Sabado, Mayo 2, 2026

SHARE THE TRUTH

 6,567 total reads

Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 13, 44-52
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Kahit saa’y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Juan 14, 7-14

Saturday of the Fourth Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 13, 44-52

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Apostol

Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos lahat ng tao sa lungsod ay nagkatipon upang pakinggan ang salita ng Diyos. Inggit na inggit ang mga Judio nang makita nila ang makapal na tao, kaya’t nilait nila at sinalungat si Pablo. Ngunit buong tapang na sinabi nina Pablo at Bernabe, “Sa inyo muna dapat ipahayag ang salita ng Diyos. Yamang itinakwil ninyo ito, hinatulan ninyo ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, kaya’t pupunta kami sa mga Hentil. Sapagkat ganito ang iniutos sa amin ng Panginoon:

‘Inilagay kita na maging ilaw sa mga Hentil
upang maibalita mo ang kaligtasan
hanggang sa dulo ng daigdig.’”

Nagalak ang mga Hentil nang marinig ito, at nagpuri sa Panginoon dahil sa salita niya; at sumampalataya ang mga hinirang para sa buhay na walang hanggan.

Kaya’t lumaganap sa buong lupain ang salita ng Panginoon. Ngunit sinulsulan ng mga Judio ang mga babaing sumasamba sa Diyos at kilala sa lipunan, gayun din ang mga lalaking pinuno ng lungsod: ipinausig nila sina Pablo at Bernabe, at pinalayas sa lupaing iyon. Kaya’t ipinagpag ng dalawa ang alikabok sa kanilang mga paa bilang saksi laban sa mga tagaroon, at sila’y nagtungo sa Iconio. Ang mga alagad naman sa Antioquia ay natigib ng galak at napuspos ng Espiritu Santo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Kahit saa’y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

o kaya: Aleluya

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Kahit saa’y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Kahit saa’y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Kahit saa’y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

ALELUYA
Juan 8, 31b-32

Aleluya! Aleluya!
Kapag ang aking salita
sa inyo’y naidambana,
taglay n’yo ang aking diwa.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 14, 7-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung ako’y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyong nakita.”

Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama, at masisiyahan na kami.” Sumagot si Hesus, “Matagal na ninyo akong kasama, Felipe! Diyata’t hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing: ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang ako’y sumasa-Ama at ang Ama’y sumasaakin? Ang mga salitang sinasabi ko ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Amang sumasaakin ang gumaganap ng kanyang mga gawain. Maniwala kayo sa akin: ako’y sumasa-Ama at ang Ama’y sumasa-akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito. Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Sabado

Manalangin tayo sa ating Ama na ipakita sa atin ang daan patungo kay Kristo na siyang Daan, Katotohanan, at Buhay.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, loobin mong manatili kami sa iyong kaluwalhatian.

Atin nawang madama ang presensya ni Jesus na siyang ating Katotohanan sa pamamagitan ng ating pagpapatotoo at mga halimbawa ng ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa bayan nawa’y akayin ang mga mamamayan sa tamang landas ng katarungan, kapayapaan, at pagkakaisa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maliliit ng ating lipunan nawa’y maibalik ang dangal at pag-asa sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga biktima ng pang-aapi at kahalayan nawa’y magtamo ng katarungan, kalayaan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makarating sa lugar na inihanda ni Kristo para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, manatili ka sa aming piling sa pamamagitan ng iyong Anak, at loobin mong siya ang aming maging Daan, ang aming Katotohanan, at ang aming Buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

What goes up must first go down

 2,069 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Feast of the Exaltation of the Cross, 14 September 2026
Numbers 21:4-9  ><}}}}*>  Philippians2:6-11  ><}}}}*>  John 3:13-17
Photo by author, Basilica of Our Lady of Manaoag, Pangasinan, 09 January 2026.

Today’s celebration of the Feast of the Exaltation of the Cross started in the fourth century with the miraculous discovery of the True Cross by Helena, mother of the Emperor Constantine, on 14 September 326, while she was on a pilgrimage to Jerusalem. Being the queen Mother, she ordered through her son the emperor the building of the Church of the Holy Sepulchre that was dedicated nine years later with a portion of the True Cross placed inside it on September 13, 335. The following day, the Cross was brought outside of the church to be venerated by the clergy and the faithful.

In the year 627, during the reign of the Emperor Heraclius I of Constantinople, the Persians conquered the city of Jerusalem and removed a major part of the Cross from its sanctuary. The emperor then launched a campaign to recover the True Cross which he regarded as the new Ark of the Covenant for the new People of God.

Before embarking into war, Emperor Heraclius went to church wearing black as a sign of penance, then prostrated himself before the altar and begged God for courage. His prayer was granted as he won the war and recovered the Cross from the Persians. He brought the Cross back to Jerusalem in 641 amid great celebrations by carrying it on his shoulders. Upon reaching the gate leading to Calvary, the emperor could not go forward! Heraclius and his retinue were astonished and could not understand what had happened until the Patriarch Zachary of Jerusalem told him, “Take care, O Emperor! In truth, the imperial clothing you are wearing does not sufficiently resemble the poor and humiliated condition of Jesus carrying His cross.”

