๐™Ž๐™ฉ๐™ช๐™˜๐™  ๐™ž๐™ฃ ๐˜ฟ๐™š๐™ฃ๐™ž๐™–๐™ก (๐™’๐™š๐™™๐™ฃ๐™š๐™จ๐™™๐™–๐™ฎ ๐™ค๐™› ๐™ƒ๐™ค๐™ก๐™ฎ ๐™’๐™š๐™š๐™ )

SHARE THE TRUTH

 1,576 total reads

Was Judas in denial? Did he truly think that he was not the one who was to betray Jesus? We do not know for certain what was going on in Judasโ€™ mind, but one thing is clearโ€ฆhe did betray Jesus. And it appears from his words that he didnโ€™t see his act as a betrayal and, therefore, he was in deep denial.

Denial, if written out as an acronym, has been said to mean that I โ€œdonโ€™t even know I am lying.โ€ Perhaps Judas was so steeped in his own sin that he couldnโ€™t even admit to himself, let alone to others, that he was lying and preparing to betray Jesus for money. This is a scary thought.

Itโ€™s scary because it reveals one of the effects of persistent sin. Persistent sin makes sin easier. And eventually, when one persists in the same sin, that sin is easily rationalized, justified and denied as sin altogether. When one gets stuck in this downward spiral of persistent sin itโ€™s hard to get out. And often the only way to survive the psychological tension is to remain in denial.

This is an important lesson for us this Holy Week. Sin is never fun to look at and takes great courage to do so. But imagine if Judas would have actually confessed to what he was about to do. Imagine if he would have broken down in front of Jesus and the other Apostles and told them the whole truth. Perhaps that act of honesty would have saved his life and his eternal soul. It would have been painful and humiliating for him to do so, but it would have been the right thing to do.

The same is true with you. Perhaps you are not at a point where your sin is leading you to outright betrayal of Jesus, but everyone can find some pattern of sin in their lives this Holy Week. You must seek to discover, with Godโ€™s help, some pattern or habit you have formed. What a great discovery this would be if you could then face this sin with honesty and courage. This would enable you to shed any bit of denial regarding your sin and enable you to conquer that sin so as to discover the freedom God wants you to experience!

Reflect, today, upon Judas saying to Jesus, โ€œSurely it is not I, Rabbi?โ€ This sad statement from Judas must have deeply wounded our Lordโ€™s Heart as He witnessed the denial of Judas. Reflect, also, upon the many times that you deny your sin, failing to sincerely repent. Make this Holy Week a time for honesty and integrity. The Lordโ€™s mercy is so deep and pure that, if you would understand it, you would have no need to remain in any form of denial of your sins.

ยฉ Radio Veritas Asia

Ilawan ang katotohanan

 37,757 total reads

Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang โ€œtruth-telling sessionโ€ ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte. Sa unang session, binalikan ang kuwento ni Raymart Siapo, 19 na taรณng gulang mula sa Navotas. Pinatay si Raymart noong 2017 dahil sa pagbebenta umano ng marijuana.ย 

Binuo ang komisyon noong Mayo para bigyang-espasyo ang paggunita sa buhay ng mga biktimang kagaya ni Raymart. Layunin ng komisyong kilalanin ang kanilang dignidad bilang tao at tulungan ang kanilang mga pamilya na maghilom. Mahalaga ang hangarin ng komisyon โ€œdahil ang katotohanan ay hindi lang para sa kasaysayan, kundi [para din] sa dignidad ng tao at pananagutan ng mga institusyon.โ€

