4,210 total reads
Ang mga Anghel, they remind us of the sense of the sacred.
4,210 total reads
Ang mga Anghel, they remind us of the sense of the sacred.

25,213 total reads
Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay patuloy na dinarayo ng mga turista. Pero ang mukha ng Boracay na kilala natin ay mapapalitan na. Nagbukás na kasi roon ang isang casino. Ginanap ang soft opening nito noong Setyembre 16, habang ang grand launch ay nito lamang Linggo, Oktubre 11. May shopping mall ding magbubukás doon ngayong taon.
Ang Boracay ay isang lugar para magbakasyon, magpahinga, magsaya, at mamangha sa ganda ng kalikasan. Kapag naglagay doon ng casino at malalaking establisimyento, binabago na rin ang mismong imahe ng lugar na pangunahing rason kung bakit pumupunta roon ang mga tao. Hindi rin dapat kalimutan na family vacation destination ang Boracay. Ito ay lugar para mapalapit at magsama-sama ang pamilya. Ibang-iba ito sa layunin ng isang casino na ineengganyo ang mga tao na tumayâ at gumastos. Alam din nating dahil sa mga casino, marami nang kaso ng pagkalulóng o adiksyon sa pagsusugal, pagkawala ng perang nakalaan dapat para sa pamilya, at pagkasira ng tiwala sa loob ng tahanan.
Ito ang ipinunto ng Diyosesis ng Kalibo sa kanilang pastoral statement ukol sa pagtatayo ng casino sa Boracay. Iginiit ng mga pastol ng Simbahan doon na hindi naman masama ang paglalaro, pero nagiging mali ito kapag nauuwi sa pagkakait sa sarili o sa kapwa ng mga bagay na kailangan sa pang-araw-araw na buhay. Ito ang panganib na ibinababala ng Simbahan. Ang pagka-casino ay idinisenyo para akitin ang mga taong maghangad pa kapag nananalo at magbakasakali pa kapag natatalo.
Hindi ito ang unang pagkakataon na tumutol ang Simbahan kasama ang mga residente sa pagkakaroon ng casino sa Boracay. Taóng 2018 nang unang lumutang ang plano. May mga pangamba na sa mabilis na pagbabago sa isla, lalong masisira ang kalikasan. Kasama pa nilang tumutol noon si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa parehong taon, isinara ang Boracay sa loob ng ilang buwan para sa malawakang rehabilitasyon. Pero noong 2021, binawi ni Pangulong Duterte ang kanyang posisyon laban sa casino at pinayagan niya ang operasyon nito sa Boracay. Sinalubong ito ng pagtutol mula sa mga residente, negosyante, at lokal na Simbahan. Sa dami ng isinakripisyo noon upang maisalba ang isla, mauuwi lang pala ulit sa parehong uri ng pagbabago na dati nang naglagay sa Boracay sa alanganin.
Sabi sa Genesis 2:15, ginawa ng Diyos ang tao upang “alagaan at ingatan” ang Kanyang mga nilikha. Hindi tayo ang may ganap na pag-aari sa kalikasan. Tungkulin nating protektahan at panatilihin ito para sa mga susunod na henerasyon. Ang Boracay ay isang biyayang ipinagkatiwala sa atin. Dapat natin itong alagaan at ingatan.
Mahalaga ang pag-unlad, trabaho, at turismo, pero hindi dapat maging kapalit ng mga ito ang kapaligiran at pagkakakilanlan ng Boracay. Nangangailangan ito ng sama-samang pagkilos. Bawat isa ay inaasahang gamitin nang tama ang kalayaang mamili para hindi malulong sa pagsusugal. Ang pamahalaan ay inaasahang gumawa ng mga desisyong isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga residente at kalikasan. Ang mga negosyo naman ay pinaaalalahanang hindi lang sa kita umiikot ang kanilang paglago. May pananagutan din sila sa komunidad at sa kalikasan.
Mga Kapanalig, tinatawag nating paraiso ang Boracay dahil sa ganda nito. Huwag sana nating hayaang dumating ang panahon na ang paraisong ito ay maalala bilang lugar ng mga sugalan at bisyo. Ang pagtutol sa ganitong establisimiyento ay hindi pagtutol sa kaunlaran. Ito ay paninindigan na ang kaunlaran ay dapat may limitasyon, at hindi dapat sumisira sa biyayang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos na payabungin.
Sumainyo ang katotohanan.

