Miyerkules, Hunyo 11, 2025

SHARE THE TRUTH

 8,492 total views

Paggunita kay San Bernabe, apostol

Mga Gawa 11, 21b-26; 13, 1-3
Salmo 97, 1. 2-3ab, 3kd-4, 5-6

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Mateo 10, 7-13

Memorial of Saint Barnabas, Apostle

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 11, 21b-26; 13, 1-3

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, maraming naniwala at nanalig sa Panginoon.

Nabalitaan ito ng simbahan sa Jerusalem, kaya’t sinugo nila sa Antioquia si Bernabe. Nang dumating siya roon at makita ang pagpapala ng Diyos sa kanila, siya’y nagalak at pinagpayuhan silang lahat na manatiling tapat sa Panginoon. Mabuting tao si Bernabe, puspos ng Espiritu Santo at matibay ang pananampalataya, kaya marami siyang nadala sa Panginoon.

Nagpunta si Bernabe sa Tarso upang hanapin si Saulo, at nang kanyang matagpuan ay isinama sa Antioquia. Isang taong singkad silang nanatili roong kasa-kasama ng simbahan, at nagturo sa maraming tao. At doon sa Antioquia unang tinawag na Kristiyano ang mga alagad.

May mga propeta at mga guro sa simbahan sa Antioquia. Kabilang dito sina Bernabe, Simeon na tinaguriang Negro, Lucio na taga-Cirene, Saulo at Manaen, kababata ng tetrarkang si Herodes. Samantalang sila’y nag-aayuno at sumasamba sa Panginoon, sinabi sa kanila ng Espiritu Santo, “Ibukod ninyo sina Bernabe at Saulo. Sila’y hinirang ko para sa tanging gawaing inilaan ko sa kanila.” Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, ipinatong nila sa dalawa ang kanilang mga kamay at sila’y pinayaon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab, 3kd-4, 5-6

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay.
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog,
at ang Poon ay purihin ng tugtuging maalindog.
Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli,
magkaingay sa harapan ng Poon na ating hari.

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

ALELUYA
Mateo 28, 19a. 20b

Aleluya! Aleluya
Humayo’t magturo kayo,
palaging kasama ako
hanggang sa wakas ng mundo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 7-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga katengon at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad. Huwag kayong magdala ng salapi—maging ginto, pilak o tanso—sa inyong mga lukbutan. Huwag din kayong magdala ng supot sa inyong paglalakbay, ni bihisan, pampalit na panyapak, o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kanyang ikabubuhay.

“At saanmang bayan o nayon kayo dumating, humanap kayo ng taong karapat-dapat pakituluyan, at manatili kayo roon habang kayo’y nasa lugar na iyon. Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung karapat-dapat ang mga tao sa bahay na iyon, panatilihin ninyo sa kanila ang inyong bati. Ngunit kung hindi, bawiin ninyo ito.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Hunyo 11
San Barnabas, Apostol

Manalangin tayo sa Diyos Ama na nagnanais na ang lahat ng tao ay maligtas at makabatid ng katotohanan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Maghari ka nawa sa amin, O Panginoon.

Ang Santo Papa, mga obispo, at mga pari nawa’y patnubayan ng Banal na Espiritu sa pagtataguyod ng layunin ng misyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero nawa’y maipahayag si Kristo sa mundo sa pamamagitan ng kanilang paglilingkod na may kababaang-loob na hindi nakabatay sa kanilang kapangyarihan o kabantugan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga laykong mananampalataya nawa’y mapukaw ang kalooban sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa para sila ay makipagtulungan sa pangmisyong gawain ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyano nawa’y makaunawa sa kanilang pananagutang palaganapin ang Mabuting Balita ng kaligtasan sa lahat ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataang lalaki at babae nawa’y magkaroon ng tapang na tumugon sa panawagan ni Kristo at makibahagi sa mga gawaing pangmisyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, kalooban mo na maipahayag at maitatag ang iyong Kaharian sa lahat ng dako. Sa pamamagitan ni San Barnabas, marapatin mong maging mabunga ang aming mga pagsisikap na mapalaganap ang iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.


Paggunita kay San Bernabe, Apostol

2 Corinto 3, 4-11
Salmo 98, 5. 6. 7. 8. 9

D’yos na Makapangyarihan,
ikaw ay tunay na banal.

Mateo 5, 17-19

Memorial of St. Barnabas, Apostle (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 3, 4-11

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, ang aming pagtitiwalang ito sa Diyos ay sa pamamagitan ni Kristo. Kung sa aming sarili lamang ay wala kaming sapat na kakayahang gawin ito; ang Diyos ang nagkaloob nito sa amin. Niloob niyang kami’y maging lingkod ng bagong tipan, tipang hindi nababatay sa Kautusang natititik kundi sa Espiritu. Sapagkat ang dulot ng titik ay kamatayan, ngunit ang Espiritu’y nagbibigay-buhay.