Adviser ng komisyon si Cardinal Pablo Virgilio โ€œAmboโ€ David ng Diyosesis ng Kalookan. Panawagan niya sa komisyon: โ€œBigyan ng boses, ng tinig, ang mga nawalan. Gunitain natin ang kanilang buhay. Ilawan natin ang katotohanan.โ€ Ang chairperson naman na si dating International Criminal Court (o ICC) Judge Raul Pangalangan ay nagsabing itatalรข ng Truth Commission ang mga kuwento ng mga biktima ng war on drugs para maging bahagi sila ng kasaysayan. Ang mga miyembro ng komisyon ay sina Carlos Conde, mamamahayag at senior researcher ng Human Rights Asia; Dr Raquel Fortun, isang forensic pathologist; Al Furtes, eksperto sa usaping pangkapayapaan; at Fr Danny Pilario, pangulo ng Adamson University. Ibibigay ng komisyon ang final report nito sa publiko, sa pamahalaan, at sa mga local at international NGOs.

Para kay Atty Salvador Panelo, legal counsel ni dating Pangulong Duterte, hindi kailangan ng ganitong komisyon. Propoganda lamang daw ito, bagay na pinabulaanan ni Chairperson Pangalangan. Aniya, hindi maling ilabas ang katotohanan. Kung malungkot ang ilalabas na katotohanan, iyon pa rin ang katotohanan.ย 

Kasalukuyang nakapiit si dating Pangulong Duterte sa ICC sa The Hague. Humaharap siya sa mga kasong crimes against humanity kaugnay ng war on drugs, na sa tala ng kapulisan ay bumawi sa buhay ng 6,000 na katao. Malayo ito sa 30,000 kasong na-monitor ng mga civil society organizations, kabilang ang Simbahan. Sa ICC, maaari lamang suriin ang mga kaso noong miyembro pa ang Pilipinas ng Rome Statute o mula taรณng 2000 hanggang 2019. Matatandaang kumalas ang bansa sa Rome Statute, ang kasunduang nagtatag sa ICC, sa ilalim ng administrasyong Duterte. Sa Truth Commission, pakikinggan ang kuwento ng lahat ng biktima ng war on drugs, kasama ang mga hindi diringgin sa ICC.ย 

Sinasabi sa Juan 3:21, โ€œang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa liwanag.โ€ Hinahamon tayo ng mga panlipunang turo ng Simbahan na pumanig sa katotohanan. Hindi ito optional sa ating mga Kristiyano. Tungkulin nating laging hanapin ang katotohanan at ang panindigan ito.ย 

Sa isa niyang libro, sinabi ng yumaong Pope Benedict XVI na โ€œthe truth comes to rule, not violence, but rather through its power.โ€ May kapangyarihan ang katotohanan na hindi magagapi ng karahasan. Sa mabuting balita ayon kay San Juan, maaalala nating sinabi ni Hesus kay Pilato sa harap ng nagbabadyang karahasan sa kanyang pagpapakasakit, โ€œAko ang Katotohanan.โ€ Si Hesus, ang katotohanan, ay humarap sa karahasan nang may buong paninidigan at ganap na pag-ibig para sa atin. Ang Kanyang muling pagkabuhay ay patunay na laging mananaig ang katotohanan.

Mga Kapanalig, sa gitna ng truth-telling sessions ng Truth Commission, sundan natin ang yapรกk ni Hesus at dalhin ang katotohanan. Nawaโ€™y mapakinggan natin at maibahagi ang kuwento ng mga biktima ng war on drugs. Sa pakikinig at pagsisiwalat sa katotohanan, nagiging kabahagi tayo sa pagbibigay ng liwanag sa madilim na yugto ng ating kasaysayan, kung saan libu-libo ang pinatay at naulila. Huwag tayong mag-atubiling lumapit sa liwanag at ilawan ang katotohanan.ย 

Sumainyo ang katotohanan.ย ย 

Dagat ng basura

 98,255 total reads

Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigรณng pagtugon natin sa krisis ng basura.

