HUWEBES, ABRIL 13, 2023

SHARE THE TRUTH

 4,460 total reads

Huwebes sa Walong Araw na Pagdiriwang
ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Mga Gawa 3, 11-26
Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9

Maningning ang iyong ngalan,
Poon, sa sangkalupaan.

Lucas 24, 35-48

Thursday within the Octave of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 3, 11-26

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, samantalang nakahawak ang pinagaling nina Pedro at Juan sa kanila sa may Portiko ni Solomon, patakbong lumapit sa kanila ang mga taong takang-taka sa nangyari. Pagkakita ni Pedro sa mga tao, kanyang sinabi, “Mga Israelita, bakit kayo nanggigilalas sa nangyaring ito? Bakit ninyo kami tinitingnan nang ganyan? Akala ba ninyo’y napalakad namin siya sa pamamagitan ng sarili naming kapangyarihan o kaya’y dahil sa aming kabanalan? Ang Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob, ang Diyos ng ating mga ninuno, ang nagbigay ng pinakamataas na karangalan sa kanyang Lingkod na si Hesus. Ngunit siya’y ibinigay ninyo sa maykapangyarihan at itinakwil sa harapan ni Pilato, gayong ipinasiya na nitong palayain siya. Itinakwil ninyo ang Banal at Matuwid, at isang mamamatay-tao ang hiniling ninyong palayain. Pinatay ninyo ang Pinagmumulan ng buhay, ngunit siya’y muling binuhay ng Diyos, at saksi kami sa bagay na ito. Ang kapangyarihan ng pangalan ni Hesus ang nagpagaling sa lalaking ito; nangyari ito dahil sa pananalig sa kanyang pangalan. Ang pananalig kay Hesus ang lubusang nagpagaling sa kanya, tulad ng inyong nakikita.

“At ngayon, mga kapatid, batid kong hindi ninyo nalalaman ang inyong ginawa, gayun din ang inyong mga pinuno. Ngunit sa ginawa ninyo’y natupad ang malaon nang ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta na ang Kristo’y kailangang magbata. Kaya’t magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang pawiin niya ang inyong mga kasalanan at bigyan kayo ng kaunting panahon ng pamamahinga. At susuguin niya si Hesus, ang Mesiyas na hinirang niya para sa inyo. Siya’y dapat munang manatili sa langit hanggang sa dumating ang panahon ng pagbabago ng lahat ng bagay, ayon sa ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta mula pa noong una. Sinabi ni Moises, ‘Ang Panginoong inyong Diyos ay pipili ng isa ninyong kalahi at gagawing propetang tulad ko. Pakinggan ninyo ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. At lahat ng hindi makikinig sa propetang yaon ay ihihiwalay sa bayan ng Diyos at lilipulin.’ Nagpahayag din tungkol sa mga araw na ito ang mga propeta, mula kay Samuel at lahat ng sumunod sa kanya. Ang mga pangako ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta ay para sa inyo, at kasali kayo sa tipang ginawa ng Diyos at ng inyong mga ninuno nang kanyang sabihin kay Abraham, ‘Pagpapalain ko ang lahat ng angkan sa daigdig sa pamamagitan ng iyong lipi.’ Kaya’t hinirang ng Diyos ang kanyang Lingkod. At siya’y unang sinugo sa inyo upang pagpalain kayo at tulungang tumalikod sa inyong masasamang pamuhay.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9

Maningning ang iyong ngalan,
Poon, sa sangkalupaan.

o kaya: Aleluya.

Ikaw, O Poon, Panginoon namin,
laganap sa lupa ang iyong luningning.
Ano nga ang tao upang ‘yong alalahanin?
Ay ano nga siya na sukal mong kalingain?

Maningning ang iyong ngalan,
Poon, sa sangkalupaan.

Nilikha mo siya, na halos kapantay
ng iyong luningning at kadakilaan!
Pinamahala mo sa buong daigdig,
sa lahat ng bagay malaki’t maliit.

Maningning ang iyong ngalan,
Poon, sa sangkalupaan.

Mga baka’t tupa, hayop na mabangis
at lahat ng ibong nasa himpapawid,
at maging sa isda, sa ilalim ng tubig.

Maningning ang iyong ngalan,
Poon, sa sangkalupaan.

