BIYERNES, SETYEMBRE 8, 2023

SHARE THE TRUTH

 4,150 total views

Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria

Mikas 5, 1-4a
o kaya Roma 8, 28-30
Salmo 12, 6ab. 6kd

Ang lubos kong kasiyahan
ay magalak sa Maykapal.

Mateo 1, 1-16. 18-23
o kaya Mateo 1, 18-23

Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary (White)

UNANG PAGBASA
Mikas 5, 1-4a

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas

Ito ang sinasabi ng Panginoon:
Betlehem Efrata, bagamat pinakamaliit ka sa mga angkan ni Juda ay sa iyo magmumula ang isang maghahari sa Israel. Ang pinagmula’y buhat pa nang una, mula pa noong unang panahon. Kaya nga, ang bayan ng Panginoon ay ibibigay niya sa kamay ng mga kaaway hanggang sa isilang ng babae ang sanggol na maghahari. Pagkatapos, babalik sa Israel ang nalabi sa bansang ito. Pagdating ng haring yaon, pamamahalaan niya ang Israel sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon na kanyang Diyos. At ang Israel ay mamumuhay na ligtas, sapagkat ang haring yaon ay kikilanin ng buong sanlibutan. Sa kanya magmumula ang kapayapaan natin.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Roma 8, 28-30

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, alam nating sa lahat ng bagay ang Diyos ang gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti. Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; ang mga ito’y itinalaga niyang maging tulad ng kanyang Anak, at sa gayun, naging panganay natin siya. At ang mga itinalaga niya noong una pa ay kanyang tinawag. Ang mga tinawag niya ay kanya ring pinawalang-sala, at ang kanyang mga pinawalang-sala ay kanya namang binigyan ng karangalan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 12, 6ab. 6kd

Ang lubos kong kasiyahan
ay magalak sa Maykapal.

Lubos akong nananalig sa pag-ibig mong matapat.
Nagagalak ang puso ko dahil sa ‘yong pagliligtas.

Ang lubos kong kasiyahan
ay magalak sa Maykapal.

Aawitan kita, Poon, aawitang buong galak,
dahilan sa kabutihang sa akin ay iginawad.

Ang lubos kong kasiyahan
ay magalak sa Maykapal.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Magalak ka, Birheng Mahal,
ikaw ang inang nagsilang
sa araw ng katarungan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 1, 1-16. 18-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Ito ang lahi ni Hesukristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham.

Si Abraham ang ama ni Isaac; si Isaac ang ama ni Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. Naging anak naman ni Juda kay Tamar sina Fares at Zara. Si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram. Si Aram ang ama ni Aminadab; si Aminadab ang ama ni Naason na ama naman ni Salmon. Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz, at naging anak naman ni Booz kay Ruth si Obed. Si Obed ang ama ni Jesse na ama ni Haring David.

Naging anak ni David si Solomon sa dating asawa ni Urias. Si Solomon naman ang ama ni Roboam. Si Roboam ang ama ni Abias, at si Abias ang ama ni Asa. Si Asa ang ama ni Josafat, at si Josafat ang ama ni Joram na siya namang ama ni Ozias. Itong si Ozias ay ama ni Jotam na ama ni Acaz, at si Acaz ang ama ni Ezequias. Si Ezequias ang ama ni Manases, at si Manases ang ama ni Amos na ama naman ni Josias. Si Josias ang ama ni Jeconias at ang kanyang mga kapatid. Panahon noon ng pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia.

Matapos ang pagkakatapon sa Babilonia, naging anak ni Jeconias si Salatiel na ama ni Zorobabel. Si Zorobabel ang ama ni Abiud na ama ni Eliaquim, at si Eliaquim ang ama ni Azor. Si Azor ang ama ni Sadoc na ama ni Aquim; itong si Aquim ang ama ni Eliud. Si Eluid ang ama ni Eleazar; si Eleazar ang ama ni Matan na ama ni Jacob. At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Hesus na tinatawag na Kristo.

Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:

“Maglilihi ang isang dalaga’t manganganak ng isang lalaki. At tatawagin itong Emmanuel.” Ang kahuluga’y “Kasama natin ang Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya: Maikling Pagbasa
Mateo 1, 18-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria ang kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanyang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:

“Maglilihi ang isang dalaga’t manganganak ng isang lalaki. At tatawagin itong Emmanuel.” Ang kahuluga’y “Kasama natin ang Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ang Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria

Sa pagsilang ng Mahal na Birhen, nakikita natin na dumating na sa huling yugto ang plano ng Ama para sa kaligtasan ng mundo. Habang siya ay nasa ating tabi, manalangin tayo sa Diyos na lumalang sa kanya na “lubos na pinagpala.”

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pamamagitan ni Maria, pagpalain mo kami, O Ama.

Ang Simbahan nawa’y walang takot na ipahayag ang Ebanghelyo na ipinagkatiwala sa kanya ng Anak ni Maria, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga walang pananampalataya nawa’y lumapit sa Panginoon na Nagkatawang-tao upang iligtas ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating mga ina nawa’y ibigay natin ang nararapat na pagmamahal at paggalang na kailangan nila, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa tulong ng mga panalangin ni Maria, nawa’y maibalik sa kawan ang mga tumalikod sa pagtupad ng kanilang pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang tanggapin si Jesus sa Eukaristiya bilang Diyos na kapiling natin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, sa Eukaristiyang ito, nagdiriwang ang iyong pamilya na kasama ang Pinagpalang Birheng Maria at sina Joaquin at Ana na kanyang mga magulang. Ipagkaloob mo ang hinihiling namin bunga ng pananampalataya sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 32,623 total views

 32,623 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 43,628 total views

 43,628 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 51,433 total views

 51,433 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 67,379 total views

 67,379 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 82,546 total views

 82,546 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Watch Live

RELATED READINGS

Linggo, Hunyo 15, 2025

 722 total views

 722 total views Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (K) Kawikaan 8, 22-31 Salmo 8, 4-5. 6-7. 8-9 Maningning ang iyong ngalan, Poon, sa

Read More »

Biyernes, Hunyo 13, 2025

 3,944 total views

 3,944 total views Paggunita kay San Antonio de Padua, pari at pantas ng Simbahan 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 115, 10-11. 15-16. 17-18 Maghahandog ako sa

Read More »

Huwebes, Hunyo 12, 2025

 4,584 total views

 4,584 total views Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (K) Isaias 6, 1-4. 8 Salmo 23, 2-3. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos,

Read More »

Miyerkules, Hunyo 11, 2025

 5,026 total views

 5,026 total views Paggunita kay San Bernabe, apostol Mga Gawa 11, 21b-26; 13, 1-3 Salmo 97, 1. 2-3ab, 3kd-4, 5-6 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag.

Read More »

Martes, Hunyo 10, 2025

 5,551 total views

 5,551 total views Martes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 2 Corinto 1, 18-22 Salmo 118, 129. 130. 131. 132. 133. 135 Tumanglaw ka sa

Read More »

LATEST NEWS

Scroll to Top