CBCP-ECIP, nagpahayag ng suporta sa bagong pinuno ng komisyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 51,399 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) sa pagkakatalaga kay Calapan Bishop Moises Cuevas bilang bagong chairman ng komisyon.

Opisyal nang nagsimula ang tungkulin ni Bishop Cuevas noong December 1, 2025, bilang kahalili ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc.

Nagpapasalamat naman ang CBCP-ECIP kay Bishop Dimoc sa limang taong paglilingkod bilang pinuno ng komisyon mula December 2020.

“Isang malugod na pagbati kay Lubos na Kagalang-galang Obispo Moises M. Cuevas, DD sa kanyang pagkakatalaga bilang ECIP Commission Chair at maalab na pasasalamat din kay Lubos na Kagalang-galang Obispo Valentin C. Dimoc, DD sa mga nagdaang taong paglilingkod bilang Commission Chair ng ECIP, “ ayon sa CBCP-ECIP.

Gayunman, mananatili pa rin si Bishop Dimoc bilang katuwang ng komisyon bilang vice-chairman.

Ang CBCP-ECIP ang sangay ng simbahan na nakatuon sa pangangalaga sa kapakanan ng mga katutubo, kabilang ang kanilang karapatan, lupaing ninuno, at pagpapanatili ng kultura at mga tradisyon.

Inaasahang sa ilalim ng pamumuno ni Bishop Cuevas ay magpapatuloy ang komisyon sa pagsusulong ng mga programa para sa mga katutubo, lalo na sa gitna ng iba’t ibang hamong kinakaharap sa kanilang mga lupaing ninuno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 43,944 total reads

 43,944 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 78,619 total reads

 78,619 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 107,442 total reads

 107,442 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 143,924 total reads

 143,924 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 159,428 total reads

 159,428 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 84,858 total reads

 84,858 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top