Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Biyernes, Hulyo 4, 2025

SHARE THE TRUTH

 2,993 total views

Biyernes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay Santa Isabel na taga-Portugal

Genesis 23, 1-4. 19; 24, 1-8. 62-67
Salmo 105, 1-2. 3-4a. 4b-5

Pasalamat tayo sa D’yos,
kabutihan niya’y lubos.

Mateo 9, 9-13

Friday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Genesis 23, 1-4. 19; 24, 1-8. 62-67

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Nabuhay si Sara nang sandaa’t dalawampu’t pitong taon. Namatay siya sa Kiryat-arba, tinatawag ding Hebron, sa lupain ng Canaan. Ito’y labis na ikinalungkot ni Abraham.

Sandaling iniwan ni Abraham ang bangkay at nakipag-usap sa mga Heteo. Wika niya, “Ako’y nakikipamayan lamang sa inyo. Kung maaari, pagbilhan ninyo ako ng dakong mapaglilibingan sa aking asawa.”

At inilibing nga ni Abraham si Sara sa yungib na iyon sa Macpela, sa lupain ng Canaan. Ito’y tinatawag ngayong Hebron.

Matandang-matanda na noon si Abraham, at pinagpapalang mabuti ng Panginoon. Sinabi niya sa pinakamatanda niyang alipin na kanyang katiwala: “Ilagay mo ang iyong kamay sa pagitan ng aking mga hita, at manumpa ka. Ipangako mo sa akin sa ngalan ng Panginoon, ang Diyos ng langit at lupa, na hindi ka sa Canaan pipili ng mapapangasawa ni Isaac. Pumunta ka sa bayan kong tinubuan, at pumili ka sa aking mga kamag-anak doon ng mapapangasawa niya.”

“Kung ayaw pong sumama ng mapipili ko, maaari po bang si Isaac na ang pumunta roon?” tanong ng alipin.

“Aba, hindi! Huwag mong papupuntahin doon si Isaac,” tugon ni Abraham. “Nilisan ko ang tahanan ng aking ama at iniwan ang lupain ng aking mga kamag-anak sapagkat dito ako pinapunta ng Panginoon, ang Diyos ng kalangitan. Nangako siyang ibibigay ang lupaing ito sa aking lahi. Magsusugo siya ng kanyang anghel na mauuna sa iyo upang tulungan ka sa pagpili ng mapapangasawa ng aking anak. Ngayon, kung ayaw sumama ng mapipili mo, wala ka nang pananagutan sa akin. Ngunit huwag mong papupuntahin doon ang anak ko!”

Nang makalipas ang mahabang panahon, si Isaac ay naninirahan sa lupain ng Negeb. Minsan, napadako siya sa ilang ng Beer-lahai-roi. Nang magtatakip-silim, siya’y namasyal sa bukirin at nakita niyang may dumarating na mga kamelyo. Natanaw ni Rebecca si Isaac kaya’t bumaba siya sa sinasakyang kamelyo, lumapit sa aliping kumaon sa kanya at nagtanong, “Sinong lalaki iyong papalapit sa atin?”

“Siya po ang aking amo,” tugon nito. Kumuha ng belo si Rebecca at nagtalukbong.

Pagtatagpo nila’y isinalaysay ng alipin kay Isaac ang mga pangyayari, kaya’t tinanggap ni Isaac si Rebecca bilang asawa at dinala sa kanyang tolda. Ang babae ay napamahal sa kanya at naging kaaliwan niya sa pagkamatay ng kanyang ina.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 105, 1-2. 3-4a. 4b-5

Pasalamat tayo sa D’yos,
kabutihan niya’y lubos.

o kaya: Aleluya.

Magpasalamat sa Panginoong Diyos, pagkat siya ay mabuti,
ang kanyang pag-ibig na hindi kukupas ay mananatili.
Sinong mangangahas upang magpahayag na siya’y dakila?
Sino ang pupuri at magpapahayag ng kanyang ginawa?

Pasalamat tayo sa D’yos,
kabutihan niya’y lubos.

At dapat magalak ang sinumang tao na makatarungan
na gawang matuwid ang siyang adhika sa buo n’yang buhay.

Pasalamat tayo sa D’yos,
kabutihan niya’y lubos.

Tulungan mo ako, kapag ang bayan mo’y iyong nagunita,
sa pagliligtas mo, isama mo sana ang lingkod mong aba;
upang makita ko ang pag-unlad nila na iyong hinirang,
kasama ng iyong bansang nagagalak, ako’y magdiriwang.

Pasalamat tayo sa D’yos,
kabutihan niya’y lubos.

ALELUYA
Mateo 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Kayong mabigat ang pasan
ay kay Hesus maglapitan
upang kayo’y masiyahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 9, 9-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, umalis si Hesus at sa kanyang paglakad, nakita niya ang isang taong ang pangala’y Mateo; nakaupo ito sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumindig si Mateo at sumunod sa kanya.

Nang si Hesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming publikano at mga makasalanan. At sila’y magkakasalong kumain. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit sumasalo sa mga publikano at mga makasalanan ang inyong guro? Narinig ito ni Hesus at siya ang sumagot, “Ang mga maysakit ang nangangailangan ng manggagamot, hindi ang mga walang sakit. Humayo kayo at unawain ninyo ang kahulugan nito, ‘Habag ang ibig ko at hindi hain.’ Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Dumating si Kristo upang tawagin ang mga makasalanan at ibigay ang kaligtasan sa kanila. Mulat sa pagtawag na ito, may kababaang-loob tayong manalangin sa Ama.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na manggagamot, pakinggan mo kami.

Ang mga mahihina at makasalanan nawa’y makita ang Simbahan bilang tahanang bukal ng kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nasa paglilingkod ng bayan nawa’y isagawa nang may kalinisan at katapatan ang kanilang mga tungkulin, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng Eukaristiyang ito nawa’y madama natin ang mapagpagaling na habag ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nabubuhay sa pagkakasala nawa’y tingnan natin nang may habag at pang-unawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y makadama ng mapagligtas na kapangyarihan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, may pananalig tulad ni Abraham na sumunod sa iyong pagtawag, itinataas ng iyong Kristiyanong Sambayanan ang kanilang mga panalangin. Nawa’y ipagkaloob mo ang iyong ibinunsod na aming hilingin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 90,083 total views

 90,083 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 102,623 total views

 102,623 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 125,005 total views

 125,005 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 144,214 total views

 144,214 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 46,367 total views

 46,367 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 46,598 total views

 46,598 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 47,109 total views

 47,109 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 34,255 total views

 34,255 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 34,364 total views

 34,364 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top