Biyernes, Hunyo 13, 2025

SHARE THE TRUTH

 11,588 total reads

Paggunita kay San Antonio de Padua, pari at pantas ng Simbahan

2 Corinto 4, 7-15
Salmo 115, 10-11. 15-16. 17-18

Maghahandog ako sa D’yos ng pagpupuring malugod.

Mateo 5, 27-32

Memorial of St. Anthony of Padua, Priest and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Biyernes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 4, 7-15

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay hamak — kung baga sa sisidlan ay palayok lamang — upang ipakilalang ang di malirip na kapangyarihan ay sa Diyos, at hindi amin. Ginigipit kami sa kabi-kabila ngunit di nagagapi. Kung minsa’y nag-aalinlangan kami ngunit di nawawalan ng pag-asa. Pinag-uusig kami ngunit di nawawalan ng kaibigan; naibubuwal ngunit di tuluyang nailulugmok. Lagi kong taglay sa aking katawan ang kamatayan ni Hesus upang sa pamamagitan ng katawan ko’y mahayag ang kanyang buhay. Kami’y laging nabibingit sa kamatayan alang-alang kay Kristo upang sa aming katawang may kamatayan ay mahayag ang kanyang buhay. Anupat habang ako’y dahan-dahang namamatay, nagkakaroon naman kayo ng buhay na walang hanggan.

Sinasabi sa Kasulatan, “Nagsasalita ako sapagkat ako’y sumasampalataya.” Bunga ng gayong diwa ng pananampalataya, nagsasalita rin ako sapagkat ako ma’y sumasampalataya. Sapagkat nalalaman kong ang Diyos na muling bumuhay sa Panginong Hesus ang siya ring bubuhay sa akin kasama niya, at magdadala sa inyo at sa akin sa kanyang piling. Ang lahat ng pagtitiis ko ay sa kapakanan ninyo upang sa pagdami ng mga nakatanggap ng mga kaloob ng Diyos, lalo namang dumami ang magpapasalamat at magpupuri sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 115, 10-11. 15-16. 17-18

Maghahandog ako sa D’yos ng pagpupuring malugod.

Laging buhay ang pag-asa, patuloy ang pananalig,
bagamat ang aking sabi’y, “Ako’y ganap nang nalupig.”
Bagaman at ako’y takot, nasasabi ko kung minsan,
“Wala kahit isang tao na dapat pagtiwalaan.”

Maghahandog ako sa D’yos ng pagpupuring malugod.

Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw,
kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam.
Panginoon, naririto akong inyong abang lingkod,
katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos.

Maghahandog ako sa D’yos ng pagpupuring malugod.

Ako ngayo’y maghahandog ng haing pasasalamat,
ang handog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak.
Sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibgay
ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan.

Maghahandog ako sa D’yos ng pagpupuring malugod.

ALELUYA
Filipos 2, 15d. 16a

Aleluya! Aleluya!
Sa daigdig ay laganap
liwanag na sumisikat
Salitang buhay ng lahat.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 5, 27-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig ninyo na noong una’y iniutos sa mga tao, ‘Huwag kang makikiapid.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: ang sinumang tumingin nang may mahalay na pagnanasa sa isang babae, sa isip niya’y nakiapid na siya sa babaing iyon. Kung ang mata mo ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukutin mo at itapon! Sapagkat mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng katawan kaysa buo ang iyong katawang itapon sa impiyerno. Kung ang iyong kamay ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng katawan kaysa buo ang iyong katawang itapon sa impiyerno.

“Sinabi rin naman, ‘Kapag pinahiwalay ng lalaki ang kanyang asawa, ito’y dapat niyang bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: kapag pinahiwalay ng isang lalaki ang kanyang asawa nang hindi naman ito nangangalunya, at ito’y nag-asawang muli, ang lalaking iyo’y nagkasala – itinulak niya ang kanyang asawa sa pangangalunya. At sinumang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Manalangin tayo sa Diyos na gawin niyang ganap sa atin ang kanyang gawain ng pag-ibig at katapatan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Gawin Mo kaming banal na tulad mo, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y magpatuloy na ipahayag ang karangalan ng kasal at tulungan ang mga mag-asawa na manatiling magkasama sa banal na pagsasabuhay ng kanilang buhay may-asawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-asawa nawa’y maging matalas ang pakiramdam sa pangangailangan ng bawat isa at matagpuan ang tunay na kaligayahan sa buhay nilang pinagsama, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dumaranas ng kahirapan sa buhay may-asawa nawa’y patuloy na magsumikap na isabuhay ang kanilang mga pangako, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, matatanda, at nalulumbay nawa’y makaranas ng pag-aalay ng ating komunidad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw nawa’y mabigyan ng puwang sa walang hanggang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, ibinigay mo sa amin ang kasal upang maging tanda ng iyong pag-ibig. Tulungan mo kaming mamuhay sa kapayapaan sa piling ng bawat isa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

