HUWEBES, HUNYO 1, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,094 total reads

Kapistahan ng Panginoong Hesukristo,
Walang Hanggang at Dakilang Pari (A)

Genesis 22, 9-18
o kaya Hebreo 10, 4-10
Salmo 39, 7-8a. 10-11ab. 17

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Mateo 26, 36-42

Feast of Our Lord Jesus Christ, The Eternal High Priest (White)

UNANG PAGBASA
Genesis 22, 9-18

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon: Pagsapit nila sa dakong itinuro ng Diyos, gumawa ng dambana si Abraham. Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong at inihiga si Isaac, matapos gapusin. Nang sasaksakin na niya ang bata, tinawag siya ng anghel ng Panginoon at mula sa langit ay sinabi: “Abraham! Abraham! Huwag mong patayin ang bata. Huwag mo siyang saktan! Naipakita mo nang handa kang sumunod sa Diyos, sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak.”

Paglingon niya’y may nakita siyang isang lalaking tupa na ang mga sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy. Ito ang kinuha ni Abraham at inihandog kapalit ng kanyang anak. Ang lugar na iyo’y tinawag ni Abraham na, “Ang Panginoon ang Nagkaloob.” At magpahanggang ngayon, sinasabi ng mga tao: “Sa bundok ng Panginoon ay may nakalaan.”

Mula sa langit, nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ng Panginoon. Wika nito, “Akong Panginoon ang nangangako sa iyo: yamang hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak, pagpapalain kita. Ang lahi mo’y magiging sindami ng bituin sa langit at ng buhangin sa dagat. Lulupigin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway. Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sapagkat ikaw ay tumalima sa akin.” Binalikan ni Abraham ang kanyang mga alipin, at sama-sama silang umuwi sa Beer-seba.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Hebreo 10, 4-10

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, sapagkat ang dugo ng mga toro at ng mga kambing ay hindi makapapawi ng mga kasalanan.
Dahil diyan, nang si Kristo’y manaog sa sanlibutan, sinabi niya sa Diyos,
“Ang mga hain at handog na mga hayop ay hindi mo ibig, kaya’t inihanda mo ang aking katawan upang maging hain.

Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin at ang mga handog dahil sa kasalanan.
Kaya’t aking sinabi, ‘Narito ako, O Diyos, upang tupdin ang iyong kalooban’ —
Ayon sa nasusulat sa Kasulatan tungkol sa akin.”

Sinabi muna niya, “Hindi mo inibig o kinalugdan ang mga hain at handog na mga hayop, mga handog na susunugin at mga handog dahil sa kasalanan” – bagamat ito’y inihahandog ayon sa Kautusan. Saka niya sinabi, “Narito ako upang tupdin ang iyong kalooban.” Inalis ng Diyos ang unang handog na pinalitan ng handog ni Kristo. At dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos, nilinis tayo ni Hesukristo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng minsang paghahandog ng kanyang sarili at iyo’y sapat na.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10-11ab. 17

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang mga panghandog, pati mga hain,
hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
upang yaong sala’y iyong patawarin;
sa halip, ang iyong kaloob sa akin
ay ang pandinig ko upang ika’y dinggin.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Kaya ang tugon ko, “Ako’y naririto;
nasa Kautusan ang mga turo mo.
Ang nais kong sundi’y iyong kalooban;
aking itatago sa puso ang aral.”

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang pagliligtas mo’y ipinagsasabi,
di ko inilihim sa aking sarili;
pati pagtulong mo’t pag-ibig na tapat,
sa mga lingkod mo’y isinisiwalat.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Silang lumalapit sa iyo’y dulutan
ng ligaya’t galak na walang kapantay;
bayaang sabihing: “Ang Poon ay Dakila!”
ng nangaghahangad maligtas na kusa.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

ALELUYA
Filipos 2, 8-9

Aleluya! Aleluya!
Masunuring Kristo Hesus
naghain ng buhay sa krus,
kaya’t dinakila ng D’yos
binigyan ng ngalang tampok
sa langit at sansinukob.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 26, 36-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, isinama sila ni Hesus sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Dito muna kayo; mananalangin ako sa dako roon.” Ngunit isinama niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo. At nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban. Sinabi niya sa kanila, “Ang puso ko’y tigib ng hapis na halos ikamatay ko! Maghintay kayo rito at makipagpuyat sa akin!” Pagkalayo nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin: “Ama ko, kung maaari’y ilayo mo sa akin ang kalis ng paghihirap na ito. Gayunman, huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang mangyari.”

