Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, OKTUBRE 27, 2023

SHARE THE TRUTH

 7,651 total views

Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Roma 7, 18-25a
Salmo 118, 66. 68. 76. 77. 93. 94.

Poon, ituro mo sa sa ’kin
ang utos mo upang sundin.

Lucas 12, 54-59

Friday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Roma 7, 18-25a

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, alam kong walang mabuting bagay na nananahan sa akin, ibig kong sabihi’y sa aking katawang makalaman. Kayang-kaya kong magnasa ng mabuti, hindi ko lang magawa ang mabuting ninanasa ko. Sapagkat hindi ko ginagawa ang mabuting ibig ko, kundi ang masamang hindi ko ibig ang siya kong ginagawa. Kung ginagawa ko ang hindi ko ibig, hindi na ako ang may kagagawan nito kundi ang kasalanang nananahan sa akin.

Ito ang natuklasan ko: kapag ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay malapit sa akin. Sa kaibuturan ng aking puso, ako’y nalulugod sa kautusan ng Diyos. Subalit nararamdaman kong may ibang tuntunin sa mga bahagi ng aking katawan at ito’y salungat sa tuntunin ng aking isip. Dahil dito, ako’y naalipin ng kasalanang nananahan sa mga bahagi ng aking katawan. Kahabag-habag ang kalagayan ko! Sino ang magliligtas sa akin sa katawang ito na nagdudulot sa akin ng kamatayan? Ang Diyos sa pamamagitan ni Hesukristo na ating Panginoon! Salamat sa kanya!

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 66. 68. 76. 77. 93. 94.

Poon, ituro mo sa sa ’kin
ang utos mo upang sundin.

Ako’y bigyan mo ng dunong, ng tunay na karunungan,
yamang ako’y nagtiwala sa utos mong ibinigay.

Poon, ituro mo sa sa ’kin
ang utos mo upang sundin.

Kay buti mo, Panginoon! Kay ganda ng iyong loob,
sa akin ay ituro mo ang bigay mong mga utos.

Poon, ituro mo sa sa ’kin
ang utos mo upang sundin.

Aliwin mo sana ako niyang pag-ibig mong lubos,
katulad ng binitiwang pangako sa iyong lingkod.

Poon, ituro mo sa sa ’kin
ang utos mo upang sundin.

Sa akin ay mahabag ka, at ako ay mabubuhay,
ang lubos kong kasiyaha’y nasa iyong kautusan.

Poon, ituro mo sa sa ’kin
ang utos mo upang sundin.

Ang utos mo’y susundin ko, di ko ito tatalikdan,
pagkat dahil sa utos mo, ako ngayo’y nabubuhay.

Poon, ituro mo sa sa ’kin
ang utos mo upang sundin.

Ang lingkod mo’y iyong-iyo, kaya ako ay iligtas,
ang pagsunod sa utos mo ay siya kong sinisikap.

Poon, ituro mo sa sa ’kin
ang utos mo upang sundin.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 12, 54-59

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Kapag nakita ninyong makapal ang ulap sa kanluran, sinasabi ninyong uulan, at gayun nga ang nangyayari. At kung umihip ang hanging timog ay sinasabi ninyong iinit, at nagkakagayon nga. Mga mapagpaimbabaw! Marunong kayong bumasa ng palatandaan sa lupa’t sa langit, bakit hindi ninyo mabasa ang mga tanda ng kasalukuyang panahon?

Bakit hindi ninyo mapagpasiyahan kung alin ang matuwid? Kapag isinakdal ka sa hukuman, makipag-ayos ka sa nagsakdal habang may panahon; baka kaladkarin ka niya sa hukuman, at ibigay ka ng hukom sa tanod, at ibilanggo ka naman nito. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga’t hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Sinasabi ng Panginoon na maging handa tayo sa araw ng kanyang pagbabalik. Dumulog tayo sa Ama habang nananalangin, naghahanda, at naghihintay sa pagdating ng Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ihanda mo kami sa iyong paghahari, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y tumugon sa panawagan sa pagbabago at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong may mabuting kalooban nawa’y sama-samang kumilos upang bigyang tuldok ang giyera at suklam, paniniil at kawalang katarungan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y mas higit na maging mulat sa presensya ni Kristo sa gitna ng mahihirap at nagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y mabigyan ng lakas at pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga kaibigan at kamag-anak na yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang kaligayahan sa piling ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, pakinggan mo ang aming mga panalangin. Buksan mo ang aming mga mata sa iyong presensya. Gawin mo kaming malapit sa iyo araw-araw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 16,131 total views

 16,131 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 30,091 total views

 30,091 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,243 total views

 47,243 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,456 total views

 97,456 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,376 total views

 113,376 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hulyo 19, 2025

 296 total views

 296 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Exodo 12, 37-42 Salmo 135, 1

Read More »

Biyernes, Hulyo 18, 2025

 1,299 total views

 1,299 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Exodo 11, 10-12. 14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa Panginoong tumubos kalis ng inumi’y

Read More »

Huwebes, Hulyo 17, 2025

 1,934 total views

 1,934 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Exodo 3, 13-20 Slamo 104, 1 at 5. 8-9. 24-25. 26-27 Nasa isip ng Maykapal

Read More »

Miyerkules, Hulyo 16, 2025

 2,168 total views

 2,168 total views Miyerkules ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen Exodo 3, 1-6. 9-12

Read More »

Martes, Hulyo 15, 2025

 2,689 total views

 2,689 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Exodo 2, 1-15a Salmo 68, 3. 14. 30-31. 33-34 Dumulog tayo sa Diyos upang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top