TRULY BLESSED

 858 total reads

Gospel Reading for October 12, 2026 – Luke 11: 29-32

TRULY BLESSED

While still more people gathered in the crowd, Jesus said to them, “This generation is an evil generation; it seeks a sign, but no sign will be given it, except the sign of Jonah. Just as Jonah became a sign to the Ninevites, so will the Son of Man be to this generation. At the judgment the queen of the south will rise with the men of this generation and she will condemn them, because she came from the ends of the earth to hear the wisdom of Solomon, and there is something greater than Solomon here. At the judgment the men of Nineveh will arise with this generation and condemn it, because at the preaching of Jonah they repented, and there is something greater than Jonah here.”

————

The Pharisees and Sadducees (Matthew 16:1), as well as the scribes (Matthew 12:38–39), kept demanding miraculous signs from heaven from Jesus to establish his authority, especially when his teachings contradicted theirs. Even the large crowds that followed him did so because of the miracles he had been performing (John 6:26).

What is absurd about this is that Jesus had already performed so many signs: healing the sick, raising the dead, casting out demons, changing water into wine, multiplying bread and fish, among others. Yet, they were still asking for more signs.

As long as we live on earth, we will never have the chance to see God face-to-face. This is reserved for those who will be with him in the afterlife. But we will always be able to see God through the many signs he gives us, both extraordinary and ordinary, if only we put our COMPLETE FAITH AND TRUST in him. If we allow these signs to show us the way to the Father, we are TRULY BLESSED!

Lord Jesus, help us have eyes that truly see and ears that truly hear. Amen.

It might be you?

 1,073 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 12 October 2026
Galatians 4:22-24, 26-27, 31-5:1     <*((((>< + ><))))*>     Luke 11:29-32
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Please excuse me, Jesus
as I feel like singing
one of the songs during 
our college days by 
Stephen Bishop 
for the movie "Tootsie"
starring Dustin Hoffman:
Time, I've been passing time
Watching trains go by
All of my life
Lying on the sand
Watching sea birds fly
Wishing there would be
Someone waiting home for me
Something's telling me it might be you
It's telling me it might be you
All of my life
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
I could hear you speaking
to me today, Jesus:
"This is an evil generation;
it seeks a sign,
but no sign will be given it,
except the sign of Jonah"
(Luke 11:29);
there are times I keep looking
for certainty, asking for a sign
from God for the things I have to do,
for the mission I have to accomplish;
but like your people,
we today fail or refuse to see you,
to find you, Jesus 
when you are
right in front of us,
always beside us;
and it is true, Lord Jesus,
I cannot find you in my life
because I expect something
more obvious or even something
more dramatic like in the movies.

Keep me simple, Jesus,
so that I may find you,
I may recognize you in
the most ordinary,
the simplest occasions
in my life,
among the people I meet daily
especially those I take for granted
or refuse to relate with.
So many quiet walks to take
So many dreams to wake
And with so much love to make, oh
I think we're gonna meet some time
Maybe all we need is time
And it's telling me it might be you
All of my life
I've been saving love songs and lullabies
And there's so much more
No one's ever heard before
Something's telling me it might be you
Yeah, it's telling me it must be you
And I'm feeling it'll just be you
All of my life
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Yes, it's you, Jesus...
always you every time I wake up
and make that sign of the Cross
first thing in the morning;
it is you, Jesus...
when I see the light
and feel the warmth of
the rising sun;
it is you, Jesus...
when people and kids
smile at me,
when people ask for me,
when people listen and
speak to me;
it is you, Jesus...
when I still hope
and love and desire
for you.
Help me in my unbelief.
Amen.
From YouTube.com.

Ang bigat ng betrayal of public trust

 9,375 total reads

Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Nitong nakaraang linggo, tumutok ang pagdinig sa Article II na inaakusahan ang bise presidente ng pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na yaman, pagsusumite ng maling statement of assets, liabilities, and net worth (o SALN), at patuloy na pagkita mula sa mga pribadong negosyo. Iniharap ng prosekusyon ang mga financial experts, bank representatives, at mga tax executives para ipaliwanag ang mga bagay-bagay.