Noong nakaraang linggo, tone-toneladang basura ang bumarรก sa Redemptorist Water Channel sa Paraรฑaque City matapos ang sunud-sunod na araw ng pag-ulan dala ng habagat. Umabot ng higit sa 200 trak ng basura ang nahakot mula sa naturang daluyan ng tubig malapit sa simbahan ng Baclaran. Ayon sa lokal na pamahalaan ng Paraรฑaque, inagos ang basura mula sa mga nakapalibot na lugar sa Manila Bay. Sa ginawang clearing operations, buwis-buhay na lumusong sa dagat ng basura ang mga kawani ng LGU, Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), at Department of Public Works and Highways (o DPWH) para hakutin ang basura gamit ang backhoe.

Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na kailangan na raw ng โ€œdrastic solutionsโ€ sa problema sa basura. Binanggit niyang halimbawa ang waste-to-energy technologies na ibinida ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa kanyang SONA. Suportado rin ng kalihim pati ni MMDA General Manager Nicolas Torre ang mga panukalang magpataw ng mabigat na multa para sa maling pagtatapon ng basura. Pero para kay PBBM, hindi raw mabisang pagmultahin ang maling pagtatapon ng basura kung walang maayos na basurahan. Anong say ninyo, mga Kapanalig?

Lahat ng mga ibinibidang solusyon ng administrasyon ay nakatuon lang sa maayos na waste management system. Sang-ayon tayong mahalaga ito. Pero paano masosolusyunan ang krisis sa basura kung hindi natin puputulin ang ugat ng sobra-sobrang paglikha ng basura? Kumbaga, nagbibigay lang tayo ng bandaid solution kung saan nireremedyohan lang natin ang mga sintomas ng sakit pero hindi naman natin ginagamot ang pinagmumulan nito.

Ayon sa grupong Oceana, habang nakatuon ang administrasyon sa waste-to-energy at pagsisi sa publiko sa pagkakalรกt, hindi nabibigyang-pansin ang ugat ng krisisโ€”ang plastic pollution at walang habas na paggamit ng single-use plastics na sinusuplay ng mga dambuhalang korporasyon. Dagdag ng grupo, mayroon na tayong Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na nagsasabing dapat bawasan ang paglikha ng basura sa pinagmumulan nito at ipagbawal ang mga produktong nakapipinsala sa kapaligiran. Gaya ng maraming batas, hindi ito buong ipinatutupad ng gobyerno.

Sa Catholic social teaching na Laudato Siโ€™, sinusuportahan ng Simbahan ang circular o paikot na modelo ng produksyon kung saan nililimitahan ang pagkuha ng mga nauubos na likas-yaman para mapakinabangan ito ng mga susunod na henerasyon. Sa nakasanayang linear o tuwid na sistema natin, kukunin ang likas-yaman, gagawing produkto, panandaliang gagamitin, at itatapon na. Sa circular na sistema, binibigyang-diin ang pag-reduce, reuse, repair, at recycle ng mga produkto. Idinidisenyo ang mga produkto para magamit nang matagal, madaling ayusin kapag nasira, at maaaring i-recycle para mabawasan ang pagkonsumo at paglikha ng basura.

Ilang trahedya sa basura na ang naibalita ngayong taon, kaya alam na dapat natin ito: hindi sapat ang disiplina ng publiko at maayos na waste management system. Nakaugat ang krisis na ito sa modelo ng ekonomiyang kumikita sa paglikha ng basura. Malalim, malawak, at nakabaรณn sa kultura at mga istruktura ng lipunan ang problemang ito. Pero maaari tayong magsimula sa pagpapatupad ng mga solusyon sa ating tahanan at komunidad, gaya ng pagsusulong at pagsasabuhay ng โ€œsapat lifestyleโ€. Kasabay nito, ipanawagan natin sa gobyerno ang pagpapatupad ng mga patakarang tinutugunan ang labis na paglikha ng basura. Panagutin din dapat ang mga korporasyong patuloy na yumayaman habang ipinapasa sa publiko ang gastos at epekto ng polusyon.

Mga Kapanalig, tandaan natin ang wika sa Genesis 2:15: inilagay tayong mga tao sa halamanan ng Eden para pagyamanin at pangalagaan ito, hindi para gawin itong dagat ng basura.