Upon hearing those words, the emperor removed his shoes and bejewelled robes, put on a poor man’s clothing and was eventually able to proceed to Calvary and replaced the Cross inside the Church of the Holy Sepulchre where a number of miracles happened during the occasion: a dead man returned to life, four paralytics were cured, ten lepers were healed, 15 blind men were given their sight, with several possessed people exorcised and many sick people totally healed!

Photo by author, inside the upper chapel of the Church of the Holy Sepulchre where the site of Crucifixion is believed to be located, May 2017.

Very notable in this story were the words of the Patriarch of Jerusalem to Emperor Heraclius: it was only after he had taken off his royal clothings and put on those of the poor was he able to carry the Cross into Jerusalem.

It is the same thing that is asked of us today: it is so easy to display the cross inside our homes and cars, or wear it as a jewelry or even as a tattoo on our skin and mean nothing at all unless we have the cross inside our hearts, our very being. More than the many signs of the cross and imaginary drawing of its lines we draw on our chest is the need for us to empty ourselves of our pride and sins so that we can be filled by Jesus Christ.

Photo by author, Chapel of St. Francis Xavier, Sacred Heart Novitiate, QC, March 2024.

Brothers and sisters: Christ Jesus, though he was in the form of God, did not regard equality with God something to be grasped. Rather, he emptied himself, taking the form of a slave, coming in human likeness; and found human in appearance, he humbled himself, becoming obedient to death, even death on a cross (Philippians 2:6-8).

Called kenosis in Greek, self-emptying is the way of the Cross of Christ. It is choosing love and mercy than self-centeredness and self-righteousness; sacrifice than satisfaction; fairness and justice than greed and possession; bearing all the pains and perseverance than complaining and whining about difficulties and trials in life like the Israelites in the wilderness (first reading); and, thinking more of others than of one’s self.

The recent COVID-19 pandemic had taught something very beautiful and amazing about the positivity of being negative, when negative was actually positive – healthy and COVID free! Remember how during those days when we would always wish we would yield negative results in our swab tests for COVID?

When we look at the sign of the cross (+), it is a positive sign, a plus sign. Though the cross calls us to let go, to be detached and dispossessed, it is actually an invitation to have more of God, of life and fulfillment!

For us to rise, to go up, we must first go down that is contrary to the ways of this time of affluence when everything is practically easily available even fame and wealth. Today’s feast reminds us that like the Cross of Christ, life is more of letting go and of giving than of having like God who “so loved the world that he gave his only Son, so that he who believes in him might not perish but might have eternal life” (Jn.3:16). St. Francis of Assisi said it perfectly why the Cross is an exaltation, a triumph:

For it is in giving that we receive,
it is in pardoning that we are pardoned,
and it is in dying that we are born to eternal life.

Amen. Have blessed week ahead!

Photo by author, St. Paul Spiritual & Renewal Center, Alfonso, Cavite, 19 August 2026.

A VERY BEAUTIFUL REMINDER

 1,947 total reads

Gospel Reading for September 14, 2026 – John 3: 13-17

A VERY BEAUTIFUL REMINDER

Feast of the Exaltation of the Holy Cross

Jesus said to Nicodemus: “No one has gone up to heaven except the one who has come down from heaven, the Son of Man. And just as Moses lifted up the serpent in the desert, so must the Son of Man be lifted up, so that everyone who believes in him may have eternal life.”

For God so loved the world that he gave his only Son, so that everyone who believes in him might not perish but might have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but that the world might be saved through him.

————

Someone once complained, “Why do Catholics display Jesus hanging on a cross? Isn’t it cruel enough to keep seeing Him like that?” Well, it always depends on how we see things.

For us Catholics, Jesus suffering on the cross is A VERY BEAUTIFUL REMINDER of how much God loves us. Imagine allowing your only Son to die at the hands of the very people He came to save. The emphasis is more on God’s act of love than on the sins of mankind. But of course, the crucifix is also a stark reminder that our sins—even though the crucifixion happened more than 2,000 years ago—continue to bring suffering to others, and not only to ourselves.

The cross, which used to be a symbol of shame because it was a punishment reserved for lowly criminals, was EXALTED into a symbol of endless love. Jesus did not glorify suffering for its own sake. He transformed suffering through love and obedience to the Father. Because of the Resurrection, the Cross is no longer the end of the story—it is the doorway to new life.
On this Feast of the Exaltation of the Holy Cross, let us ponder the theme song of World Youth Day 1995, held in Manila in the presence of Pope St. John Paul II and written by Trina Belamide, TELL THE WORLD OF HIS LOVE:

For God so loved the world
He gave us His only Son –
Jesus Christ our Savior,
His most precious One.
He has sent us His message of love
and sends those who hear
to bring the message to everyone
in a voice loud and clear.
Let us tell the world of His love,
the greatest love the world has known.
Search the world for those who have walked astray
and lead them home.
Fill the world’s darkest corners
with His light from up above.
Walk every step, every mile, every road
and tell the world,
tell the world of His love!

