Kahalagahan at kasagraduhan sa Fiesta Month, panawagan ng obispo ng Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,658 total views

Umapela si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa nasasakupan na panatilihin ang kasagraduhan sa pagdiriwang ng pista sa mga patron ng simbahan.

Ito ang panawagan ng obispo lalo’t nalalapit na ang buwan ng Mayo na tinaguriang ‘fiesta month’ sa lalawigan ng Bohol.

“Ako nagahangyo sa tanan nga atong panalipdan ang kasagrado sa piyesta nga nahimo nang tipik sa atong kinabuhi. Espesyal nga panawagan ang buot nakong ipaabot ngadto sa atong mga lider sa lokal nga pangagamhanan nga unta magtinabangay kita aron masiguro nga sibo ang mga ipasiugdang kalihokan sa kinaiya sa atong selebrasyon,” panawagan ni Bishop Uy.

[Nakikiusap ako sa lahat na panatilihin natin ang kasagraduhan ng mga pista na bahagi na ng ating buhay. Panawagan ko rin sa mga lider ng lokal na pamahalaan na magtulungan tayo sa pagpatupad ng mga pagtatanghal o programang naaayon sa pagdiriwang]

Iginiit ni Bishop Uy na ang mga kapistahan ay ipinagdiriwang ng sambayanang kristiyano bilang pasasalamat sa Panginoon sa mga handog na kaloob sa tulong ng panalangin ng mga patron.

Ayon sa obispo kapansin-pansin na sa paglipas ng panahon ay nagkakaroon ng mahahalay na pagtatanghal sa paghahanda ng kapistahan gayundin ang kawalang regulasyon sa malalakas na sound-system tuwing may programa.

“Bisan kung ang piyesta nahimo nang aspeto sa atong kultura ug katilingbanong kinabuhi (socio-cultural celebration), kini nagpabilin, una ug labaw sa tanan, nga usa ka kasaulogan nga relihiyoso (religious festival),” ani Bishop Uy.

[Kahit na ang pista ay socio-cultural celebration, mananatili pa rin ang pagiging religious festival nito.]

Umaasa si Bishop Uy na iaaayon ang pagkakaroon ng mga pagtatanghal sa paghahanda ng kapistahan at bibigyang diin ang aspetong makatutulong sa paglago ng pananampalataya at pagbibigay parangal sa patron.

Sa buong buwan ng Mayo ay magdiriwang ng pista ang iba’t ibang parokya at kapilya sa Bohol na binubuo ng Diocese ng Tagbilaran at Talibon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 19,800 total views

 19,800 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 47,805 total views

 47,805 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 65,605 total views

 65,605 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 64,781 total views

 64,781 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 175,801 total views

 175,801 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 8,599 total views

 8,599 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top