Biyernes, Pebrero 20, 2026

SHARE THE TRUTH

 19 total views

Biyernes kasunod ng Miyerkules ng Abo

Isaias 58, 1-9a
Salmo 50, 3-4. 5-6a. 18-19

D’yos ko, iyong tinatanggap
pakumbaba’t pusong tapat.

Mateo 9, 14-15

Friday after Ash Wednesday (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 58, 1-9a

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ito ang sinasabi ng Panginoon:
“Ikaw ay sumigaw nang ubos-lakas,
ang sala ng bayan ko sa kanila’y ihayag.
Sinasamba ako,
kunwa’y hinahanap, sinusundan-sundan,
parang natutuwang ang kalooban ko’y kanilang malaman;
ibig palabasin na ang gawain nila ay matuwid,
at di lumilihis sa mga tuntuning aking ibinigay.
Wari’y natutuwang sa aki’y sumamba.
At ang hinihingi’y hatol na matuwid.”
Ang tanong ng mga tao, “Bakit ang pag-aayuno nati’y
di pansin ng Panginoon?
Nagugutom lang tayo ngunit walang kabuluhan.”
ang sagot ng Panginoon,
“Pansariling kapakanan pa rin
ang pangunang layunin sa pag-aayuno,
habang ang nag-aayuno’y patuloy na inaapi ang mahihirap.
Ang pag-aayuno ninyo’y
humahantong lamang sa alitan
hanggang kayu-kayo’y nag-aaway-away.
Kung ang pag-aayunong ginagawa ninyo
ay gayun din lamang,
ang inyong pagtawag
ay tiyak na hindi ko pakikinggan.
Sa inyong pag-aayuno
pinahihirapan ninyo ang inyong sarili.
Yumuyuko kayong parang damong hinihipan ng hangin.
Nagdaramit kayo ng sako at nahihiga sa abo,
pag-aayuno na ba iyan?
Akala ba ninyo’y nasisiyahan ako riyan?
Ito ang gusto kong gawin ninyo:
tigilan na ninyo ang pang-aalipin;
sa halip ay pairalin ang katarungan;
ang mga api’y palayain ninyo at tulungan.
Ang mga nagugutom ay inyong pakanin,
patuluyin sa inyong tahanan ang walang tirahan.
Yaong mga tao
na halos hubad na ay inyong paramtan,
ang inyong pagtulong
sa mga kasama ay huwag tatalikdan.
At kung magkagayon,
matutulad kayo sa bukang-liwayway.
hindi maglalao’t
gagaling ang inyong sugat sa katawan,
ako’y laging sasainyo,
ililigtas kayo at iingatan kahit saang lugar.
Sa araw na iyon,
diringgin ng Panginoon ang dalangin ninyo,
pag kayo’y tumawag,
Ako’y tutugon agad.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 50, 3-4. 5-6a. 18-19

D’yos ko, iyong tinatanggap
pakumbaba’t pusong tapat.

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang-loob
mga kasalanan ko’y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
Hugasan mo sana ang aking karumhan
dalisayin mo ang aking kasalanan!

D’yos ko, iyong tinatanggap
pakumbaba’t pusong tapat.

Ang pagsalansang ko ay kinikilala,
laging nasa isip ko at alaala.
Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,
at ang nagawa ko’y di mo nagustuhan.

D’yos ko, iyong tinatanggap
pakumbaba’t pusong tapat.

Hindi mo na nais ang mga panghandog;
sa haing sinunog di ka nalulugod.
Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat
ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat.

D’yos ko, iyong tinatanggap
pakumbaba’t pusong tapat.

AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Amos 5, 14

Matuwid ang dapat gawin,
Masama’y iwasan natin,
at tayo ay bubuhayin;
ang Diyos ay sasaatin,
atin s’yang makakapiling.

MABUTING BALITA
Mateo 9, 14-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong Panahong iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad ni Juan Bautista at ang wika, “Malimit kaming mag-ayuno, gayun din ang mga Pariseo. Bakit po hindi nag-aayuno ang inyong mga alagad?” Sumagot siya, “Maaari bang magdalamhati ang mga panauhin sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na siya, saka pa lamang sila mag-aayuno.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Biyernes Pagkaraan ng Miyerkules ng Abo

Sa pamamagitan ng pag-aayuno, binibigyan natin ang Diyos ng puwang sa ating buhay. Hilingin natin sa Panginoon na palakasin tayo sa ating pagpapakasakit upang matatag nating maituon ang ating mga isip at puso sa kanya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, nasa Iyo ang aming tunay na kagalakan.

Bilang mga alagad ni Kristo, tayo nawa’y makasunod sa mga utos ng ating Ama sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y magtiyaga sa kanilang mga pagsasakriprisyo ngayong Kuwaresma, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga pagtitimpi at pagpipigil sa sarili alang-alang sa Panginoon nawa’y matumbasan ng kaligayahan sa piling niya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, nasa bingit ng kamatayan at namimighati sa buhay nawa’y mapuspos ng biyaya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang namayapa nating mga kamag-anak at mga kaibigan nawa’y malayang makabahagi sa buhay ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, ipagkaloob mo sa amin ang lakas upang mailaan namin ang mga sarili na mamuhay ayon sa Espiritung nananahan sa amin, na siyang lulupig sa aming mga kahinaan upang lubos kaming makabahagi sa Muling Pagkabuhay ng aming Panginoong Jesu-Kristo. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 38,952 total views

 38,952 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 62,111 total views

 62,111 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 83,385 total views

 83,385 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 252,210 total views

 252,210 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Abril 17, 2026

 1,768 total views

 1,768 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y makapiling.

Read More »

Huwebes, Abril 16, 2026

 2,863 total views

 2,863 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 27-33 Salmo 33, 2 at 9. 17-18. 19-20 Dukhang sa D’yos tumatawag

Read More »

Miyerkules, Abril 15, 2026

 2,863 total views

 2,863 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Dukhang sa D’yos tumatawag ay

Read More »

Martes, Abril 14, 2026

 1,821 total views

 1,821 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y

Read More »

Lunes, Abril 13, 2026

 1,152 total views

 1,152 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Martin I, papa at martir Mga Gawa 4, 23-31 Salmo 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top