Takót sa sariling multo

 19,802 total reads

Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang araw matapos isyuhan ng warrant of arrest para sa kasong grave threats.

I do not feel safe at all,” pahayag ng bise presidente habang pinapalibutan ng media. Pinilit niyang samahan siya ng media sa pagbabayad niya ng piyansa dahil sa pangambang matulad siya sa sinapit ni dating Senador Ninoy Aquino Jr. (Kung maalala ninyo, namatay sa tama ng baril sa kanyang ulo ang dating senador sa tarmac ng airport.) Hindi raw alam ni VP Sara kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nasa kustodiya na ng pulis. Maaari daw na utusan lang ng sinuman ang mga pulis na patayin siya at palabasing aksidente ang nangyari.

Pinigilan ng kanyang mga abogado si VP Sara na magsama ng mga taga-media, alinsunod sa utos ng korte. Kalaunan, pumasok din naman ang bise presidente para magbayad ng ₱360,000 para pigilan ang pagpapatupad ng warrant of arrest. Bago bumalik sa kanyang sasakyan, niyakap siya ng mga tagasuportang umiiyak dahil sa pag-aalala sa kaligtasan ng kanilang idolo.

Matagal nang iginigiit ni VP Sara na may mga nagbabanta sa kanyang buhay at kaligtasan. Inimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (o NBI) ang mga ito, pero wala naman silang natukoy na pinagmumulan ng mga bantang ito. 

Ang malinaw na nalalaman nating lahat ay si VP Sara mismo ang nagbabanta sa buhay ng iba—at hindi basta-bastang mga tao ang pinagbantaan niya. Sa isang virtual press conference noong Nobyembre 2024, sinabi niyang kapag pinatay siya, may kinausap na siyang tao na papatay kina Pangulong Bongbong Marcos Jr, First Lady Liza Araneta, at dating House Speaker Martin Romualdez. “No joke,” pagdidiin pa niya. Ang mga bantang ito nga ang naging batayan ng Department of Justice (o DOJ) para sampahan siya ng mga kasong grave threats at inciting to sedition. Isinama na rin ang mga bantang ito sa mga basehan ng impeachment complaint laban kay VP Sara na patuloy ngang dinidinig ng Senate impeachment court

Natatakot ba si VP Sara sa sarili niyang multo? Siya ang nagbanta sa buhay ng iba, pero ngayon, nangangamba siya para sa kanyang buhay.

Sa isyung ito, hindi usapin kung dapat bang protektahan ang kaligtasan ni VP Sara. Dapat itong protektahan. Ang buhay ng sinuman ay dapat protektahan. Ang mga banta sa buhay ng lahat ay dapat seryosohin.

Ang usapin ay ang hindi pagkakatugma ng mga salitang binibitawan ng mga nasa poder. Kung ang isang opisyal ay inaakusahan ng pagbabanta sa buhay ng iba—na nakita naman ng publiko—tapos ngayon ay pinalalabas na biktima ng pagbabanta ng iba, may mali, mga Kapanalig.

Pinahahalagahan ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang pagsasabi ng totoo, habang binabalaan tayo tungkol sa panloloko at manipulasyon. Ang paghingi ng proteksyon gayong iniiwasan ang pananagutan para sa isang bagay na makapaglalagay sa buhay ng iba sa alanganin ay maituturing na moral inconsistency. Ang moral inconsistency ay kapag magkaiba ang pamantayang ginagamit ng isang tao para sa sarili niya at para sa iba. Sa simpleng salita: “Kapag ako ang nagbanta, may dahilan; pero kapag iba ang nagbanta sa akin, mali at dapat parusahan.”

Mga Kapanalig, ang pagbabanta sa iba habang nagbubulag-bulagan sa sariling pagkakamali at umiiwas sa pananagutan ay nagpapaalala sa atin ng tanong na ito mula sa Mateo 7:3-5: “Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata?” Hindi tama na makita lamang ang banta ng iba laban sa sarili habang binabalewala ang sariling pananakot o pananagutan. 

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 19,803 total reads

 19,803 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 128,400 total reads

 128,400 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 173,071 total reads

 173,071 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 195,277 total reads

 195,277 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 231,245 total reads

 231,245 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Setyembre 16, 2026

 977 total reads

 977 total reads Paggunita kay San Cornelio, papa, at San Cipriano, obispo, mga martir 1 Corinto 12, 31 – 13, 13 Salmo 32, 2-3. 4-5. 12

Read More »

Martes, Setyembre 15, 2026

 3,520 total reads

 3,520 total reads Paggunita sa Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati Hebreo 5, 7-9 Salmo 30, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 15-16. 20 Poong D’yos na maibigin ako

Read More »

Lunes, Setyembre 14, 2026

 4,866 total reads

 4,866 total reads Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal Mga Bilang 21, 4b-9 o kaya Filipos 2, 6-11 Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38 Hindi nila

Read More »

Linggo, Setyembre 13, 2026

 5,801 total reads

 5,801 total reads Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Sirak 27, 33 – 28, 9 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

Sabado, Setyembre 12, 2026

 6,637 total reads

 6,637 total reads Sabado ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Kamahal-mahalang Ngalan ng Mahal na Birhen o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top