Gaya ng inaasahan, masyadong teknikal ang mga narinig natin mula sa mga ipinresentang witnesses. Pero narito ang ilan sa mga naungkat sa pagdinig.

Una, kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (o AMLC) ang mga suspicious o kahina-hinalang transaksyon na kinasasangkutan ni VP Sara at ng kanyang mister. Umabot sa 4.4 bilyong piso ang halaga ng mga transaksyong ito.

Pangalawa, ipinakita rin ng records mula sa AMLC na nakatanggap ang isang kompanya ng asawa ni VP Sara ng 319 milyong piso mula sa mga kompanyang nakabase sa China. 

Pangatlo, natuklasan sa mga records na ang mga joint accounts nina VP Sara at ng kanyang tatay na si dating Pangulong Digong Duterte ay tumanggap ng mga depositong nagkakahalaga ng 193 milyong piso. Nangyari lang ito sa isang araw!

Pang-apat, lumabas sa mga bank records nina VP Sara at kanyang asawa na meron silang 59 milyong piso noong 2022, pero hindi ito inilagay ng bise presidente sa kanyang SALN.

Panghuli, nakatanggap si VP Sara ng suweldo mula sa Davao City LGU kahit pa bise presidente na siya. May mga tinanggap din siyang kabayaran at mga cash holdings na lampas-lampas sa kanyang suweldo.

Malinaw ang ating Saligang Batas: “Public office is a public trust.” Ang mga pinuno at mga kawani ng gobyerno ay kinakailangang laging nananagot sa taumbayan. Dapat silang maglingkod nang may pinakamataas na integridad, dangal, katapatan, at kahusayan. Dapat taglay nila sa pagtupad ng kanilang tungkulin ang pagkamakabayan at katarungan. Inaasahan din silang mamuhay nang buong kapakumbabaan. 

Sa unang araw ng kanilang pag-upo sa posisyong ipinagkatiwala sa kanila ng pinakamaraming botante, nanumpa silang tutupdin ang itinakdang ito ng Konstitusyon. Sa araw na iyon, pumasok sila sa isang kasunduan sa taumbayan. Hindi natin dapat kalimutan ang kasunduang iyon, at dito papasok ang impeachment trial. Ito ang tamang paraan para papanagutin (o gawing accountable) ang mga lider na hindi tumupad sa ating kasunduan sa kanila. Ito ang tamang paraan para sabihin sa ating mga pinuno na binabantayan natin sila at na mahalaga sa atin ang katotohanan. Sabi nga sa Mga Efeso 5:13-14, “Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay nakikilala kung ano talaga ang mga iyon, at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag.” Liwanag ang dala ng impeachment trial.

Pinahahalagahan maging ng ating Simbahan ang pagpapanagot sa ating mga lider. Ang paglilingkod sa bayan ay hindi tungkol sa pagkakaroon ng kapangyarihan at pribilehiyo. Ito ay isang morál na obligasyon ng pagsisilbi, at salungat na salungat dito ang pagtataksil sa tiwala ng bayan o betrayal of public trust. Pinagtataksilan ng mga pinuno ng pamahalaan ang tiwalang ito kapag meron silang itinatagong yaman, kapag kumikita sila labás sa kanilang trabaho, at kapag may iba pa silang interes maliban sa pagsisilbi sa bayan. 

Mga Kapanalig, kapag sariling interes ang inuuna ng mga nasa gobyerno, napagkakaitan ang publiko ng tapat na serbisyo at epektibong solusyon sa mga problema. Ganito kabigat ang betrayal of public trust—ang pagtataksil sa tiwala ng taumbayan. Ito sana ang makita ng mga kababayan nating patuloy na nagogoyo ng pakitang-tao ng mga pulitiko, nakukuntento na lang sa panandaliang ayuda, at nabubulag sa pagkapanatiko. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 9,376 total reads

 9,376 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 237,754 total reads

 237,754 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 131,220 total reads

 131,220 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 225,249 total reads

 225,249 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 269,132 total reads

 269,132 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 973 total reads

 973 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 2,136 total reads

 2,136 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

Lunes, Oktubre 12, 2026

 4,276 total reads

 4,276 total reads Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Read More »

Linggo, Oktubre 11, 2026

 4,634 total reads

 4,634 total reads Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 25, 6-10a Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal.

Read More »

Sabado, Oktubre 10, 2026

 6,816 total reads

 6,816 total reads Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top