Paninindigan ng CBCP sa usaping at moral at panlipunan, mananatiling matatag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 59,017 total views

Tiwala si dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na mananatiling matatag ang paninindigan ng Simbahang Katolika pagdating sa mga usaping moral, panlipunan, at pambansa sa ilalim ng bagong pamunuan ng CBCP.

Sa panayam ni Cardinal David sa Radyo Veritas ay inihayag ng dating pangulo ng kalipunan ng mga Obispo sa bansa ang masidhing pagtitiwala na maipagpapatuloy ng mga bagong mamumuno sa kalipunan ang paninindigan ng Simbahan sa iba’t ibang mga usaping panlipunan.

Ayon sa Cardinal, ang kanyang mga isinapublikong mga pahayag bilang dating pangulo ng CBCP ay hindi niya pansariling opinyon mga pahayag, sa halip ay bunga ng sama-samang pagninilay, posisyon at paninindigan ng buong kapulungan ng mga Obispo sa buong bansa.

“Alam niyo po hindi naman big deal para sa amin ang change of leadership akala nila yung mga nilalabas kong statement ay akin lang, hindi po totoong akin yun. Yun po ay collective statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal David sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Cardinal David, ito ang sinasalamin ng pagkakaroon ng kanya-kanyang pastoral statement ng mga Obispo kung saan nakaangkla sa pangkabuuang pahayag ng CBCP ang iba pang paninindigan ng mga Obispo sa lokal na kalagayan ng kanilang mga lugar.

Paliwanag ng Cardinal, maging ang mga lokal na Obispo ay gumagawa rin ng kani-kanilang pastoral statements upang iangkop sa kanilang lokal na sitwasyon ang pambansang posisyon ng Simbahan sa bansa.

“At ang patunay doon ay sila [mga Obispo] sila mismo ay gumagawa din ng kanilang mga local pastoral statement para i-localize nila yung common national na paninindigan namin at naniniwala ako magpapatuloy iyon kahit hindi na ako ang presidente ng CBCP.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Paglilinaw ng Cardinal, ang pagbabago ng pamunuan ng CBCP ay hindi nangangahulugan ng pagbabago sa prinsipyo at direksyon ng Simbahan sapagkat tuwinang mananatiling nakabatay sa turo at mga salita ng Diyos ang paninindigan ng Simbahan sa mga usaping panlipunan partikular na ang panawagan para sa transparency, accountability, at paglaban sa korapsyon sa kaban ng bayan.

Giit ni Cardinal David, sa ilalim ng pamumuno ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera na bagong pangulo ng CBCP at Zamboanga Archbishop Julius Tonel na bagong pangawalang taga-pangulo ng kalipunan ay mananatiling mahalagang tinig ang CBCP sa moral na paggabay sa sambayanan.

“Ngayon ang bagong presidente ay si Archbishop Gilbert Garcera [Archbishop of Lipa], magsisimula po ang kanyang termino mula December 1, 2025 at ang kanyang vice president ay si Archbishop Julius Tonel ng Zamboanga, pero pareho pa rin ang conference dahil pareho pa rin ang mga Obispo na nakaupo sa plenary assembly at sigurado ako isu-sustain talaga itong partisipasyon ng Simbahan para sa moral and spiritual reset na kailangan ng ating bansa.” Ayon pa kay Cardinal David.

Pagtiyak ni Cardinal David mananatili ang misyon ng Simbahan na isulong ang katotohanan, katarungan, at dangal ng bawat Pilipino sapagkat hindi nakatali sa isang lider ang paninindigang ito kundi sa pananampalatayang pinagbubuklod ng buong kapulungan.

Matatandaang sa ginanap na 130th CBCP Plenary Assembly sa Anda, Bohol noong June 30, 2025 hanggang July 7, 2025 ay naihalal si Lipa Archbishop Gilbert Garcera bilang bagong pangulo ng kalipunan ng mga Obispo sa Pilipinas.

Nagsimula ang unang termino ng mga bagong halal na opisyal ng CBCP ngayong December 1, 2025 at magtatagal hanggang sa November 30, 2027.

Ang mga opisyal ng CBCP ay maglilingkod sa loob ng dalawang taon para sa isang termino at maaring muling ihalal sa pangalawang termino o kabuuang apat na taong pamumuno.

Kasalukuyang may 126 na miyembro ang CBCP kung saan 87 ang aktibong obispo, 38 ang mga retirado at tatlong diocesan priest-administrators.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 24,979 total views

 24,979 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 75,663 total views

 75,663 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 81,792 total views

 81,792 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 111,099 total views

 111,099 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 128,433 total views

 128,433 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top