Ikulong ang mga kurakot! Ibalik ang ninakaw!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 180,342 total reads

Mga Kapanalig, isang buwan na lang at sasalubungin na natin ang bagong taon. Sa tingin ninyo, makukulong kaya ang mga mastermind sa likod ng maanomalyang flood control projects bago mag-2026? Maibabalik pa kaya ang bilyun-bilyon pisong ninakaw mula sa kaban ng bayan?

Kahapon, Bonifacio Day, isinagawa ang ikalawang Trillion Peso March, Baha sa Luneta, at iba pang mga kilos-protesta kontra korapsyon sa iba’t ibang panig ng bansa. Pareho pa rin ang panawagan: ikulong ang mga kurakot, ibalik ang ninakaw! 

Tatlong buwan na ang nakalipas mula sa unang pagdinig hinggil sa katiwalian sa flood control projects. Saan na nakarating ang mga imbestigasyong ito? 

Nitong Nobyembre, naibenta na sa isinagawang public auction ng Bureau of Customs ang tatlo sa pitong luxury cars na isinauli ng mga Discaya, ang kontrobersyal na mag-asawang sangkot sa maanomalyang DPWH projects. Ang pagsubasta sa mga sasakyan ay kumita ng 38.2 milyong piso na ibabalik sa kaban ng bayan. Pero barya lang ito kumpara sa bilyun-bilyon pisong ninakaw sa atin. 

Naglabas na rin ng arrest warrant ang Sandiganbayan sa labing-anim na opisyal ng DPWH at board members ng Sunwest Corporation na sangkot sa isang flood control project sa Oriental Mindoro. Kasama sa mga ito si Zaldy Co, ang dating Ako Bicol Party-list representative at isa sa mga nagtatag ng Sunwest. Siyam sa mga akusado ay nasa kustodiya na ng pamahalaan. Samantala, patuloy pang tinutugis ang pitong akusado, pati na ang dating kongresista. Humiling na rin ang Ombudsman sa Bureau of Immigration na maglabas ito ng foreign travel restriction order sa ilang mambabatas at opisyales na hinihinalang sangkot sa katiwalian.

At noong nakaraang linggo, nagsumite na ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI) at DPWH sa Ombudsman ng rekomendasyon upang kasuhan ng plunder, graft, bribery, at conflict of interest ang pitong mambabatas maliban pa kay Zaldy Co. Tinagurian silang “cong-tractors” o mga kongresistang may-ari o may kamag-anak na may-ari ng construction firms na nakatanggap ng kontrata mula sa DPWH. O, ‘di ba? Kongresista na, kontratista pa! Ayon sa ICI, ang mga cong-tractors ay nakakuha ng 1,300 na mga proyektong may kabuuang halaga na halos 93 bilyong piso mula 2016 hanggang 2024. Ito ay malinaw na conflict of interest na nagbibigay-daan sa korapsyon. Paliwanag ni ICI Chair Andres Reyes Jr, hindi dapat nakikilahok at nakikinabang sa government contracts ang mga kongresista. Aniya, kailangang wakasan ang “culture of contracting” sa mga mambabatas. 

Tila unti-unti namang napananagot ang mga nasa likod ng maanomalyang flood control projects. Gayunpaman, barya pa lang ang naibabalik na pera ng bayan. “Maliliit na isda” lang, ‘ika nga, ang naaaresto. Samantala, nagtatago sa ibang bansa ang ilan sa mga akusado at patuloy na nagtuturuan ang mga nasa poder. Hahabulin na raw ang mga “malalaking isda” sa susunod na mga linggo. Inaasahang kakasuhan at ikukulong ang marami sa mga maysalang kontrasista, opisyales, kongresista, at senador. 

Pero maging mapagmatyag pa rin tayo. Pahaba nang pahaba ang listahan ng mga sangkot sa katiwalian. Sa laki ng ninakaw sa atin, maraming buhay na sana ang napaunlad at maraming buhay sana ang nailigtas mula sa mga sunud-sunod na trahedya. Patuloy tayong makibahagi sa mga kilos-protesta sa pananawagan ng katarungan. Patuloy nating singilin at panagutin ang mga maysala. 

Mga Kapanalig, gaya ng sinasabi sa Mga Kawikaan 29:2, ang bayan ay matatag kung ang mga nasa poder ay makatarungan, “ngunit ito’y mawawasak kung sa salapi [sila ay] gahaman.” Sa isang talumpati ni Pope Francis noong 2016, sinabi niya na “corruption is the worst social evil.” Ito ay kasakimang nagpapanggap na paglilingkod sa bayan. Ikulong ang mga kurakot, ibalik ang ninakaw!

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 139,115 total reads

 139,115 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 213,415 total reads

 213,415 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 246,865 total reads

 246,865 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 282,163 total reads

 282,163 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 503,261 total reads

 503,261 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 139,118 total reads

 139,118 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 213,417 total reads

 213,417 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 246,867 total reads

 246,867 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 282,165 total reads

 282,165 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top