Nagbalik siya at dinatnan niyang natutulog ang tatlong alagad. Sinabi niya kay Pedro, “Talaga bang hindi kayo makapagpuyat na kasama ko kahit isang oras man lamang? Magpuyat kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu’y nakahanda ngunit mahina ang laman.”

Muli siyang lumayo at nanalangin: “Ama ko, kung hindi maiaalis ang kalis na ito nang hindi ko iinumin, mangyari ang iyong kalooban.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

BLIND GUIDES

 7,120 total reads

Gospel Reading for October 14, 2026 – Luke 11: 42-46

BLIND GUIDES

The Lord said: “Woe to you Pharisees! You pay tithes of mint and of rue and of every garden herb, but you pay no attention to judgment and to love for God. These you should have done, without overlooking the others. Woe to you Pharisees! You love the seat of honor in synagogues band greetings in marketplaces. Woe to you! You are like unseen graves over which people unknowingly walk.” Then one of the scholars of the law said to him in reply, “Teacher, by saying this you are insulting us too.” And he said, “Woe also to you scholars of the law! You impose on people burdens hard to carry, but you yourselves do not lift one finger to touch them.”

————

During Jesus’ time, touching a grave would make a person ritually unclean for seven days, preventing them from entering the temple to worship God. Hence, people avoided graves, and the Jews often painted tombs white so they would be easy to spot and avoid.

Therefore, when Jesus compared the Pharisees to unseen graves, he meant that people who listened to and accepted their teachings unknowingly became unclean.

It is no wonder that Jesus seemed to have lost patience with the Pharisees. Who would not? As Jesus described in Matthew 23:16–19, they were BLIND GUIDES who led people astray through their hypocrisy.

This was a serious matter for Jesus, who came to be the Saviour, because how could people be saved if they listened to the Pharisees? How could the Pharisees themselves be saved when they did not even understand what salvation meant?

When we examine the way we live our lives, are we leading people to Jesus, or are we leading them astray?

Lord Jesus, may we be truly Christians in word and in deed. Amen.

Be my everything, Jesus

 7,819 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 14 October 2026
Memorial of St. Callistus, Pope and Martyr
Galatians 5:18-25     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     Luke 11:42-46
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, March 2024.
Be my everything,
Jesus: it is not enough
I follow you because along
the way, I can still stop and roam
around, following my many desires,
the restless longings of my heart
for selfish interests;
teach how to imitate St. Paul
in "crucifying my flesh with its
passions and desires" (Galatians 5:24).
But, 
what is to crucify my flesh
with its passions and desires?

Simply let me focus on you alone,
Jesus, making you the measure of
everything I shall do,
to search for you in everyone I meet,
to bring you out with everyone I meet;
to see more the bigger picture 
of life by resisting the works
of the flesh like "immorarilty,
impurity, licentiousness, idolatry,
sorcery, hatreds, rivalry, jealousy,
outbursts of fury, acts of selfishness,
dissensions, factions, occasions of envy,
drinking bouts, orgies, and the like"
(Galatians 5:19-21).


Keep me aware, 
Jesus,
that as my desires for comfort and ease
are bottomless, 
I shall never be satisfied within
if I see more the things than the persons,
or give much emphasis on my self
than others like the sick and suffering;
let me search for the bigger pictures
of life's many realities like your
plans for eternity so that I may strive more
to crucify my flesh with its passions
and desires by forgetting my little self
I always inflate to look larger than others;
may I give the chance for the Holy Spirit 
to win me over, bearing fruits of
“love, joy, peace, patience, kindness,
generosity, faithfulness, gentleness,
self-control" (Galatians 5:22-23).
Amen.
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.

Just energy transition sa Semirara

 70,274 total reads

Mga Kapanalig, just energy transition now! 

Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara. Sa pastoral appeal na inilabas ni Bishop Marvyn Maceda, nanawagan ang diyosesis para sa maayos at makatarungang paghinto ng mining operations sa Semirara. 