ALELUYA
Salmo 117, 24

Aleluya! Aleluya!
Araw ngayong gawa ng D’yos,
magdiwang tayo nang lubos.
Purihin ang Manunubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 24, 35-48

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, samantalang isinasalaysay ng mga alagad ni Hesus ang nangyari sa daan, at kung paano nila siyang nakilala nang paghati-hatian niya ang tinapay, si Hesus ay tumayo sa gitna nila. “Sumainyo ang kapayapaan!” sabi niya sa kanila. Ngunit nagulat sila at natakot sapagkat akala nila’y multo ang nasa harapan nila. Kaya’t sinabi ni Hesus sa kanila, “Ano’t kayo’y nagugulumihanan? Bakit nag-aalinlangan pa kayo? Tingnan ninyo ang aking kamay at paa, ako nga ito. Hipuin ninyo ako at pagmasdan. Ang multo’y walang laman at buto, ngunit ako’y mayroon, tulad ng nakikita ninyo.” At pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at mga paa. Nang hindi pa rin sila makapaniwala dahil sa malaking galak at pagkamangha, tinanong sila ni Hesus “May makakain ba riyan?” Siya’y binigyan nila ng kaputol na isdang inihaw; kinuha niya ito at kinain sa harapan nila. Pagkatapos sinabi sa mga alagad, “Ito ang tinutukoy ko nang sabihin ko sa inyo noong kasama-sama pa ninyo ako: dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa mga aklat ng mga propeta at sa aklat ng mga Awit.” At binuksan niya ang kanilang pag-iisip upang maunawaan nila ang mga Kasulatan. Sinabi niya sa kanila, “Ganito ang nasusulat: kinakailangang magbata ng hirap at mamatay ang Mesiyas at muling mabuhay sa ikatlong araw. Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem. Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Huwebes

Inihahayag ng karunungan ng Banal na Kasulatan ang plano ng Diyos para sa atin. Sa ating paglalakbay kasama ni Kristo, idalangin natin na sa bawat araw, higit na maging maliwanag ang kanyang daan ng buhay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, manatili ka sa aming piling.

Bilang isang Simbahan, nawa’y maging tapat kami sa pagpapahayag sa ebanghelyo ng pagsisisi at pagpapatawad, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagkilala sa kabutihan ni Kristo, ang Panginoong Muling Nabuhay, maihatid nawa natin ang katarungang panlipunan para sa lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Banal na Kasulatan nawa’y makapagbigay ng kaliwanagan sa mga nasa kadiliman ng kasalanan at kawalan ng pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang makilala ang presensya ng Panginoong Muling Nabuhay sa paghahati-hati ng tinapay sa Eukaristiya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y muling mabuhay sa kaganapan ng kagalakan sa piling ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, nag-aalab ang aming mga puso habang nakikinig kami sa iyong bugtong na anak. Tanggapin mo ang mga panalangin ng mga naglalakbay sa kanyang daan ng buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

THANK GOD FOR THE “ANGRY NERDS”!

 4,205 total reads

At a time when many Filipinos are becoming cynical about politics and losing hope in our democratic institutions, people like Ken Abante and his fellow “Angry Nerds” give me reason to hope.

Ken is a public policy advocate, co-founder of WeSolve, and co-convenor of the People’s Budget Coalition (PBC). Together with thousands of citizen volunteers, popularly called the “Angry Nerds,” they are doing something remarkable: scrutinizing our national budget, line by line, project by project, using data and technology to expose questionable allocations of taxpayers’ money.

Today, October 26, Ken presented before the Senate the coalition’s latest findings on the House-approved version of the proposed ₱7.2-trillion national budget for 2027. They are deeply disturbing.

According to PBC’s preliminary analysis, the House inserted nearly 7,000 infrastructure projects worth ₱190 billion without publicly available supporting project documents. These include:
* ₱172 billion for nearly 6,200 DPWH projects, many involving multipurpose buildings;

* More than ₱2 billion for over 180 new health facilities, even as the overall health facilities budget was reduced;

* Nearly ₱6 billion for over 350 farm-to-market roads, some with coordinates inexplicably pointing to the sea;

* More than ₱7 billion for over 200 irrigation projects, some with questionable cost estimates.

What is especially disturbing is the concentration of House-added infrastructure allocations in certain congressional districts. According to PBC’s preliminary findings, the largest include Ilocos Norte’s First District (₱4.375 billion), Misamis Occidental’s Second District (₱1.8 billion), Davao de Oro’s Second District and Isabela’s Fourth District (₱1.7 billion each), and South Cotabato’s Second District (₱1.6 billion). Nueva Ecija’s First District is also among those flagged, with ₱1.3 billion.