7,748 total reads
Gospel Reading for October 12, 2026 – Luke 11: 29-32
TRULY BLESSED
While still more people gathered in the crowd, Jesus said to them, “This generation is an evil generation; it seeks a sign, but no sign will be given it, except the sign of Jonah. Just as Jonah became a sign to the Ninevites, so will the Son of Man be to this generation. At the judgment the queen of the south will rise with the men of this generation and she will condemn them, because she came from the ends of the earth to hear the wisdom of Solomon, and there is something greater than Solomon here. At the judgment the men of Nineveh will arise with this generation and condemn it, because at the preaching of Jonah they repented, and there is something greater than Jonah here.”
————
The Pharisees and Sadducees (Matthew 16:1), as well as the scribes (Matthew 12:38–39), kept demanding miraculous signs from heaven from Jesus to establish his authority, especially when his teachings contradicted theirs. Even the large crowds that followed him did so because of the miracles he had been performing (John 6:26).
What is absurd about this is that Jesus had already performed so many signs: healing the sick, raising the dead, casting out demons, changing water into wine, multiplying bread and fish, among others. Yet, they were still asking for more signs.
As long as we live on earth, we will never have the chance to see God face-to-face. This is reserved for those who will be with him in the afterlife. But we will always be able to see God through the many signs he gives us, both extraordinary and ordinary, if only we put our COMPLETE FAITH AND TRUST in him. If we allow these signs to show us the way to the Father, we are TRULY BLESSED!
Lord Jesus, help us have eyes that truly see and ears that truly hear. Amen.

8,176 total reads
Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 12 October 2026 Galatians 4:22-24, 26-27, 31-5:1 <*((((>< + ><))))*> Luke 11:29-32

Please excuse me, Jesus as I feel like singing one of the songs during our college days by Stephen Bishop for the movie "Tootsie" starring Dustin Hoffman:
Time, I've been passing time Watching trains go by All of my life Lying on the sand Watching sea birds fly Wishing there would be
Someone waiting home for me Something's telling me it might be you It's telling me it might be you All of my life

I could hear you speaking to me today, Jesus: "This is an evil generation; it seeks a sign, but no sign will be given it, except the sign of Jonah" (Luke 11:29); there are times I keep looking for certainty, asking for a sign from God for the things I have to do, for the mission I have to accomplish; but like your people, we today fail or refuse to see you, to find you, Jesus when you are right in front of us, always beside us; and it is true, Lord Jesus, I cannot find you in my life because I expect something more obvious or even something more dramatic like in the movies. Keep me simple, Jesus, so that I may find you, I may recognize you in the most ordinary, the simplest occasions in my life, among the people I meet daily especially those I take for granted or refuse to relate with.
So many quiet walks to take So many dreams to wake And with so much love to make, oh I think we're gonna meet some time Maybe all we need is time
And it's telling me it might be you All of my life I've been saving love songs and lullabies And there's so much more No one's ever heard before
Something's telling me it might be you Yeah, it's telling me it must be you And I'm feeling it'll just be you All of my life

Yes, it's you, Jesus... always you every time I wake up and make that sign of the Cross first thing in the morning; it is you, Jesus... when I see the light and feel the warmth of the rising sun; it is you, Jesus... when people and kids smile at me, when people ask for me, when people listen and speak to me; it is you, Jesus... when I still hope and love and desire for you. Help me in my unbelief. Amen.
25,214 total reads
25,214 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay
61,675 total reads
61,675 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.
287,945 total reads
287,945 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and
181,412 total reads
181,412 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan
274,110 total reads
274,110 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

35,290 total reads
35,290 total reads #VERITASREFLECTION: “…Bawat isang tao ay mahalaga sa Panginoon… At gusto ng Panginoon ay lahat makarating ng kanyang kaharian, sa kalangitan.”-Rev. Fr. Joey IrlandesMiyerkules

35,291 total reads
35,291 total reads #VERITASREFLECTION: “Gaya ng pagmamahal ng Panginoon sa makakasalanan, nawa ay ating isabuhay ang magpatawad sa mga taong nagkakasala rin sa atin. Bigyan natin

35,292 total reads
35,292 total reads #VERITASREFLECTION: “Ang ating buhay ay dapat sumasalamin sa kadakilaan at kababaang loob ng Panginoon.”– Rev. Fr. Ritche Salgado, O.CARMMiyerkules ng Ika-14 na Linggo

35,292 total reads
35,292 total reads #VERITASREFLECTION: “Samahan natin ng malalim na pananampalataya ang ating hiling na makalaya sa ating mga sakit dahil walang imposible sa Diyos at kayang-kaya

35,291 total reads
35,291 total reads #VERITASREFLECTION: “Nawa’y ang puso natin ay laging ibukas ng Panginoon upang makita natin ang kagandahang loob Niya. Sapagkat sa pagbubukas ng ating puso,
BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!
THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES