Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, AGOSTO 25, 2022

SHARE THE TRUTH

 601 total views

Huwebes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
o kaya Paggunita kay San Luis
o kaya Paggunita kay San Jose de Calasanz, pari

1 Corinto 1, 1-9
Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7

Pupurihin ko ang ngalan
ng Poon magpakailanman.

Mateo 24, 42-51

Thursday of the Twenty-first Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Louis, King (White)
or Optional Memmorial of St. Joseph Calasanz, Priest (White)

UNANG PAGBASA
1 Corinto 1, 1-9

Ang simula ng unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mula kay Pablo na tinawag ng Diyos upang maging apostol ni Kristo Hesus, at mula sa ating kapatid na Sostenes –

Sa simbahang nasa Corinto – sa mga hinirang ng Diyos upang maging kanya sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Kristo Hesus kasama ng mga hinirang sa lahat ng dako, na tumatawag sa pangalan ng Panginoong Hesukristo, ang Panginoon nating lahat:

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesukristo.

Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapala niya sa inyo sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Sapagkat sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo’y umunlad sa lahat ng paraan, maging sa pananalita at kaalaman. Ang katotohanang ipinangaral namin tungkol kay Kristo ay malinaw na nakikita sa inyo anupat hindi kayo nagkulang sa anumang kaloob na espirituwal, habang hinihintay ninyong mahayag ang ating Panginoong Hesukristo. Kayo’y aalalayan niya hanggang sa wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa Araw ng ating Panginoong Hesukristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang kayo’y makipag-isa sa kanyang Anak na si Hesukristong ating Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7

Pupurihin ko ang ngalan
ng Poon magpakailanman.

Pupurihin ko’t pasasalamatan ang Diyos araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Dakila ang Poon, at karapat-dapat na siya’y purihin;
ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain.

Pupurihin ko ang ngalan
ng Poon magpakailanman.

Sa alinmang lahi, ang iyong ginawa ay papupurihan,
ihahayag nila ang mga gawa mong makapangyarihan.
Ang karangalan mo at pagkadakila’y ipamamalita,
at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Pupurihin ko ang ngalan
ng Poon magpakailanman.

Ang mga gawa mong makapangyariha’y ipamamalita;
sa lahat ng tao’y aking sasabihing ikaw ay dakila.
Ihahayag nila ang lahat ng iyong mga kabutihan,
aawitin nila ang kabutihan mo’t iyong kabaitan.

Pupurihin ko ang ngalan
ng Poon magpakailanman.

ALELUYA
Mateo 24, 42a. 44

Aleluya! Aleluya!
Lagi tayong magtanod
sapagkat di natin talos
ang pagbabalik ni Hesus.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 24, 42-51

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siya’y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan.

“Ang tapat at matalinong alipin ang siyang pinapamahala ng kanyang panginoon sa ibang mga alapin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sa karampatang panahon. Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayun sa pagbabalik ng kanyang panginoon! Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng kanyang ari-arian. Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa sarili, ‘Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon,’ at sisimulang bugbugin ang kanyang mga kapwa alipin, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasenggo. Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng Panginoon, at isasama sa mga mapagpaimbabaw. Doo’y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Sa Ebanghelyo, inaatasan tayo ni Jesus na magbantay sa araw ng kanyang muling pagbabalik. Lumapit tayo sa Ama habang nananalangin, nagbabantay, at naghihintay sa kanyang mahal na Anak.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ni Jesus, hinihintay namin ang Iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y hindi makuntento na lamang sa kanyang mga nagawa na bagkus higit pang ipagpatuloy ang pagpapahayag ng Ebanghelyo ng pagbabalik-loob at isakatuparan ang kinakailangang pagpapanibago, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga komunidad nawa’y maging mga karapat-dapat na lugar para sa pagtatayo ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng ating paggalang, pagmamahal, at pagkalinga sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging laging handa sa pagdating ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng ating pananatiling gising at hindi natatakot, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga naghihingalo nawa’y matagpuan ang kalooban ng Diyos sa kanilang mga pagsubok at pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y matagpuang handa sa pakikipagkita sa Panginoon na kanilang matagal nang hangaring makita nang hayagan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, pakinggan mo ang aming mga panalangin kalakip ang katapatan ng aming mga puso. Tulungan mo kaming lumago sa kabanalan habang naghihintay kami nang may maligayang pag-asa sa pagdating ng iyong paghahari. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,341 total views

 107,341 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 115,116 total views

 115,116 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,296 total views

 123,296 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 138,283 total views

 138,283 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 142,226 total views

 142,226 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Huwebes, Abril 24, 2025

 285 total views

 285 total views Huwebes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 11-26 Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9 Maningning

Read More »

Miyerkules, Abril 23, 2025

 1,034 total views

 1,034 total views Miyerkules sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 1-10 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 D’yos ay

Read More »

Martes, Abril 22, 2025

 1,401 total views

 1,401 total views Martes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 36-41 Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22 Awa’t

Read More »

Lunes, Abril 21, 2025

 1,803 total views

 1,803 total views Lunes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 14. 22-33 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10.

Read More »

Sabado, Abril 19, 2025

 2,704 total views

 2,704 total views Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay Genesis 1, 1-2, 2 o kaya Genesis 1, 1. 26-31a Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at

Read More »

Biyernes, Abril 18, 2025

 2,947 total views

 2,947 total views Biyernes Santo sa Pagpapakasakit ng Panginoon Isaias 52, 13-53, 12 Salmo 30, 2 at 6. 12-13. 15-16. 17 at 25 Ama, sa mga

Read More »

Huwebes, Abril 17, 2025

 2,807 total views

 2,807 total views Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon Exodo 12, 1-8. 11-14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Read More »

Miyerkules, Abril 16, 2025

 3,022 total views

 3,022 total views Miyerkules Santo Isaias 50, 4-9a Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34 Poon, ako’y iyong dinggin sa panahong ‘yong ibigin. Mateo 26, 14-25

Read More »

Martes, Abril 15, 2025

 3,408 total views

 3,408 total views Martes Santo Isaias 49, 1-6 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Juan 13, 21-33.

Read More »

Lunes, Abril 14, 2025

 3,439 total views

 3,439 total views Lunes Santo Isaias 42, 1-7 Salmo 26, 1. 2. 3. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Juan 12, 1-11 Monday of Holy

Read More »

Linggo, Abril 13, 2025

 3,664 total views

 3,664 total views Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon (K) Lucas 19, 28-40 Isaias 50, 4-7 Salmo 21, 8-9. 17-18a. 19-20. 23-24 D’yos ko! D’yos

Read More »

Sabado, Abril 12, 2025

 3,903 total views

 3,903 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 37, 21-28 Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na

Read More »

Biyernes, Abril 11, 2025

 4,434 total views

 4,434 total views Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 20, 10-13 Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7 Sa kahirapa’y humibik, at ako’y

Read More »

Huwebes, Abril 10, 2025

 4,491 total views

 4,491 total views Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 17, 3-9 Salmo 104, 4-5. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan

Read More »

Miyerkules, Abril 9, 2025

 4,720 total views

 4,720 total views Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 3, 14-20. 91-92. 95 Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56 Purihin at

Read More »
Scroll to Top