BIYERNES, HUNYO 16, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,317 total views

Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus (A)

Deuteronomio 7, 6-11
Salmo 102, 1-2. 3-4. 6-7. 8 at 10

Pag-ibig mo’y walang hanggan
sa bayan mong nagmamahal.

1 Juan 4, 7-16
Mateo 11, 25-30

Solemnity of the Most Sacred Heart of Jesus (White)
Day of Prayer for the Sanctification of Priests

UNANG PAGBASA
Deuteronomio 7, 6-11

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

Sinabi ni Moises sa mga tao: “Kayo ay bansang nakatalaga sa Panginoon. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanya.

“Pinili niya kayo at inibig hindi dahil sa dami, pagkat kayo pa nga ang pinakakaunti sa lahat. Pinili niya kayo dahil sa pag-ibig niya sa inyo, at sa kanyang pangako sa inyong mga ninuno. Ito rin ang dahilan kaya niya kayo iniligtas sa kamay ng Faraon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Alalahanin ninyo ang Panginoon ay Diyos na hindi marunong sumira sa pangako. Tapat siya sa lahat ng umiibig at sumusunod sa kanya at ipinadarama niya ang kanyang pagmamahal hanggang sa ikasanlibong salinlahi. Nililipol niya ang lahat ng sumusuway sa kanya; hindi makaliligtas sa kanyang parusa ang lahat ng hindi sumusunod sa kanya. Kaya, sundin ninyo ang Kautusan at mga tuntuning ito.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 3-4. 6-7. 8 at 10

Pag-ibig mo’y walang hanggan
sa bayan mong nagmamahal.

Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Pag-ibig mo’y walang hanggan
sa bayan mong nagmamahal.

Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad,
at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.
Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag.

Pag-ibig mo’y walang hanggan
sa bayan mong nagmamahal.

Panginoo’y humahatol, ang gawad ay katarungan;
natatamo ng inapi ang kanilang karapatan.
Ang balangkas niya’t utos kay Moises ibinilin;
ang kahanga-hangang gawa’y nasaksihan ng Israel.

Pag-ibig mo’y walang hanggan
sa bayan mong nagmamahal.

Kay ganda ng kalooban, mahabagin itong Diyos,
kung magalit ay banayad, kung umibig nama’y lubos.
Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway;
di na tayo sinisingil sa nagawang kasalanan.

Pag-ibig mo’y walang hanggan
sa bayan mong nagmamahal.

IKALAWANG PAGBASA
1 Juan 4, 7-16

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Mga pinakamamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos, at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang suguin niya ang kanyang bugtong na Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig niya at sinugo ang kanyang Anak upang maging handog sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan.

Mga pinakamamahal, yamang gayon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong mag-ibigan. Walang taong nakakita sa Diyos kailanman, ngunit kung tayo’y nag-iibigan, nasa atin siya at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig.

Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat pinagkalooban niya tayo ng kanyang Espiritu. Nakita namin at pinatotohanang sinugo ng Ama ang kanyang Anak bilang Tagapagligtas ng sanlibutan. Ang nagpapahayag na si Hesus ang Anak ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos nama’y nananatili sa kanya. Nalalaman natin at pinananaligan ang pag-ibig ng Diyos sa atin.

Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 11, 29ab

Aleluya! Aleluya!
Sabi ni Hesus na mahal:
“Dalhin n’yo ang aking pasan;
kaamuan ko’y tularan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 11, 25-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino at inihayag sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayon ang ikinalulugod mo.

“Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako’y maamo at mababang-loob at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Jesus

Makatatawag tayo sa ating Ama nang may pagtitiwala sapagkat binuksan niya sa atin ang kanyang puso dahil kay Kristo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Punuin mo kami ng iyong pag-ibig, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y maging kapani-paniwalang tanda at kasangkapan ng pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-anak nawa’y mamuhay na mayroong tunay na pagmamahalan at pagkakaunawaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nahihirapan at nabibigatan sa mga pasanin sa buhay nawa’y makatagpo ng ginhawa sa mapagbigay na Puso ng ating Tagapagligtas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makilala ang pag-ibig ni Kristo sa kanilang pakikiisa sa paghihirap ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng walang hanggang kagalakan sa Puso ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming mahabagin, tanggapin mo ang mga panalanging ito na iniaalay namin kaisa ng tinusok ng sibat na Puso ng iyong Mahal na Anak na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 52,876 total views

 52,876 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 83,099 total views

 83,099 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 109,750 total views

 109,750 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 204,723 total views

 204,723 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 222,383 total views

 222,383 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hulyo 11, 2026

 705 total views

 705 total views Paggunita kay San Benito, abad Isaias 6, 1-8 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Mateo 10, 24-33

Read More »

Biyernes, Hulyo 10, 2026

 2,614 total views

 2,614 total views Biyernes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 14, 2-10 Salmo 50, 3-4. 8-9. 12-13. 14 at 17 Pupurihin ko kailanman

Read More »

Huwebes, Hulyo 9, 2026

 4,004 total views

 4,004 total views Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin Zhao Rong, pari at martir, at mga Kasama, mga

Read More »

Miyerkules, Hulyo 8, 2026

 5,222 total views

 5,222 total views Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Hanapin ang Poon lagi,

Read More »

Martes, Hulyo 7, 2026

 6,044 total views

 6,044 total views Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 8, 4-7. 11-13 Salmo 113 B, 3-4. 5-6. 7ab-8. 9-10 Israel na bayan

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top