These figures refer to allocations associated with DPWH district engineering offices. They do not establish that the district representatives personally proposed the projects, much less that corruption has occurred.

Nevertheless, the House leadership, which approved this version of the national budget, owes the public an explanation.

Has the House of Representatives learned nothing from the flood control corruption scandal? The country has yet to see full accountability for that scandal, and already we are being warned about the possible repetition of the same questionable practices in other government agencies!

To be clear, as Ken himself emphasized, not every insertion is necessarily corrupt. Our communities need roads, health facilities, irrigation systems, and public infrastructure. But why should projects involving billions in public funds be approved without the documentation necessary for public scrutiny?

The ball is now in the Senate’s court. It must exercise its constitutional responsibility to scrutinize and remove insertions that cannot be properly justified and documented. And if these survive Congress, the President must exercise his power of veto.

I am grateful to Ken and the citizen volunteers who refuse to surrender to cynicism. They remind us that democracy is not merely about electing representatives every three years. It is about citizens remaining vigilant and holding their representatives accountable between elections.

As Ken puts it, “Buwis natin ’to, boto natin ’to, at budget natin ’to.”
May these “Angry Nerds” inspire more Filipinos to turn their anger into informed, organized, and constructive democratic participation.

I am sharing a summary of Ken Abante’s testimony before the Senate today, October 26. You can also examine the budget allocations yourself through the citizens’ Budget Insertions Tracker at

Di alintanang paglapastangan sa mga yumao

 16,925 total reads

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-28 ng Oktubre 2026
Larawan mula sa inquirer.net file photo, 2022.

Undas na naman at wika nga sa Inggles, all roads lead to the cemetery sa panahong ito upang alalahanin sa pananalangin habang nagtutulos ng kandila, naglalagay ng bulaklak mga pamilya at angkan sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Siyempre, mayroon din salu-salo doon sa sementeryo habang ang iba naman ay nagtitipon sa kolumbaryo upang gayon din, ipanalangin kanilang mga yumaong mahal sa buhay na isinaabo ang mga labi o pina-cremate.

Mula sa wikang Latin, langit o “sky” ang columbarium habang ang ossuary na halos katulad nito ay libingan naman ng mga buto ng yumao na mula din sa Latin, os o buto kaya yaong sakit sa buto ay osteoporosis kung tawagin. Ang ating kataga na sementeryo o cemetery sa Inggles ay nagmula din sa wikang Latin na hiniram sa Griyego, cemeterion na kahulugan ay “dormitoryo”. Malinaw sa mga katagang gamit sa libingan noon pa man ay nagpapahiwatig ng buhay na walang hanggan na siyang ating tunay na hantungan sa pagwawakas ng buhay sa lupang ibabaw.

Larawang kuha ng may-akda, Anvaya Cove, Bataan, Abril 2026.

Ito ang dahilan mula simula pa lamang ay pinahahalagahan na ang labi ng mga yumaong mahal natin sa buhay dahil mismong ating Panginoong Jesu-Kristo na nagpakasakit at namatay ngunit muling nabuhay ay nalibing din. At dahil doon, pinabanal ni Jesus ating libingan habang inaabangan ang kanyang muling pagbabalik sa wakas ng panahon na kung saan ang lahat ng namatay ay ibabangon niya upang ang kanilang mga labi ay makaisa kanilang mga kaluluwa sa buhay na walang hanggan na siya nating ipinahahayag tuwing magsisimba ng araw ng Linggo, “Sumasampalatay ako sa Espiritu Santo, sa Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga Banal, sa pagkabuhay mag-uli ng mga namatay na tao hanggang sa buhay na walang hanggan.”

Kaya naman itinuturo ng Simbahan batay sa Ebanghelyo at Banal na Kasulatan na pakaingatan at pangalagaan palagi ang mga labi ng mga yumao.

Subalit nakababahala, nakakabagabag itong nauuso na pag-uuwi sa bahay at pagkuha ng kahit kaunting sinaabong labi ng yumao na nilalagay sa kuwintas at ibang alahas bilang remembrance at alaala.

Pinahihintulutan naman ng Simbahan ang cremation noon pa man ngunit ito ay alinsunod sa mga tagubilin at alituntunin dapat tuparin upang matiyak na mapananatili ang dangal at pangangalaga sa labi ng mga yumao.