Sa pangunguna ng Semirara Mining and Power Corporation (o SMPC), isinasagawa sa isla ang pinakamalaking coal mining operations sa Pilipinas. (Ang coal ay batong uling na sinusunog para makalikha ng kuryente.) Halos limang dekada na ang SMPC doon sa ilalim ng kontratang nag-umpisa pa noong 1977 at mag-e-expire na sa susunod na taon. Rejected ang bid ng SMPC para i-extend ang kanilang kontrata. Binuksan ang bidding nitong Pebrero pero na-postpone noong Abril dahil sa pagsasaayos ng terms of reference ng Department of Energy (o DOE). Hindi pa malinaw kung ano ang mangyayari sa mining operations sa isla kaya hindi rin malinaw kung ano ang kahihinatnan ng libu-libong nagtatrabaho sa minahan.  

Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, presidente ng Caritas Philippines, dating tahanan ang Semirara ng halos lahat ng kilalang species ng mangroves. Ang mga komunidad ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda at seaweed farming, salamat sa mayabong na ecosystem ng isla. Pero binago ito ng limang dekadang pagmimina roon. Ang lupa, dagat, at kabuhayan ng mga tao ay isinakripisyo para sa kita. Dagdag pa ni Bishop Alminaza, ginawa ang mga desisyon tungkol sa sinasabing kaunlaran ng mga tao sa mga board rooms, malayo sa isla at mga komunidad. Kinukondena niya hindi ang mga manggagawa o ang mga taga-Semirara na nagtatrabaho sa minahan kundi ang sistemang itinulak silang pumili sa pagitan ng trabaho o pagsira sa kapaligiran. Ngayon sila rin ang mga taong agrabyado sa napipintong pagsasara ng SMPC sa isla. 

Walang patid ang Simbahan sa pagtuturo na hindi hiwalay ang pangangalaga sa kalikasan at sa tao. Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, binigyang-diin ni Pope Francis na kailangang palitan ang fossil fuels, kabilang ang coal na hinuhukay sa Semirara, na sumisira sa ating kalikasan. Mahalaga ang agarang paglipat sa renewable energy sources habang itinataguyod din ang kapakanan ng mga trabahador na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga coal mining projects. Ito ang tinatawag na just energy transition. Sa Laudate Deum naman na akda rin ni Pope Francis, sinasabing kailangang maging malikhain ang mga lider sa pagbuo ng mga tulong sa mga sektor na maaapektuhan ng paglipat sa mas malilinis na pinagkukunan ng enerhiya. 

Balikan natin ang pastoral appeal ng Diyosesis ng San Jose de Antique. Ilan sa mga mungkahi nito ay ang mga sumusunod. 

Una, tutukan ang pag-develop ng renewable energy sources sa isla. Kaugnay nito, dapat palawakin din ang lokal na ekonomiya nang hindi na umasa sa pagmimina ang mga taga-Semirara.  

Pangalawa, i-retrain at ihanda ang mga maaapektuhang trabahador ng minahan. Siguruhing may sapat silang social protection sa pagkawala ng inaasahan nilang trabaho. 

Panghuli, bilisan ang rehabilitasyon ng lupa at katubigang sinira ng pagmimina. 

Ang lahat ng ito ay maaaring ipaloob sa isang just transition roadmap o sa mga kondisyong itatakda sakaling matuloy ang bidding para sa susunod na kontraktor ng minahan. 

Mga Kapanalig, malinaw ang ugnayan ng kalikasan at buhay ng tao. Katulad nga ng paalala sa Mga Awit 104:24, ang buong mundo ay punô ng nilikha ng Diyos. Nilikha Niya ang lahat ng ito—ang tao at kalikasan—ayon sa Kanyang karunungan. Ang pangangalaga at pagtataguyod sa dignidad ng tao at kalikasan ay magkasabay, hindi kailanman magkasalungat. Kapwa silang dapat piliin. Huwad ang kaunlarang isinasantabi o iniiwan ang alinman sa dalawa.

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 70,275 total reads

 70,275 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 105,659 total reads

 105,659 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 140,960 total reads

 140,960 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,229 total reads

 367,229 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 256,720 total reads

 256,720 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Oktubre 17, 2026

 1,778 total reads

 1,778 total reads Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng

Read More »

Biyernes, Oktubre 16, 2026

 3,442 total reads

 3,442 total reads Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa

Read More »

Huwebes, Oktubre 15, 2026

 5,196 total reads

 5,196 total reads Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 6,550 total reads

 6,550 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 7,115 total reads

 7,115 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top