Biyernes, Hunyo 20, 2025

SHARE THE TRUTH

 6,037 total views

Biyernes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

2 Corinto 11, 18. 21b-30
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7

Mat’wid ay tinutulungan
sa lahat ng kagipitan.

Mateo 6, 19-23

Friday of the Eleventh Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 11, 18. 21b-30

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, yamang marami ang nagmamapuri tungkol sa mga bagay na makalupa, ako man ay magmamapuri.

Kung may nakapagmamapuri, ako’y makapagmamapuri din — ako’y nagsasalitang tulad ng isang mangmang. Sila ba’y Hebreo? Ako man. Mga Israelita ba sila? Ako rin. Lipi ba sila ni Abraham? Ako’y gayun din. Sila ba’y mga lingkod ni Kristo? Nagsasalita akong waring isang baliw, ngunit ako’y mas mabuting lingkod ni Kristo kaysa kanila. Higit ang aking pagpapagal; makailang ulit akong nabilanggo, hinagupit nang maraming beses, at madalas na nabingit sa kamatayan. Makalima akong tumanggap ng tatlumpu’t siyam na palo mula sa mga Judio, tatlong ulit kong naranasang hagupitin ng mga Romano, at minsang binato. Maikatlo kong naranasang mawasak ang barkong sinasakyan at minsa’y maghapo’t magdamag akong lulutang-lutang sa dagat. Sa malimit kong paglalakbay, nasuong ako sa iba’t ibang panganib: sa mga ilog, sa mga tulisan, sa mga kapwa ko Judio at sa mga Hentil; mga panganib sa lungsod, sa ilang, sa dagat, sa mga mapagkunwaring kapatid. Naranasan ko rin ang labis na hirap at pagod, malimit na pagpupuyat, matinding gutom at uhaw. Natikman ko ang maginaw ngunit wala man lamang mabalabal. Bukod sa lahat ng iyan, inaalaala ko pa araw-araw ang mga simbahan. Kung may nanghihina, karamay nila ako; at kung may nahuhulog sa pagkakasala, labis na naghihirap ang kalooban ko.

Kung kailangang ako’y magmapuri, ang ipagmamapuri ko’y ang aking mga kahinaan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7

Mat’wid ay tinutulungan
sa lahat ng kagipitan.

Panginoo’y aking laging pupurihin;
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa!

Mat’wid ay tinutulungan
sa lahat ng kagipitan.

Ang pagkadakila niya ay ihayag
at ang ngalan niya’y purihin ng lahat!
Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos,
nawala sa akin ang lahat kong takot.

Mat’wid ay tinutulungan
sa lahat ng kagipitan.

Nagalak ang aping umasa sa kanya,
pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,
sila’y iniligtas sa hirap at dusa.

Mat’wid ay tinutulungan
sa lahat ng kagipitan.

ALELUYA
Mateo 5, 3

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang mga dukha
na tanging D’yos na lumikha
ang pag-asa at adhika.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 6, 19-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag kayong mag-impok ng kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang tanga at kalawang, at may nakapapasok na magnanakaw. Sa halip, impukin ninyo ay mga kayamanan sa langit; doo’y walang naninirang tanga at kalawang, at walang nakapapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan, naroon din naman ang inyong puso.

“Ang mata ang pinakailaw ng katawan. Kaya’t kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, madirimlan ang buo mong katawan. Kaya’t kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala, napakadilim niyan!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Hinahamon tayo ni Jesus na mag-ipon ng kayamanan sa Langit kaysa kayamanan sa lupa. Ituon natin ang ating mga puso sa kalangitan sa ating pananalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, maghari ka sa aming mga puso.

Ang Simbahan nawa’y gawing malaya ang mga kalalakihan at kababaihan sa pagkaalipin sa materyalismo sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng mga bagay na pinahahalagahan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pulitiko at lingkod pangmamamayan nawa’y magsimula ng mga programa at proyekto sa kabuuang pag-unlad ng lipunan at kanilang mga nasasakupan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong pinagkatiwalaan ng higit na kayamanan nawa’y mapagtanto ang kanilang katayuan bilang mga tagapangalaga lamang at hindi mga lubos na nagmamay-ari ng mga biyayang kanilang angkin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinagkaitan ng mga bagay sa mundong ito nawa’y mapagtanto ang kagandahan ng pagtutuon ng kanilang puso sa makalangit na kayamanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdusa at namatay sa pananampalataya nawa’y umani ng makalangit na gantimpala, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, hindi nagbabago o kumukupas ang iyong pag-ibig sa amin. Bigyan mo kami ng lakas at tapang na lumakad sa iyong presensya sa araw-araw ng aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 51,033 total views

 51,033 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 68,933 total views

 68,933 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 115,499 total views

 115,499 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 103,281 total views

 103,281 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 120,893 total views

 120,893 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Mayo 10, 2026

 2,572 total views

 2,572 total views Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) Mga Gawa 8, 5-8. 14-17 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. 16 at 20 Sangkalupaang

Read More »

Sabado, Mayo 9, 2026

 3,833 total views

 3,833 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 1-10 Salmo 99, 2. 3. 5 Purihin ng lahat ang D’yos, parangalan

Read More »

Biyernes, Mayo 8, 2026

 5,241 total views

 5,241 total views Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 15, 22-31 Salmo 56, 8-9. 10-12 Sa gitna ng mga bansa sabihing “D’yos

Read More »

Huwebes, Mayo 7, 2026

 4,110 total views

 4,110 total views Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 15, 7-21 Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 10 Sa lahat ay pinahayag gawa ng

Read More »

Miyerkules, Mayo 6, 2026

 3,392 total views

 3,392 total views Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 15, 1-6 Salmo 122, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top