At pangangahasan ko nang sabihin na malaking kahangalan at paglapastangan sa mga yumao ang nauusong pagkuha ng sinaabong labi upang itago sa tahanan at higit sa lahat, pagparte-partehan ng pamilya mga ito – kahit kaunti – upang ilagay sa alahas tulad ng kuwintas bilang remembrance ng kanilang mahal na yumao.

Juice colored! Anong kalokohan iyan?

Sa halip na maparangalan kanilang mga yumaong mahal sa buhay, kabaligtaran ang nangyayari. Nagiging katulad na lamang ng ordinaryong gamit gaya ng balat ng kendi o talulot ng bulaklak na paalala ng inyong first date ang sinaabong labi ng mahal na yumao. Matay ko mang isipin na nakasabit sa leeg ang kuwintas na mayroong abo ng yumaong mahal sa buhay na dapat ay namayapa na e hanggang ngayon ay kayag-kayag pa rin sa mga pinagkakaabalahan sa buhay pati na sa hirap at tiisin.

Paano kung mahablot, ma-snatch kuwintas na mayroong abo ng inyong yumao? Sana ay maisip ng mga gumagawa nito ang kalapastanganang iyan sa kanilang yumao.

Photo by Pixabay on Pexels.com

Kung tunay nating minamahal mga yumao natin sa buhay, ilagak sila sa mga takdang libingan tulad ng sementeryo at kolumbaryo upang doon kanilang labi ay mapangalagaan at higit sa lahat, maipagdasal at maalala palagi di lamang ng pamilya at kamag-anak kungdi ng bayan ng Diyos, ang Simbahan sa tuwina ay nananalangin para sa mga yumao.

Noong 2016 niliwanag at muling ipinaalala sa isang Instruction ng Offices of the Congregation for the Doctrine of the Faith sa Vatican ang paglalagom ng mga katuruan at alituntunin ng Simbahan ukol sa paglilibing lalo ng mga sinaabong labi ng namatay. Unang-una na dito ang paglagak ng mga ito sa natatanging libingan gaya ng sementeryo at kolumbaryo. Narito ang buong sitas upang kayo mismo ang bumasa sa mga bahagi ng naturang Instruction na pinamagatang Ad Resurgendum cum Christo na ibig sabihi’y “bumangon muli kay Kristo”:

When, for legitimate motives, cremation of the body has been chosen, the ashes of the faithful must be laid to rest in a sacred place, that is, in a cemetery or, in certain cases, in a church or an area, which has been set aside for this purpose, and so dedicated by the competent ecclesial authority.

From the earliest times, Christians have desired that the faithful departed become the objects of the Christian community’s prayers and remembrance. Their tombs have become places of prayer, remembrance and reflection. The faithful departed remain part of the Church who believes “in the communion of all the faithful of Christ, those who are pilgrims on earth, the dead who are being purified, and the blessed in heaven, all together forming one Church”.

The reservation of the ashes of the departed in a sacred place ensures that they are not excluded from the prayers and remembrance of their family or the Christian community. It prevents the faithful departed from being forgotten, or their remains from being shown a lack of respect, which eventuality is possible, most especially once the immediately subsequent generation has too passed away. Also it prevents any unfitting or superstitious practices (#5, Instruction Ad Resurgendum cum Christo).

For the reasons given above, the conservation of the ashes of the departed in a domestic residence is not permitted. Only in grave and exceptional cases dependent on cultural conditions of a localized nature, may the Ordinary, in agreement with the Episcopal Conference or the Synod of Bishops of the Oriental Churches, concede permission for the conservation of the ashes of the departed in a domestic residence. Nonetheless, the ashes may not be divided among various family members and due respect must be maintained regarding the circumstances of such a conservation (#6, Instruction Ad Resurgendum cum Christo).

Larawan kuha ni Santi San Juan ng Manila Bulletin, Angono, Rizal, 31 Agosto 2024.

Malinaw ang paalala ng Simbahan: hindi pinapayagan itago sa tahanan ang na-cremate na labi ng mahal sa buhay. At hindi rin tama na pagparte-partehan ng mga naulila kahit katiting ng sinaabong labi ng kanilang yumao.

Nakakalungkot na mayroong mga pari na sa halip ituro ang tama at nararapat, sila pa nagkukunsinti ng kamalian at kalapastanganang ito sa pagbabasbas ng mga kuwintas na mayroong sinaabong labi ng mga yumao.

Nararapat at napapanahon nang pagbawalan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga punenarya sa pag-aalok sa mga namatayan ng mga sinaabong labi na nilalagay nila mismo sa mga kuwintas na kanila ring binebenta na isa pang dagdag na kalapastanganan sa mga yumao na pinagkakitaan pa!

