BIYERNES, AGOSTO 11, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,318 total views

Paggunita kay Santa Clara, dalaga

Deuteronomio 4, 32-40
Salmo 76, 12-13. 14-15. 16 at 21

Sa lahat ng ginawa mo,
magbubulay-bulay ako.

Mateo 16, 24-28

Memorial of St. Clare, Virgin (White)

Mga Pagbasa mula sa
Biyernes Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Deuteronomio 4, 32-40

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

Sinabi ni Moises sa mga tao: “Isipin ninyo kung may naganap nang tulad nito, nasaksihan o nabalitaan man lamang, mula nang likhain ng Diyos ang daigdig. Maliban sa inyo, sino pa ang nakarinig sa tinig ng Diyos mula sa haliging apoy, at nanatiling buhay? Sinong diyos ang naglabas ng isang buong lahi mula sa isang bansa upang maging kanya sa pamamagitan ng pakikipagsubukan ng kapangyarihan, ng kababalaghan, ng digmaan, at ng makapangyarihang mga gawa, tulad ng ginawa ng Panginoon sa Egipto? Ang mga pangyayaring ito’y ipinamalas niya sa inyo upang maniwala kayo na walang ibang Diyos maliban sa kanya. Mula sa langit, nagsalita siya sa inyo upang kayo’y turuan. At dito sa lupa nagsalita siya mula sa apoy. At dahil sa pag-ibig niya sa inyong mga ninuno, hinirang niya kayo, at sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ay inilabas kayo sa Egipto. Pinuksa niya ang mga bansang mas malakas sa inyo upang maluwag kayong makapanirahan sa lupaing ibinigay niya sa inyo ngayon. Dahil dito, dapat ninyong malaman na sa langit at sa lupa’y walang ibang diyos liban sa Panginoon. Kaya nga, dapat ninyo sundin ang kanyang mga utos at tuntuning sinasabi ko sa inyo ngayon. Sa gayun, mapapanuto kayo at ang lahing susunod sa inyo; magtatagal kayo habang panahon sa lupaing ibinigay niya sa inyo.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 76, 12-13. 14-15. 16 at 21

Sa lahat ng ginawa mo,
magbubulay-bulay ako.

Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa,
ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga.
Sa lahat ng ginawa mo, ako’y magbubulay-bulay,
magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan.

Sa lahat ng ginawa mo,
magbubulay-bulay ako.

Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal,
at wala nang ibang diyos na sa iyo’y ipapantay.
Ikaw ang Diyos na ang gawa’y tunay na kahanga-hanga.
Iyang kadakilaan mo’y nahayag na sa nilikha;

Sa lahat ng ginawa mo,
magbubulay-bulay ako.

Dahilan sa iyong lakas, mga hirang mo’y tinubos,
ang lahat ng mga angkan ni Jose at ni Jacob.
Ikaw, O Diyos, ang nanguna sa bayan mong parang kawan,
si Moises at Aaron yaong iyong naging kamay!

Sa lahat ng ginawa mo,
magbubulay-bulay ako.

ALELUYA
Mateo 5, 10

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang inuusig
sa gawang puspos ng bait,
pagkat may kakamting langit.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 16, 24-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon. Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nito’y ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay? Sapagkat darating ang Anak ng Tao na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama at kasama ang kanyang mga anghel. Sa panahong yao’y gagantihin niya ang bawat tao ayon sa kanyang ginawa. Sinasabi ko sa inyo: may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hangga’t di nila nakikita ang Anak ng Tao na pumaparito bilang Hari.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Sa pamamagitan ng paglimot sa sarili, pinapasan natin ang ating krus sa araw-araw sa pagsunod sa yapak ng ating Panginoon. Manalangin tayo upang mapawi ang pagiging makasarili na naghihiwalay sa atin sa Diyos.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Makapangyarihang Diyos, bigyan Mo kami ng kapangyarihan.

Ang Santo Papa at mga obispo nawa’y pasanin ang kanilang krus ng pastoral na pagkalinga at tungkulin na walang makasariling sakripisyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng tumanggap ng bigat ng tungkuling publiko nawa’y lumago sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang responsable, totoo, at malinis na pagsasagawa ng kanilang tungkulin, manalangin tayo sa Panginoon.

