Miyerkules, Abril 22, 2026

SHARE THE TRUTH

 9,685 total views

Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 8, 1b-8
Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a.

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

Juan 6, 35-40

Wednesday of the Third Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 8, 1b-8

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Nagsimula nang araw na iyon ang isang mahigpit na pag-uusig laban sa Simbahan sa Jerusalem. At liban sa mga apostol, lahat ng sumasampalataya ay nangalat sa lupain ng Judea at Samaria. Si Esteban nama’y inilibing ng mga taong may takot sa Diyos, at gayun na lamang ang kanilang panangis.

Samantala, sinikap ni Saulo na wasakin ang Simbahan: pinapasok niya ang bahay-bahay at kinakaladkad ang mga sumasampalataya at ibinibilanggo, maging lalaki’t maging babae.

Nangalat ang mga mananampalataya, at saanman sila makarating ay ipinangangaral nila ang Salita. Nagpunta si Felipe sa isang lungsod ng Samaria at ipinangaral doon ang Mesias. Nang mabalitaan ng mga tao at makita ang mga kababalaghang ginagawa niya, pinakinggan nilang mabuti ang sinasabi niya. Sapagkat ang masasamang espiritu ay umaalis sa mga taong inaalihan nito at sumisigaw habang lumalabas; maraming lumpo at mga pilay ang napagaling. Kaya’t nagkaroon ng malaking kagalakan sa lungsod na iyon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

o kaya: Aleluya!

Sumigaw sa galak ang mga nilalang!
At purihin ang Diyos na may kagalakan;
wagas na pagpuri sa kanya’y ibigay!
Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila:
“Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga.”

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

Ang lahat sa lupa ika’y sinasamba
awit ng papuri yaong kinakanta;
ang iyong pangala’y pinupuri nila.
Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan.
Ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

Naging tuyong lupa kahit yaong tubig,
at ang nuno natin ay doon tumawid;
kaya naman tayo’y nagalak nang labis.
Siya’y naghaharing may lakas ang bisig.

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

ALELUYA
Juan 6, 40

Aleluya! Aleluya!
Mabubuhay na totoo
ang lahat ng mga tao
na nananalig kay Kristo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 6, 35-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.

“Ngunit sinabi ko na sa inyo: nakita na ninyo ako, gayunma’y hindi kayo nananalig sa akin. Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama. At hindi ko itataboy ang sinumang lumalapit sa akin. Sapagkat ako’y bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang kalooban ko, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. At ito ang kanyang kalooban: huwag kong pabayaang mawala kahit isa sa mga ibinibigay niya sa akin, kundi muling buhayin sila sa huling araw. Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng makakita at manalig sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At sila’y muli kong bubuhayin sa huling araw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules

Taglay ang pagtitiwala sa pagiging bukas-loob ng Diyos Ama na naghandog sa atin ng kanyang Anak sa Eukaristiya bilang pagkain para sa ating kaluluwa, ilapit natin sa kanya ang ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pagpalain Mo kami sa Eukaristiya.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magpatotoo kay Jesus na siyang Tinapay ng Buhay sa mundong nagugutom sa kahulugan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y aktibong makisangkot sa paghahanap ng mga katugunan sa mga pangangailangan at kapakanan ng ating mahihirap na kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-aakalang hindi nila kailangan ang Diyos sa kanilang buhay nawa’y maakit na tumanggap ng Eukaristiya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maranasan ang mapagmahal na presensya ni Kristo sa kanilang pagtanggap ng Eukaristiya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong tumanggap ng Tinapay ng Buhay nawa’y magkamit ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, gawin mo kaming tapat na nagpapasalamat para sa handog mong Eukaristiya na siyang nagbibigay ng pag-asa at kahulugan sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 40,536 total views

 40,536 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 84,144 total views

 84,144 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 167,881 total views

 167,881 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 182,022 total views

 182,022 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Mayo 15, 2026

 1,789 total views

 1,789 total views Paggunita kay San Isidro, magsasaka Mga Gawa 18, 9-18 Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7 Hari ng sangkalupaan D’yos na Makapangyarihan. Juan 16, 20-23a

Read More »

Huwebes, Mayo 14, 2026

 2,970 total views

 2,970 total views Kapistahan ni Apostol San Matias Mga Gawa 1, 15-17. 20-26 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8 Hinirang ng D’yos ay dinangal sa piling

Read More »

Miyerkules, Mayo 13, 2026

 5,239 total views

 5,239 total views Miyerkules sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd

Read More »

Martes, Mayo 12, 2026

 5,209 total views

 5,209 total views Martes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kina San Nereo at San Achiles, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Lunes, Mayo 11, 2026

 5,221 total views

 5,221 total views Lunes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 11-15 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top