Mahigpit ding ipinagbabawal ng Simbahan ang pagsasaboy ng mga sinaabong labi sa himpapawirin at karagatan katulad ng mga eksena sa pelikula; walang puwang sa pananampalatayang Katoliko ang mga gawaing ito sapagkat turo nga ni San Pablo, templo at tahanan ng Espiritu Santo ang bawat tao (1Cor.6:19) kaya kahit namatay na ay sagrado pa rin kanilang mga labi kaya mga ito ay binabasbasan pa rin.

In order that every appearance of pantheism, naturalism or nihilism be avoided, it is not permitted to scatter the ashes of the faithful departed in the air, on land, at sea or in some other way, nor may they be preserved in mementos, pieces of jewelry or other objects. These courses of action cannot be legitimized by an appeal to the sanitary, social, or economic motives that may have occasioned the choice of cremation (#7, Instruction Ad Resurgendum cum Christo).

Ngayong Undas, kung mayroon kayong mga sinaabong labi ng inyong mahal sa buhay na nasa bahay pa rin o kahit kaunti sa kuwintas at ibang alahas, alang-alang sa kapayapaan ng inyong mahal na yumao, ilagak na mga ito sa sementeryo o kolumbaryo. Kumausap ng pari para sa inurment of remains upang maging makabuluhan at banal inyong pagdiriwang ng Undas simula ngayong taon hanggang sa magkasama-sama tayo balang araw sa buhay na walang hanggan kapiling ang Diyos at kanyang mga Banal. Amen.

Larawan kuha ni Santi San Juan ng Manila Bulletin sa Angono, Rizal, 31 Oktubre 2024.

INSTRUMENTS

 4,684 total reads

Gospel Reading for October 28, 2026 – Luke 6: 12-16

INSTRUMENTS

Jesus went up to the mountain to pray, and he spent the night in prayer to God. When day came, he called his disciples to himself, and from them he chose Twelve, whom he also named Apostles: Simon, whom he named Peter, and his brother Andrew, James, John, Philip, Bartholomew, Matthew, Thomas, James the son of Alphaeus, Simon who was called a Zealot, and Judas the son of James, and Judas Iscariot, who became a traitor.

————

We celebrate today the Feast of the Apostles Simon and Jude, two of the twelve chosen by Jesus to be with him throughout his three-year ministry.

Jesus spent the night in prayer to God before calling his disciples. He did not ask them for their résumés to make sure they were qualified for such an important role. He simply called them to him.

There is a saying, “Jesus does not call the qualified; rather, he qualifies the called.” This is something every Christian should remember: None of us, none of us, is qualified to be called. But when he calls us, the Holy Spirit works within us so that we may be able to fulfill the mission to which we are sent.

None of us should boast about being called. It is not a matter of prestige. It is a privilege for which we must always be grateful. The more we recognize that we are simply blessed with this privilege, the more effective we will be in fulfilling our mission. This is because the mission is God’s, and we are just INSTRUMENTS in his mission.

When we are full of ourselves, there will be no room for the Holy Spirit in us. This is probably why many good preachers and healers have been unable to sustain their gifts for long.
Lord Jesus, teach us to pray not only for gifts to serve you, but also for the humility and perseverance to use those gifts faithfully.

Sts. Simon and Jude, pray for us! Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 34,596 total reads

 34,596 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 91,002 total reads

 91,002 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 214,503 total reads

 214,503 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 298,196 total reads

 298,196 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Oktubre 31, 2026

 841 total reads

 841 total reads Sabado ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Filipos 1, 18b-26 Salmo 41,

Read More »

Biyernes, Oktubre 30, 2026

 2,984 total reads

 2,984 total reads Biyernes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 1, 1-11 Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6 Gawa’y napakadakila ng Panginoong Lumikha. Lucas 14,

Read More »

Huwebes, Oktubre 29, 2026

 5,817 total reads

 5,817 total reads Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 6, 10-20 Salmo 143, 1. 2. 9-10 Ang Poon ay papurihan, siya ang aking

Read More »

Miyerkules, Oktubre 28, 2026

 9,399 total reads

 9,399 total reads Kapistahan nina Apostol San Simon at San Judas Efeso 2, 19-22 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig.

Read More »

Martes, Oktubre 27, 2026

 10,724 total reads

 10,724 total reads Martes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 5, 21-33 Salmo 127, 1-2. 3, 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top