Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 164,590 total views

Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa.

Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA). Natapos ang taóng 2024 na may mahigit 370,000 na rehistradong kasal o registered marriages. Mas mababa ito sa mahigit 410,000 noong 2023. Nasa 10.2% ang diprensya. Dalawang magkasunod na taon na raw na bumababa ang bilang ng mga rehistradong kasal sa Pilipinas. Sa nakalipas na sampung taon, pinakamababa ang registered marriages noong 2020 dahil sa pandemya. Bahagya itong tumaas habang bumabalik tayo sa “normal”, pero hindi pa rin kapantay ng bilang ng registered marriages noong mga taon bago ang pandemya.

Ngayong 2025 kaya, mas bababâ kaya o mas dadami?

Sa isang naunang report, sinabi ng Commission on Population and Development (o CPD) na sinasalamin ng datos na ito ang nagbabagong realidad kung saan ang mga pamilya ngayon ay may iba’t ibang porma na. 

Ang mas kapansin-pansin pa raw, tumataas ang bilang ng mga nagli-live in o cohabitation. Nagsasama pero hindi kasal sa huwes man o sa simbahan. Kasabay nito ang pagdami ng mga tinatawag na children outside marriage o mga batang ipinanganak ng mga magulang na hindi kasal. Noong 2023, mas marami pa raw ang mga children outside marriage kaysa sa mga ipinanganak ng mga magulang na kasal.

Naniniwala tayong malaki pa rin ang pagpapahalaga nating mga Pilipino sa pagpapakasal ng mga nagmamahalan, bumuo ng kanilang pamilya, o magsama habambuhay. Pero hindi natin maikakailang maraming bagay na tinitimbang ang mga nag-iisip na mag-isang-isang dibdib. Gastos ito para sa iba. Sa hirap ng buhay ngayon, nakikitang mas praktikal ang magsama sa iisang bubong. May mga ipinagpapaliban ang kanilang kasal—o pinipiling magsama na lamang—habang kinikilala ng babae at lalaki ang isa’t isa. Hindi muna sila magpapatali. Mas nakababahala naman ang mga pagsasamang itinulak ng sitwasyon, gaya ng mga babaeng binuntis ng lalaki kahit hindi pa sila kasal. Minsan, karangalan ng pamilya ang isinasaalang-alang. 

Para sa Simbahan, banal na kasunduan ang pinapasok ng mga nagpapakasal. Isa itong sakramentong itinatag ng Diyos kung saan dapat malayang nakapagpapasya ang dalawang nagmamahalan. Kaya maganda nga ang salitang “pag-iisang dibdib” na ginagamit nating mga Pilipino; binibigyang-diin nito ang pagsasama ng dalawang tao at ang kabukasan nilang bumuo ng buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng anak. Sa ating pananampalataya, ang pagpapakasal sa Simbahan ay simbolo ng pagtanggap ng sambayanan ng Diyos sa dalawang nanumpang magsasama habambuhay—sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, hanggang kamatayan. “Hindi na sila dalawa, kundi iisa,” wika nga sa Mateo 19:6.

Pero ang paghahanda para sa pag-aasawa ay hindi natatapos sa pagpapakasal, kaya hindi ito kailangang pagkagastusan nang malaki. Sa Catholic social teaching na Amortis Laetitia, sinabi ni Pope Francis na hindi dapat ituring ng magkasintahan ang seremonya ng kasal bilang katapusan ng kanilang paglalakbay. Simula lamang iyon ng kanilang panghabambuhay na bokasyon—isang desisyong magkasama nilang pipiliin at tatanggapin. 

Nakakatakot ito, sa totoo lang. Kaya naman ang Simbahan, sa halip na idikdik sa mga magkasintahan ang turo nito ukol sa pagpapakasal, ay dapat nakatuon sa pakikipaglakbay sa kanila. Kaakibat nito ang pagsama sa kanilang mahihirap na sandali. Kaakibat nito ang pagtulong sa kanilang panatilihing buháy ang pag-ibig sa isa’t isa nang lumago sila nang magkasama. Kaakibat nito ang paggabay sa kanila tungo sa mga tao, lugar, at serbisyong maaari nilang takbuhan kapag nagkakaproblema sila.

Mga Kapanalig, imbis na mabahala tayo sa bumababang bilang ng mga nagpapakasal at sa dumadaming kababayan nating nagsasama nang hindi kasal, maging hamon dapat ito lalo na sa ating Simbahan. Hindi ito dahilan para husgahan sila. Imbitasyon ito para protektahan ang pamilyang itinuturing na saligan ng ating lipunan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 24,271 total views

 24,271 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 74,955 total views

 74,955 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 81,084 total views

 81,084 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 110,416 total views

 110,416 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 127,806 total views

 127,806 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 24,272 total views

 24,272 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 74,956 total views

 74,956 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 81,085 total views

 81,085 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 110,417 total views

 110,417 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »
Scroll to Top