Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, HULYO 27, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,524 total views

Huwebes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Exodo 19, 1-2. 9-11. 16-20b
Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Mateo 13, 10-17

Thursday of the Sixteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Exodo 19, 1-2. 9-11. 16-20b

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Ang mga Israelita’y nakarating sa ilang ng Sinai noon ikatlong buwan nang umalis sila sa Egipto. Mula sa Refidim, nagpatuloy sila sa ilang ng Sinai at nagkampo sa tapat ng bundok.

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Magsasalita ako sa iyo mula sa makapal na ulap nang naririnig ng mga tao upang sila’y maniwala sa iyo habang panahon.”

At sinabi ni Moises sa Panginoon ang pasiya ng mga tao. Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo sa mga tao na humanda sa pagsamba sa akin ngayon at bukas. Kailangang labhan nila ang kanilang mga kasuotan at humanda sa makalawa, sapagkat ako, ang Panginoon, ay bababa sa Bundok ng Sinai para makita ng mga tao.”

Kinaumagahan ng ikatlong araw, nagkukulog sa bundok at sala-salabat ang kidlat. Ang bundok ay nabalot ng makapal na ulap at narinig ang isang malakas na tunog ng tambuli. Lahat ng tao sa buong kampamento ay nanginig sa takot. Pinangunahan ni Moises ang mga tao papunta sa paanan ng bundok upang humarap sa Diyos. Ang Bundok ng Sinai ay nababalot ng usok sapagkat bumaba ang Panginoon sa anyo ng apoy. Pumailanlang ang lisak, tulad ng usok ng isang pugon, at ang mga tao’y pinagharian ng takot. Palakas nang palakas ang tunog ng tambuli. Nagsalita si Moises at sinagot siya ng Diyos sa pamamagitan ng kulog. Ang Panginoon ay bumaba sa tuktok ng Bundok ng Sinai at pinaakyat niya roon si Moises.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Pinupuri ka namin, Panginoon; Diyos ng aming mga ninuno;
karapat-dapat kang ipagdangal at dakilain magpakailanman.
Purihin ang iyong banal at maluwalhating pangalan,
nararapat purihin at ipagdangal magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka sa iyong banal at marangal na tahanan;
lubhang karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka, na nakaluklok sa maringal mong trono,
karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Mula sa iyong luklukan sa ibabaw ng mga kerubin,
nakikita mo ang kalaliman, ang daigdig ng mga patay.
Karapat-dapat kang purihin at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka sa buong sangkalangitan;
karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 10-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit ang mga alagad at tinanong si Hesus: “Bakit po ninyo dinadaan sa talinghaga ang inyong pagsasalita sa kanila?” Sumagot siya, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakikita, at nakikinig ngunit hindi nakaririnig ni nakauunawa.

Natutupad nga sa kanila ang hula ni Isaias na nagsasabi:
‘Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makauunawa,
at tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakikita.
Sapagkat naging mapurol ang isip ng mga ito;
mahirap makarinig ang kanilang mga tainga,
at ipinikit nila ang kanilang mga mata.
Kung di gayun, disin sana’y nakakita ang kanilang mga mata,
nakarinig ang kanilang mga tainga,
nakaunawa ang kanilang mga isip,
at nagbalik-loob sa akin,
at pinagaling ko sila, sabi ng Panginoon.’ Mapalad kayo, sapagkat nakakikita ang inyong mga mata at nakaririnig ang inyong mga tainga! Sinasabi ko sa inyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang nagnasang makakita sa inyong nakikita, ngunit hindi ito nakita at makarinig sa inyong naririnig, ngunit hindi ito napakinggan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-16 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Tinuturuan tayo ni Kristo sa pamamagitan ng mga talinhaga. Si Kristo ang naghahasik ng butil ng Salita ng Diyos. Tumugon tayo sa kanyang gawaing ito sa ating pananalangin sa Ama.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ni Jesus, pakinggan Mo kami.

Ang Simbahan sa mundo nawa’y maging katulad ng mayamang lupa na nagbubunga ng tig-iisandaang ani, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng mga bansa nawa’y mamuno sa pamamaraang kalugud-lugod sa Diyos at sa sambayanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga hindi napapansing ambisyon at pagkamakasarili nawa’y hindi maging hadlang sa pagdaloy ng Salita ng Diyos sa ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makadama ng kapangyarihang nagpapagaling ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y masiyahan sa liwanag, kaligayahan, at kapayapaan sa kalangitan at mapalakas ng Salita ng Diyos ang mga nabibigatan sa pagkalumbay, manalangin tayo sa Panginoon.

Amang makalangit, tulungan mo kaming makilala ang butil ng iyong Salita na nahasik sa aming buhay. Huwag nawa kaming masilo ng mga alalahanin ng mundong ito bagkus maging maliksi kami sa paglilingkod sa iyo upang makapamunga kami ng mayamang ani. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 24,325 total views

 24,325 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 47,157 total views

 47,157 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 71,557 total views

 71,557 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 90,509 total views

 90,509 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 110,252 total views

 110,252 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 33,246 total views

 33,246 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 33,477 total views

 33,477 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 33,970 total views

 33,970 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 24,428 total views

 24,428 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 24,537 total views

 24,537 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top