2,971 total views
Inaanyayahan ng Military Ordinariate of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa isasagawang farewell concert para kay St. Therese of the Child Jesus.
Ayon kay Bishop Oscar Jaime Florencio, Chairman ng National Organizing Committee-5th Philippine Visit of the Pilgrim Relics of St. Thérèse na ito ay pasasalamat sa pakikilakbay ng santo sa mga Pilipino sa nakalipas na apat na buwan.
“Together with the Jesuit Music Ministry, we at the National Organizing Committee would like to invite all of you especially our patrons, sponsors, prayer warriors and fellow devotees to our free concert and celebrate St. Therese,” bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio.
Isasagawa ang konsiyerto sa Shrine of Saint Thérèse sa Newport Pasay City sa April 29, 2023 ganap na alas otso ng gabi.
Tampok dito ang kilalang koro sa Pilipinas ang Bukas Palad at Hangad Music Ministry na pawang kasapi ng Jesuit Music Ministry kung saan kasabay nito ang paglunsad sa album ng mga awitin kay St. Therese na nanalo sa ginawang song writing contest.
Sa mga nais dumalo makipag-ugnayan sa Facebook page ng ‘5th Visit of the Relics of St. Therese to the Philippines’ o sa Jesuit Music Ministry para sa karagdagang impormasyon.
Ito ay libreng concert subalit kinakailangan ang reservation ng tickets para sa sapat na bilang sa loob ng shrine.
Ipadala ang pangalan, contact number at bilang ng tickets na kukunin sa 0995 956 8447 pasa reservation at maari itong makuha sa St. Therese Columbarium reception sa Newport Pasay City, at Tanging Yaman Store, Seminary Drive Sonolux Building sa Ateneo de Manila sa Quezon City.
Limitado lamang sa limang tickets ang maaring ipa-reserve sa bawat magpapalistang dadalo sa free concert kung saan maaring magpatala sa mismong araw, April 29 hanggang alas kuwatro ng hapon.
Matatandaang January 2, 2023 nang dumating sa bansa ang pilgrim relic ni St. Therese at umikot sa mga diyosesis sa bansa na magtatapos sa April 30 kasabay ng kanyang beatification centennial anniversary.