Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, ENERO 13, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,467 total views

Biyernes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
o kaya Paggunita kay San Hilario, obispo at pantas ng Simbahan

Hebreo 4, 1-5. 11
Salmo 77, 3 at 4bk. 6k-7. 8

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Marcos 2, 1-12

Friday of the First Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Hilary, Bishop and Doctor of the Church (White)

UNANG PAGBASA
Hebreo 4, 1-5. 11

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, nananatili pa ang pangako ng Diyos na tayo’y makapapasok at makapamamahinga sa piling niya. Ngunit mag-ingat kayo, baka mayroon sa inyong hindi magkamit ng pangakong ito. Sapagkat tulad nila’y napakinggan din natin ang Mabuting Balita. Ngunit hindi nila pinakinabangan ang balitang kanilang narinig sapagkat hindi nila iyo pinaniwalaan. Tayong naniniwala ang papasok at mamamahinga sa piling ng Diyos. Ito’y ayon sa kanyang sinabi,

“Sa galit ko’y aking isinumpang
‘Hinding-hindi sila makapapasok at
makapamamahinga sa piling ko.’”

Sinabi niya ito bagamat tapos na ang kanyang pagkalikha sa sanlibutan. Sapagkat sinasabi sa isang bahagi ng Kasulatan ang tungkol sa ikapitong araw: “At sa ikapitong araw, nagpahinga ang Diyos sa kanyang paglikha.” At muli pang sinabi, “Hinding-hindi sila makapapasok at makapamamahinga sa piling ko.” Kaya’t magsikap tayong makapasok at makapahinga sa piling ng Diyos. Huwag sumuway ang sinuman sa atin para hindi mabigong tulad nila.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 77, 3 at 4bk. 6k-7. 8

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Ito’y aming narinig na, kaya naman aming alam,
nagbuhat sa aming nuno na sa ami’y isinaysay.
Totoong kahanga-hanga ang tinutukoy na bagay
mga ginawang dakila ng Panginoong Maykapal.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Sa lahat ng lahi nila ito’y dapat na iaral,
at ang angkang susunod pa ay marapat na turuan.
Sa ganito, masusunod nilang lagi yaong utos,
ang matatag na pag-asa’y ilalagak nila sa Diyos,
at ang dakila niyang gawa’y hindi nila malilimot.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Sa kanilang mga nuno, hindi dapat na pumaris,
na matigas ang damdaming sa Diyos ay naghimagsik;
isang lahing di marunong magtiwala at magtiis,
ang pag-asa ay marupok at kulang ang pananalig.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

ALELUYA
Lucas 7, 16

Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta
sugo ng Diyos sa bayan n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 2, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, bumalik si Hesus sa Capernaum, at kumalat ang balitang siya’y nasa kanyang tahanan. Kaya’t nagkatipon ang napakaraming tao, anupat wala nang matayuan kahit sa labas ng pintuan. Samantalang nangangaral si Hesus, may idinating na isang paralitikong dala ng apat katao. Hindi nila ito mailapit kay Hesus dahil sa dami ng tao, kaya’t binakbak nila ang bubong sa tapat niya, at inihugos ang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang makita ni Hesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, ipinatatawad na ang mga kasalanan mo.” May nakaupo roong ilang eskriba na nagsaloob ng ganito: “Bakit nagsasalita ng ganito ang taong ito? Kalapastanganan sa Diyos iyan! Hindi ba’t Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?”

Talos ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinabi niya, “Bakit kayo nagsasaloob ng ganyan? Alin ba ang lalong madali: ang sabihin sa paralitiko, ‘Ipinatatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ang sabihing, ‘Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka’? Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa, ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan.” Sinabi niya sa paralitiko, “Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka!” Tumindig naman ang paralitiko, binuhat ang kanyang higaan at umalis na nakikita ng lahat. Sila’y pawang nanggilalas at nagpuri sa Diyos. “Hindi pa kami nakakikita ng ganito!” sabi nila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Puno ng tiwala tulad ng mga kaibigan ng paralitiko, ilapit natin sa Panginoon ang mga pangangailangan at mga hinaing ng Simbahan at ng buong mundo:

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, buhayin mo kaming muli.

