-forecast ng weather, sana mayroon ding tayong air pollution forecast system na magmomonitor ng mga pollutants sa hangin at magpapa-alam sa mga Filipino sa araw araw kung gaano na kadumi ang hangin, at kung saan nanggagaling ang dumi na ito. Sa pamamagitan ng pagmomonitor, tataas ang awareness ukol sa importansya nito at  matutulungan ang pamahalaan na palakasin ang ngipin ng Clean Air Act. Kapag alam ng mas maraming Filipino kung saan nanggagaling ang dumi, magiging mas malakas ang accountability sa lipunan.

Dapat sabayan ang air quality monitoring ng iba-ibang pag-gamit ng teknolohiya para mabawasan ang polusyon from the source – kung saan nanggagaling. Halimbawa, sa ating bayan, malaking porsyento ng air pollution ay mula sa transport sector. Maari nating isulong ang pag-gamit ng efficient fuel at fuel systems upang bawas ang polusyon. Maaari ding isulong ang paggamit ng mga bikes sa lungsod at gawing mas walkable ito. Marami tayong magagawa, kailangan lamang ay makita ng lipunan ang importansya ng malinis na hangin. Kailangan nating agarang gawin ang mga ito, bago maging huli ang lahat.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 167,189 total views

 167,189 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 232,317 total views

 232,317 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 192,937 total views

 192,937 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 253,960 total views

 253,960 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 273,913 total views

 273,913 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Paglaban sa katiwalian, paiigtingin pa

 13,212 total views

 13,212 total views Tiniyak ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr na hindi natatapos sa Trillion Peso March ang patuloy na pakikibaka upang maibalik ang ninakaw sa

Read More »

RELATED ARTICLES

DESTABILIZATION

 167,190 total views

 167,190 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 232,318 total views

 232,318 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 192,938 total views

 192,938 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 253,961 total views

 253,961 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 273,914 total views

 273,914 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 151,653 total views

 151,653 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 162,435 total views

 162,435 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 168,881 total views

 168,881 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 187,476 total views

 187,476 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 207,219 total views

 207,219 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »
Scroll to Top