1,250 total views
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐๐ธ๐๐ฟ๐ผ. Gawin mong ikaw ay maging isang mabuti at matapat Niyang lingkod upang buong tapang na pasanin mo ang Krus ng iyong Panginoon na namatay sa pag-ibig sa iyo; tumingala ka sa pagtitiis ng maraming mga kasawiang palad at sa iba’t ibang ligalig sa buhay na itong kahapis-hapis sapagkat kung magkagayon ay sasapiling mo saan ka man dumoon; at ang totoo’y matatagpuan mo si Hesus saan mang dako ka magtago.
Ganito ang nararapat at walang ibang lunas upang umiwas sa pagdurusa at pagdaralita kundi ang magtiis.
Inumin mo nang buong pag-ibig ang kalis ng Panginoon kung ibig mong ikaw ay maging kaibigan niya at maging kasa-kasama. (Imitacion de Cristo, cap. XXII)
Ibigin nati’t ipagdiwang, si Hesus Nazarenong mahal!
[Hango sa Pagsisiyam sa Mahal na Poong Hesus Nazareno, Pintakasi sa Kiyapo, 1984. Larawan mula sa Quiapo Church Social Communications Ministry.]