Ang Simbahan nawa’y gabayan ng Espiritu Santo sa kanyang pagsasagawa ng misyon ni Kristo na ipahayag ang kapatawaran ng mga kasalanan sa lahat ng mga naghahangad ng awa ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang kapayapaaan sa puso ng mga lalaki at mga babae nawa’y itaguyod nating lahat sa pamamagitan ng ating pagiging handang magpatawad at kalimutan ang mga nagawang pagkakamali, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y maging handang dalhin si Kristo lalo na sa mga taong nawasak ang buhay ng mapait na karanasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga may kapansanan nawa’y patuloy na umasa at magtiwala sa Diyos na walang hinangad kundi kagalingan at ang pagiging buo ng bawat isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kapatid nawa’y magkaroon ng kaganapan ng buhay sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa kapatawarang ibinigay sa amin ng iyong Anak. Kami rin nawa’y makapagpatawad sa mga nakagawa sa amin ng masama. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,443 total views

 5,443 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 22,030 total views

 22,030 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 23,399 total views

 23,399 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 31,054 total views

 31,054 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,558 total views

 36,558 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Watch Live

Related Post

Lunes, Abril 28, 2025

 535 total views

 535 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pedro Chanel, pari at martir o kaya Paggunita kay San Luis Maria

Read More »

Linggo, Abril 27, 2025

 945 total views

 945 total views Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 5, 12-16 Salmo 117, 2-4. 22-24. 25-27a Butihing Poo’y purihin pag-ibig n’ya’y walang

Read More »

Sabado, Abril 26, 2025

 1,237 total views

 1,237 total views Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 13-21 Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21 Pinupuri

Read More »

Biyernes, Abril 25, 2025

 1,557 total views

 1,557 total views Biyernes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 1-12 Salmo 117, 1-2 at 4. 22-24. 25-27a Batong

Read More »

Huwebes, Abril 24, 2025

 1,992 total views

 1,992 total views Huwebes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 11-26 Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9 Maningning

Read More »

Miyerkules, Abril 23, 2025

 2,471 total views

 2,471 total views Miyerkules sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 1-10 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 D’yos ay

Read More »

Martes, Abril 22, 2025

 2,716 total views

 2,716 total views Martes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 36-41 Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22 Awa’t

Read More »

Lunes, Abril 21, 2025

 3,040 total views

 3,040 total views Lunes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 14. 22-33 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10.

Read More »

Sabado, Abril 19, 2025

 3,849 total views

 3,849 total views Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay Genesis 1, 1-2, 2 o kaya Genesis 1, 1. 26-31a Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at

Read More »

Biyernes, Abril 18, 2025

 4,038 total views

 4,038 total views Biyernes Santo sa Pagpapakasakit ng Panginoon Isaias 52, 13-53, 12 Salmo 30, 2 at 6. 12-13. 15-16. 17 at 25 Ama, sa mga

Read More »

Huwebes, Abril 17, 2025

 3,897 total views

 3,897 total views Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon Exodo 12, 1-8. 11-14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Read More »

Miyerkules, Abril 16, 2025

 4,112 total views

 4,112 total views Miyerkules Santo Isaias 50, 4-9a Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34 Poon, ako’y iyong dinggin sa panahong ‘yong ibigin. Mateo 26, 14-25

Read More »

Martes, Abril 15, 2025

 4,498 total views

 4,498 total views Martes Santo Isaias 49, 1-6 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Juan 13, 21-33.

Read More »

Lunes, Abril 14, 2025

 4,529 total views

 4,529 total views Lunes Santo Isaias 42, 1-7 Salmo 26, 1. 2. 3. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Juan 12, 1-11 Monday of Holy

Read More »

Linggo, Abril 13, 2025

 4,754 total views

 4,754 total views Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon (K) Lucas 19, 28-40 Isaias 50, 4-7 Salmo 21, 8-9. 17-18a. 19-20. 23-24 D’yos ko! D’yos

Read More »
Scroll to Top