Martes, Hunyo 10, 2025

SHARE THE TRUTH

 6,808 total reads

Martes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

2 Corinto 1, 18-22
Salmo 118, 129. 130. 131. 132. 133. 135

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Mateo 5, 13-16

Tuesday of the Tenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 1, 18-22

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, kung paanong ang Diyos ay tapat, gayun din ang salita ko sa inyo: ang “Oo” ngayon ay mananatiling “Oo.” Ang Anak ng Diyos, si Hesukristo na ipinangaral namin nina Silvano at Timoteo ay hindi “Oo” ngayon at pagkatapos ay “Hindi.” Siya’y nananatiling “Oo,” sapagkat siya ang katuparan ng lahat ng pangako ng Diyos. Dahil sa kanya, nakasasagot tayo ng “Amen” sa ikaluluwalhati ng Diyos. Ang Diyos ang nagpatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Kristo, at siya rin ang humirang sa amin. Tinatakan niya kami at pinagkalooban ng kanyang Espiritu, bilang katunayang tutuparin niya ang kanyang pangako.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 129. 130. 131. 132. 133. 135

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Lubos akong humahanga sa bigay mong mga turo,
iya’y aking iingata’t susundin nang buong puso.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Ang liwanag ng turo mo’y nagsisilbing isang tanglaw,
nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Halos humihingal ako dahilan sa kasabikan,
na matamo yaong aking minimithing kautusan.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Ako’y iyong kahabagan, ngayon ako ay lingunin,
at sa mga taong tapat, iparis mo ang pagtingin.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Sang-ayon sa pangako mo, h’wag mo akong babayaang
mahulog sa gawang lisya at ugaling mahahalay.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

Sa buhay ko’y tumanglaw ka at ako ay pagpalain,
at ang iyong mga utos ay ituro mo sa akin.

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako.

ALELUYA
Mateo 5, 16

Aleluya! Aleluya!
Dapat kayong magliwanag
nang kabutiha’y mahayag
at D’yos ang s’yang matanyag.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 5, 13-16

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kayo’y asin sa sanlibutan. Kung mawalan ng alat ang asin, paano pang mapananauli ang alat nito? Wala na itong kabuluhan, kaya’t itinatapon na lamang at niyayapakan ng mga tao.

“Kayo’y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol. Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalagay ito sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayun din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikasampung Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Manalangin tayo sa Diyos, ang Ama ng liwanag upang maging tapat tayo sa ating misyon na maging ilaw at asin ng sanlibutan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng kabutihan, panatilihin mo kami.

Ang Simbahan nawa’y ipakita ang kapangyarihan at ningning ng Espiritu sa lahat ng naghahangad ng katotohanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lalaki at babae na pinagkatiwalaang magpasya para sa ikauunlad ng mga tao, nawa’y maliwanagan ng kinang ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo, na tinatawag na maging asin at liwanag ng sanlibutan, nawa’y maging daluyan ng pag-asa at ginhawa ng ating kapwa tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga may alalahanin, at mga sawing puso nawa’y matagpuan ang liwanag ni Kristo sa pamamagitan ng paglilingkod ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y sikatan ng walang hanggang liwanag, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, habang ipinapanalangin namin ang aming kapwa, hinihiling namin na tulungan mo kaming magliwanag sa kanilang paningin nang sa gayon kanilang purihin ang iyong kabutihan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Kapag ginagawang sandata ang batas

 33,022 total reads

Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila?

Noong Agosto 3, inaresto sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya ang isang anti-mining leader na si Florentino Daynos II dahil sa mga kasong grave threats at coercion. Ayon sa kanyang abogado, inaresto siya nang hindi man lamang nakatanggap ng subpoena. Kahit na nakapagpiyansa siya kinabukasan, nananawagan ang Council for People’s Development and Governance na ibasura ang walang basehan at mapanupil na mga kaso laban kay Daynos at iba pang mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Kabilang si Daynos sa mga tumututol sa pagmimina sa Nueva Vizcaya. Banta kasi ang pagmimina sa mga sakahan, pinagkukunan ng tubig, biodiversity, at maging sa mga karapatan ng mga katutubo. Hindi rin daw maituturing na tunay na konsultasyon ang ginagawa ng mga mining corporations para makuha ang tinatawag na free, prior, and informed consent mula sa mga maaapektuhang komunidad.

Noong  2025, binigyan ng gobyerno ang Woggle Corporation ng permit para magsagawa ng mineral exploration sa mahigit 3,100 ektarya sa Dupax del Norte. Pero dahil sa matinding pagtutol ng mga residente, pansamantalang sinuspinde ng Mines and Geosciences Bureau (o MGB) ang exploration permit noong Pebrero 2026.

Taóng 2025 din nang bigyan ng MGB at Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ng exploration permit ang North Luzon Mineral Resources Corporation (o NLMRC) upang magsagawa ng paghahanap ng ginto at iba pang mineral sa mahigit 4,000 na ektarya ng lupa sa Kasibu, Nueva Vizcaya. Ang Kasibu ay 39 na kilometro lamang mula sa Dupax del Norte, kung saan matagal nang lumalaban ang mga residente sa mga proyektong pagmimina.