Sumainyo ang katotohanan.

What do I still lack?

 12,728 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Twentieth Week in Ordinary Time, Year II, 17 August 2026
Ezekiel 24:15-23     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     Matthew 19:16-22
Photo by author, Malagos Garden Resort, Davao City, August 2018.
Your words today,
O Lord are so touching
that reaches deep down my
inmost being;
both readings speak
about losing: Ezekiel's wife
died while the young man
in the gospel asked
"what do I still lack?"
Both readings are 
so timely for us these days
when we have so much of 
every thing except of you,
O Lord; we rarely ask
"what do I still lack" in its
truest sense - of learning to let
go of what we have in order to have
the most essential.

Often, 
we think of having what
we still lack in order to have
more of every thing;
but you teach us today,
Jesus, what we really lack
is you through others;
what we really lack are
the poor and the sick,
those who have less in life;
what we really lack still
is life eternal,
of having you O Lord
as basis and foundation
of our relationships.
In this time when rains
continue to pour 
for the third straight week,
the more we are concerned 
of what material things we still
lack and forget about the warmth
and smiles of others so disadvantaged
due to floods and lack of work;
teach us, Jesus,
to be like Ezekiel in the first
reading to see and realize
that the most painful loss
in this life is not losing a loved one
nor wealth and things
but in losing our souls to
sin and evil.
Amen.
Jesus and the rich young man.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 37,758 total reads

 37,758 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang โ€œtruth-telling sessionโ€ ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More ยป

Dagat ng basura

 98,256 total reads

 98,256 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigรณng pagtugon natin sa

Read More ยป

Pahirapang dagdag-sahod

 118,487 total reads

 118,487 total reads Mga Kapanalig, โ€œpeople over profitโ€ at โ€œlabor over capitalโ€ ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More ยป

PAANO GINASTOS ANG PERA

 199,141 total reads

 199,141 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More ยป

Karagatan para kanino?

 299,091 total reads

 299,091 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More ยป

Watch Live

RELATED TOPICS

LINGGO, HULYO 7, 2024

 296,882 total reads

 296,882 total reads Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Ezekiel 2, 2-5 Salmo 122, 1-2a. 2bkd. 3-4 Mata namiโ€™y nakatuon sa awa ng Panginoon. 2

Read More ยป

๐’๐ญ. ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐‘๐จ๐ฆ๐ž

 340,462 total reads

 340,462 total reads ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ: ๐€ ๐๐ž๐š๐œ๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ— โ€ข ๐’๐ญ. ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐‘๐จ๐ฆ๐ž ๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ Saint Frances of

Read More ยป

๐’๐ญ. ๐‰๐จ๐ก๐ง ๐จ๐Ÿ ๐†๐จ๐

 340,491 total reads

 340,491 total reads ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ: ๐€ ๐๐ž๐š๐œ๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ– โ€ข ๐’๐ญ. ๐‰๐จ๐ก๐ง ๐จ๐Ÿ ๐†๐จ๐ ๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ ๐˜š๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ฉ๐˜ฏ ๐˜ฐ๐˜ง

Read More ยป

๐’๐ญ. ๐‚๐จ๐ฅ๐ž๐ญ๐ญ๐ž

 340,469 total reads

 340,469 total reads ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ: ๐€ ๐๐ž๐š๐œ๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ” โ€ข ๐’๐ญ. ๐‚๐จ๐ฅ๐ž๐ญ๐ญ๐ž ๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ ๐˜ ๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ฆ

Read More ยป

๐’๐ญ. ๐Ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐š

 340,481 total reads

 340,481 total reads ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ: ๐€ ๐๐ž๐š๐œ๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ“ โ€ข ๐’๐ญ. ๐Ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐š ๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ ๐˜– ๐˜š๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต ๐˜–๐˜ญ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ข, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง

Read More ยป

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top