Nang ibigay ang alituntunin ng paglilingkod na nakatitik sa tinapyas na bato, kalakip na nahayag ang kaningningan ng Diyos, anupat hindi matingnan ng mga Israelita ang mukha ni Moises bagamat ang kaningningang ito’y lumipas. Kung ang paglilingkod na batay sa Kautusang nakatitik na nagdala ng kamatayan ay dumating na may kalakip na kaningningan, gaano pa kaya ang paglilingkod ayon sa Espiritu? Kung may kaningningan ang paglilingkod na nagdudulot ng hatol na kamatayan, lalo pang maningning ang paglilingkod na ang dulot ay pagpapawalang-sala. Dahil dito, masasabi natin na ang dating ningning ay wala na sapagkat nahalinhan ng lalo pang maningning. Kung may kaningningan ang lumilipas, higit ang kaningningan noong nananatili magpakailanman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 98, 5. 6. 7. 8. 9

D’yos na Makapangyarihan,
ikaw ay tunay na banal.

Ang Poon na ating Diyos ay lubos na papurihan;
sa harap ng trono niya’y sambahin ang ngalang Banal!

D’yos na Makapangyarihan,
ikaw ay tunay na banal.

Si Moises at Aaron, mga saserdote niya;
at si Samuel nama’y lingkod na sa kanya ay sumamba;
nang ang Poo’y dalanginan, dininig naman sila.

D’yos na Makapangyarihan,
ikaw ay tunay na banal.

Ang Poon ay nagsalita sa gitna ng mga ulap;
sila naman ay nakinig utos niya ay tinupad.

D’yos na Makapangyarihan,
ikaw ay tunay na banal.

O Poon na aming Diyos, sinagot mo sila agad
at ikaw ay nakilalang Diyos na mapagpatawad;
ngunit pinagdurusa mo kung ang gawa’y hindi tumpak.

D’yos na Makapangyarihan,
ikaw ay tunay na banal.

Ang Diyos nating Panginoon, dapat nating papurihan,
sa banal na bundok niya sambahin ang kanyang ngalan!
Siya’y ating Panginoon, siya’y ating Diyos na banal!

D’yos na Makapangyarihan,
ikaw ay tunay na banal.

ALELUYA
Salmo 24, 4b. 5a

Aleluya! Aleluya!
Panginoon, ituro mo
na ‘yong landas ay sundin ko
sa pagtahak sa totoo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 5, 17-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang lahat. Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayun sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Ipinapangako ng Diyos ang kaligayahan sa mga sumusunod sa kanyang mga batas at sa mga naghahangad sa kanya nang buong puso. Manalangin tayo ngayon nang sama-sama at buong katapatan sa iisang pananampalataya.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng kaayusan, manatili nawa kami sa iyong landas.

Ang Santo Papa at mga obispo, sa pamamagitan ng kanilang pagtuturo at pamumuhay nawa’y humihikayat sa kawan na sumunod sa pamamaraan ng pag-ibig ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya ng mga bansa nawa’y higit na magsumikap at maging masigasig upang makamit ang kapayapaan at matatag na mapanatili ito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-asawa nawa’y makadama ng alab ng pag-ibig ng Diyos sa kanilang pagsasamahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga matatanda nawa’y lumakas ang kalooban sa pamamagitan ng mga salitang nakaaaliw at may katiyakan mula sa mga kumakalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y mamasdan “ang mga bagay na hindi nakikita ng mga mata at hindi naririnig ng mga tenga,” manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihan at walang hanggang Ama, nawa’y liwanagan ng iyong batas ng pag-ibig ang aming buhay at pamalagiin mo kaming nasa matuwid na landas patungo sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,091 total views

 13,091 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 27,735 total views

 27,735 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,037 total views

 42,037 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 58,739 total views

 58,739 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,608 total views

 104,608 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Watch Live

RELATED READINGS

Sabado, Hunyo 21, 2025

 1,590 total views

 1,590 total views Paggunita kay San Luis Gonzaga, namanata sa Diyos 2 Corinto 12, 1-10 Salmo 33, 8-9. 10-11. 12-13 Magsumikap tayong kamtin ang Panginoong butihin.

Read More »

Biyernes, Hunyo 20, 2025

 2,510 total views

 2,510 total views Biyernes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 2 Corinto 11, 18. 21b-30 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat

Read More »

Huwebes, Hunyo 19, 2025

 4,822 total views

 4,822 total views Huwebes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Romualdo, abad 2 Corinto 11, 1-11 Salmo 110, 1-2. 3-4. 7-8

Read More »

Miyerkules, Hunyo 18, 2025

 2,115 total views

 2,115 total views Miyerkules ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 2 Corinto 9, 6-11 Salmo 111, 1-2. 3-4. 9 Mapalad s’ya na may takot sa

Read More »

Martes, Hunyo 17, 2025

 5,222 total views

 5,222 total views Martes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 2 Corinto 8, 1-9 Salmo 145, 2. 5-6. 7. 8-9a. Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang

Read More »

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 16,363 total views

 16,363 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Scroll to Top