Kapansin-pansin din ang sunod-sunod na paghahain ng mga kaso laban sa mga environmental defenders at iba pang tumututol sa mga mining projects sa Nueva Vizcaya. Naghain ang NLMRC ng cyberlibel complaint laban sa residenteng si Lei Jin Dugay dahil sa isang social media post. Kinasuhan din ng kompanya ang mga abogado ng komunidad na sina Atty. Edgardo Balgos at Atty. Fidel Santos. Maging sina Bishop Jose Elmer Mangalinao at Fr. Christian Dumangeng, na nakiisa sa isang mapayapang community barricade, ay dati ring kinasuhan ng forcible entry. Halimbawa ang mga ito kung paano ginagamit ang batas sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kaso para takutin at patahimikin ang mga kritiko ng pagmimina.

Tinatawag ng mga human rights at legal groups ang ganitong taktika na Strategic Lawsuits Against Public Participation (o SLAPP). Ito ay mga kasong inihahain hindi para makamit ang hustisya, kundi para takutin, pagastusin, at patahimikin ang mga nagsasalita laban sa mga makapangyarihang interes. Ayon sa Human Rights Watch, dapat ibasura ng mga piskal ang ganitong mga reklamo na ginagamit lamang ng mga kompanya para itikom ng mga tao ang kanilang bibig.

Hindi maihihiwalay ang karapatang pantao sa pangangalaga sa kalikasan. Paalala ni Pope Francis na ang tao ay bahagi ng sangnilikha at hindi maaaring iwalay ang dignidad ng tao sa kalagayan ng kapaligiran Kapag nasisira ang kagubatan, mga ilog, at kabundukan, naaapektuhan din ang kabuhayan, kalusugan, at kinabukasan ng mga taong umaasa sa mga ito. Kaya’t ang pagtatanggol sa kalikasan ay pagtatanggol din sa buhay at karapatan ng tao.

Mga Kapanalig, hindi dapat ituring na krimen ang pagtatanggol sa kalikasan. Lalong hindi dapat gamitin ang batas para patahimikin ang mga taong mapayapang ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Paalala nga ng Kawikaan 17:15: “Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.” Nawa’y manatiling instrumento ng katarungan ang ating mga batas—hindi sandata laban sa mga taong matapang na ipinaglalaban ang tama at makatarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Praying to be a cheerful giver

 7,681 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Lawrence, Deacon & Martyr, 10 August 2026
2 Corinthians 9:6-10     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     John 12:24-26
Photo by author, Anvaya Cove, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Lord Jesus,
teach me to be a cheerful giver:
teach me to be like St. Lawrence
your deacon and martyr we honor
today who gave himself totally
and cheerfully to you because
he felt strongly the overflowing
abundance of your grace
and blessings to him;
many times we are reluctant 
to give our time, treasures,
and talents because we feel
always lacking;
open our very selves 
to find you and your blessings
within so that 
we freely give and share
whatever we have
to continue serving in your name;
most of all,
teach me to give more of myself
like a grain of wheat that dies
and produces much fruit in you.
Amen.

St. Lawrence, Martyr and Deacon,
pray for us!
“Martyrdom of St. Lawrence, Deacon” by Hipolito de Rioja (16th c.) from commons.wikimedia.org

LANGUAGE

 7,274 total reads

Gospel Reading for August 10, 2026 – John 12: 24-26

LANGUAGE

Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, unless a grain of wheat falls to the ground and dies, it remains just a grain of wheat; but if it dies, it produces much fruit. Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world will preserve it for eternal life. Whoever serves me must follow me, and where I am, there also will my servant be. The Father will honor whoever serves me.”

————

The four-letter word that best describes dying to oneself is LOVE. If we look at all the teachings of Jesus and the kind of life he lived, everything ultimately points to one thing: LOVE. It is the LANGUAGE of God, and if we are truly his servants, then it must become our LANGUAGE as well.

As St. Paul beautifully describes in his First Letter to the Corinthians (1 Cor. 13:1–13), LOVE never fails. This is not merely romantic love, but agape LOVE—love that expects nothing in return, love that places the needs of others above one’s own, and philia—brotherly and friendly love that binds people together in genuine care and compassion.

True LOVE bears much fruit: joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control. It cannot produce bad fruit, because it comes from God himself.

Lord Jesus, help us to allow this LOVE to shape our thoughts, words, and actions, so we may someday attain eternal life with you. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 33,023 total reads

 33,023 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 68,955 total reads

 68,955 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 122,790 total reads

 122,790 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 184,721 total reads

 184,721 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 252,461 total reads

 252,461 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Agosto 14, 2026

 239 total reads

 239 total reads Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria Pagmimisa sa Bisperas 1 Cronica 15, 3-4. 15-16; 16, 1-2 Salmo 131,

Read More »

Huwebes, Agosto 13, 2026

 1,621 total reads

 1,621 total reads Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon o kaya Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir Ezekiel 12, 1-12

Read More »

Miyerkules, Agosto 12, 2026

 3,250 total reads

 3,250 total reads Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos Ezekiel 9, 1-7; 10,

Read More »

Martes, Agosto 11, 2026

 4,988 total reads

 4,988 total reads Paggunita kay Santa Clara ng Assisi, dalaga Ezekiel 2, 8 – 3, 4 Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131 O kay

Read More »

Lunes, Agosto 10, 2026

 6,729 total reads

 6,729 total reads Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top