Buong puso nawa nating suportahan ang pagsulong ng katotohanan at labanan ang patagong impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga biktima ng opresyon nawa’y magtamo ng katarungan, kalayaan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdusa at namatay para sa pananampalataya nawa’y umani ng makalangit na gantimpala, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng aming Panginoong Jesu-Kristo, tanggapin mo ang mga panalangin ng naglalakbay mong bayan na naghahangad na matagpuan ang iyong kalooban sa pagsunod sa mga yapak ng iyong Anak, siya na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 31,780 total views

 31,780 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 43,426 total views

 43,426 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 52,673 total views

 52,673 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 58,470 total views

 58,470 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 70,858 total views

 70,858 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

Related Story

MIYERKULES, PEBRERO 28, 2024

 628 total views

 628 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y ‘yong sagipin. Mateo 20, 17-28 Wednesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 18, 18-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Ang sabi ng mga tao: “Iligpit

Read More »

MARTES, PEBRERO 27, 2024

 1,402 total views

 1,402 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 23, 1-12 Tuesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 1, 10. 16-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Mga pinuno

Read More »

LUNES, PEBRERO 26, 2024

 2,265 total views

 2,265 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 9, 4b-10 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Lucas 6, 36-38 Monday of the Second Week in Lent (Violet) UNANG PAGBASA Daniel 9, 4b-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Panginoon, dakila at Makapangyarihang Diyos

Read More »

LINGGO, PEBRERO 25, 2024

 3,069 total views

 3,069 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Salmo 115, 10 at 15. 16-17. 18-19 Sa piling ng Poong mahal ako’y laging namumuhay. Roma 8, 31b-34 Marcos 9, 2-10 Second Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Pagbasa

Read More »

SABADO, PEBRERO 24, 2024

 3,929 total views

 3,929 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Mateo 5, 43-48 Saturday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 16-19 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 23, 2024

 4,454 total views

 4,454 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Mateo 5, 20-26 Friday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 21-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 22, 2024

 4,233 total views

 4,233 total views Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro 1 Pedro 5, 1-4 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Mateo 16, 13-19 Feast of Chair of St. Peter the Apostle (White) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 1-4 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, sa

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 21, 2024

 3,629 total views

 3,629 total views Miyerkules sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jonas 3, 1-10 Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Lucas 11, 29-32 Wednesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jonas 3, 1-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jonas Sinabi uli ng Panginoon kay Jonas: “Pumunta

Read More »

MARTES, PEBRERO 20, 2024

 3,098 total views

 3,098 total views Martes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 55, 10-11 Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan. Mateo 6, 7-15 Tuesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 55, 10-11 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Ang ulan at

Read More »

LUNES, PEBRERO 19, 2024

 2,508 total views

 2,508 total views Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Levitico 19, 1-2. 11-18 Salmo 18. 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Mateo 25, 31-46 Monday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Levitico 19, 1-2. 11-18 Pagbasa mula sa aklat ng Levitico Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin

Read More »

LINGGO, PEBRERO 18, 2024

 1,908 total views

 1,908 total views Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 9, 8-15 Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9 Poon, iyong minamahal ang tapat sa iyong tipan. 1 Pedro 3, 18-22 Marcos 1, 12-15 First Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 9, 8-15 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Ito ang

Read More »

SABADO, PEBRERO 17, 2024

 1,695 total views

 1,695 total views Sabado kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 9b-14 Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6 Ituro mo ang ‘yong loob nang matapat kong masunod. Lucas 5, 27-32 Saturday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 9b-14 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Kung titigilan ninyo ang pang-aalipin at pagsuway sa

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 16, 2024

 1,682 total views

 1,682 total views Biyernes kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 1-9a Salmo 50, 3-4. 5-6a. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Mateo 9, 14-15 Friday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 1-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ikaw ay sumigaw nang ubos-lakas, ang sala ng

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 15, 2024

 8,456 total views

 8,456 total views Huwebes kasunod ng Miyerkules ng Abo Deuteronomio 30, 15-20 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Lucas 9, 22-25 Thursday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 30, 15-20 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao, “Nasa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 14, 2024

 8,958 total views

 8,958 total views Miyerkules ng Abo Joel 2, 12-18 Salmo 50, 3-4, 5-6a. 12-13. 14 at 17 Poon, iyong kaawaan kaming sa ‘yo’y nagsisuway. 2 Corinto 5, 20 – 6, 2 Mateo 6, 1-6. 16-18 Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Joel 2, 12-18 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Joel Sinasabi ngayon ng Panginoon: “Mataimtim kayong magsisi

Read More »
Scroll to Top