Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwebes, Hunyo 12, 2025

SHARE THE TRUTH

 8,378 total views

Kapistahan ng Panginoong Hesukristo,
Walang Hanggang at Dakilang Pari (K)

Isaias 6, 1-4. 8
Salmo 23, 2-3. 5. 6

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Juan 17, 1-2. 9, 14-26

Feast of Our Lord Jesus Christ, the Eternal High Priest (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 6, 1-4. 8

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Noong taong mamatay si Haring Uzias, nakita ko ang Panginoon.
Nakaupo siya sa isang napakataas na luklukan.
Ang laylayan ng kanyang damit ay nakalatag sa buong Templo.
May mga serapin sa kanyang ulunan,
at bawat isa’y may anim na pakpak.
Dalawa ang nakatakip sa mukha,
dalawa sa buong katawan,
at dalawa ang ginagamit sa paglipad.
Wala silang tigil nang kasasabi sa isa’t isa ng ganito:

“Banal, banal, banal ang Panginoon na Makapangyarihan;
Ang kanyang kaningninga’y laganap sa sanlibutan.”

Sa lakas ng kanilang tinig ay nayanig ang pundasyon ng Templo at ang loob nito’y napuno ng usok.

At narinig ko ang tinig ng Panginoon,
“Sino ang aking ipadadala? Sino ang aming susuguin?” Sumagot ako, “Narito po ako. Ako ang isugo n’yo.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 23, 2-3. 5. 6

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.
At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,
ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,
sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

ALELUYA
Ezekiel 36, 25a. 26a.

Aleluya! Aleluya!
Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo’y luminis.
Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 17, 1-2. 9, 14-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, tumingala si Hesus sa langit at ang wika,

“Ama, dumating na ang oras: parangalan mo ang iyong Anak upang maparangalan ka naman niya. Sapagkat pinagkalooban mo siya ng kapangyarihan sa sangkatauhan, upang magbigay ng buhay na walang hanggan sa lahat ng ibinigay mo sa kanya.

“Idinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila’y iyo.

Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Hindi ko idinadalanging alisin mo sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama! Hindi sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo’y katotohanan. Kung paanong sinugo mo ako sa sanlibutan, gayun din naman, sinusugo ko sila sa sanlibutan. At alangalang sa kanila’y itinalaga ko ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.”

“Hindi lamang ang aking mga alagad ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag. Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako’y nasa iyo, gayun din naman, maging isa sila sa atin upang maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin. Ang karangalang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila’y ganap na maging isa, gaya nating iisa: ako’y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. At sa gayun, makikilala ng sanlibutan na sinugo mo ako, at sila’y iniibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin.”

“Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay mo sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita;
at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako nama’y sumakanila.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Manalangin tayo sa Diyos upang makapaghatid sa sanlibutan ng kaligayahan ng pakikipagkasundo tayong mga nakaranas ng kanyang pagpapatawad.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, gawin mo kaming daluyan ng iyong kapayapaan.

Ang Simbahan nawa’y maging tunay na sakramento sa sandaigdigan sa pamamagitan ng pakikipagkasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga taong sumumpang manungkulan para itaguyod nang matuwid ang katarungan at kalayaang pantao nawa’y hindi magparatang at maghimagsik, at sa halip ay kilalanin at supilin ang kasalanan sa kanilang sariling mga puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-asawa na nagkalayo o naging malayo ang kalooban sa isa’t isa nawa’y matutong magpatawad, umunawa at kalugdang muli ang isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y hilumin sa ating pagmamataas at maging mapagkumbaba na tanggapin ang ating pagkukulang at pagkakamali para mamuhay tayo nang mapayapa na kapiling ang ating kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw nawa’y mabuhay sa walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, ilayo mo kami sa katigasan ng puso at ipaubaya mo na lagi kaming maging handang lumapit sa pakikipagkasundo at hilumin ang anumang uri ng pagkakahiwa-hiwalay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 13,395 total views

 13,395 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 29,567 total views

 29,567 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 69,278 total views

 69,278 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 129,786 total views

 129,786 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 142,078 total views

 142,078 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 47,845 total views

 47,845 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 48,076 total views

 48,076 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 48,588 total views

 48,588 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 35,122 total views

 35,122 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 35,231 total views

 35,231 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top