Seryosohin ang pananagutan at katotohanan, hamon ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,582 total reads

Hinimok ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang mamamayan na pag-ibayuhin ang pagbabantay at paghahanda sa pagdating ni Hesus ngayong panahon ng Adbiyento, kasabay ng kanyang panawagan para sa moral at tapat na pamamahala sa gitna ng mga isyung kinakaharap ng bansa.

Ito ang pahayag ng obispo sa isinagawang Trillion Peso March Movement sa EDSA People Power Monument, kung saan iginiit niyang nasa “sangangdaan” ang sambayanang Pilipino at muling hinamon ang pamahalaan na seryosohin ang pananagutan at katotohanan.

“Nahaharap ang bawat mamamayang Pilipino sa isang sangangdaan… Bawat isa ay hinahamong mamuhay ng marangal at banal. Kaya nga dapat kung seryoso ang ating pamahalaan, maging seryoso sa accountability, transparency at justice,” pahayag ni Bishop Vergara.

Ipinaliwanag ng obispo na ang Adbiyento ay panahon ng pagbabantay at panloob na paghahanda, kung saan ang tunay na pagbabago ng bayan ay nagsisimula sa personal na pagbabagong moral at espiritwal.

Ayon sa obispo, mahalagang ipagdasal ng mamamayan ang mahinahong paghahanap ng katarungan, lalo na sa pagharap ng mga institusyon ng pamahalaan sa mga inihaing reklamo at kaso.

“Sa gitna ng problema ng ating bansa, ipanalangin natin na maging mahinahon sa hamon na panagutin ang mga may sala. Panawagan ng simbahan na pagtrabahuhin ang bawat sangay ng gobyerno sa pagharap sa mga kasong ito,” giit ni Bishop Vergara.

Kasama ang obispo sa mga nakiisa sa pagtitipon na pinangunahan ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David, outgoing president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, na nagdaos ng banal na misa bilang bahagi ng programa.

Iginiit ng Obispo ang patuloy na paninindigan ng Simbahang Katolika laban sa katiwalian.

“Patuloy na pinaninindigan ng simbahan na labanan ang korapsyon at ikulong ang kurakot sa isang maka-Diyos na paraan,” aniya.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., na nagbahagi ng pagninilay, gayundin sina Gumaca Bishop Eugenius Cañete at Infanta Bishop Dave Dean Capucao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 95,314 total reads

 95,314 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 131,234 total reads

 131,234 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 165,366 total reads

 165,366 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 221,772 total reads

 221,772 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top