Lunes, Hunyo 9, 2025

SHARE THE TRUTH

 5,660 total views

Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan

Genesis 3, 9-15. 20
o kaya Mga Gawa 1, 12-14
Salmo 87, 1-2. 3. at 5, 6-7.
o kaya Judith 13:18bkde. 19

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

o kaya

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

Juan 19, 25-34

Memorial of the Blessed Virgin Mary, Mother of the Church (White)

UNANG PAGBASA
Genesis 3, 9-15. 20

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Pagkakain ni Adan sa bunga ng puno, tinawag siya ng Panginoon at tinanong,
“Saan ka naroon?”
“Natakot po ako nang marinig ko kayong nasa hardin; nagtago po ako sapagkat ako’y hubad,” tugon ng lalaki.
“Sinong may sabi sa iyong hubad ka?” tanong ng Diyos. “Bakit kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?”
“Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin,” tugon ng lalaki.
“Bakit mo naman ginawa iyon?” tanong ng Diyos sa babae.
“Mangyari po’y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain,” tugon naman niya.
At sinabi ng Panginoon sa ahas:
“Sa iyong ginawa’y may parusang dapat,
na tanging ikaw lang yaong magdaranas;
ikaw ay gagapang, ang hatol kong gawad,
at alikabok ang pagkaing dapat.
Kayo ng babae’y laging mag-aaway, binhi mo’t binhi niya’y laging maglalaban.
Ito ang dudurog ng ulo mong iyan, at ang sakong niya’y ikaw ang tutuklaw.”
Eva ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat ito ang ina ng sangkatauhan.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Mga Gawa 1, 12-14

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Pagkaakyat ni Hesus sa langit, ang mga apostol ay nagbalik sa Jerusalem buhat sa Bundok ng mga Olibo, na halos isang kilometro ang layo. Ang mga ito’y sina Pedro, Juan, Santiago, Andres, Felipe, Tomas, Bartolome, Mateo, Santiago na anak ni Alfeo, si Simon, ang Makabayan, at si Judas na anak ni Santiago. Pagdating sa kanilang tinutuluyan sa lungsod, nagtuloy sila sa silid sa itaas. Lagi silang nagsasama-sama sa pananalangin, kasama ang mga babae at si Mariang ina ni Hesus, gayun din ang mga kapatid ni Hesus.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 87, 1-2. 3. at 5, 6-7.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Sa Bundok ng Sion,
itinayo ng Diyos ang banal na lungsod,
ang lungsod na ito’y higit niyang mahal
sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Kaya’t iyong dinggin ang ulat sa iyong mabubuting bagay,
O lungsod ng Diyos.
At tungkol sa Sion, yaong sasabihin’y,
“Ang lahat ng bansa ay masasakupan,
siya’y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.”

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Ang Poon ay gagawa,
ng isang talaan ng lahat ng taong doo’y mamamayan,
ang lahat ng ito ay magsisiawit at pawang sasayaw.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

o kaya:
Judith 13:18bkde. 19

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

Anak, sumasaiyo ang pagpapala ng Diyos na Kataas-taasan.
Higit kang pinagpala kaysa lahat ng babae sa lupa.
Purihin ang Panginoon, ang Diyos na lumalang sa langit at lupa.

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

Ang pananalig sa Diyos na nag-udyok sa iyo
ay hindi na mapaparam sa isip ng mga tao
habang ginugunita nila ang kapangyarihan ng Diyos.

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

ALELUYA

Aleluya, Aleluya!
Birheng Mariang mapalad,
dapat magpuri ang lahat
sa iyo at sa ‘yong Anak.
Aleluya, Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 19, 25-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!” May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, “Naganap na!” Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

Noo’y Araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga sapagkat dakila raw ang araw ng Pamamahingang ito. Kaya’t hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga binti ng mga ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Hesus. Ngunit pagdating nila kay Hesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Hesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan

Manalangin tayo na matularan natin ang halimbawa ni Maria, nang may mababang-loob, puno ng pananampalataya, at laging handang tumupad sa kalooban ng Panginoon. Sa ating bawat panalangin, ang ating itutugon:

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Bilang Bayan ng Diyos, tayo nawa’y sumulong sa ating paglalakbay sa pananampalataya sa ilalim ng paggabay at pagtuturo ng ating kaparian. Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga pinuno ng ating pamahalaan nawa’y gumawa ng lahat ng paraan upang maitaguyod ang kapayapaan at pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang mga pamilya at pamayanan nawa’y magpahayag ng pasasalamat para sa mga biyayang tinatanggap ng bawat isa at ng lahat. Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Tulad ni Maria, tayo, nawa’y magsikap tayong mag-abot ng tulong sa ating kapwang labis na nangangailangan nito. Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang ating mga yumaong mahal sa buhay nawa’y makaranas ng kaligayahan sa piling ng Panginoon sa kanyang Kaharian. Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Diyos na aming Ama, ipinadarama mo ang iyong pananatili sa aming piling sa kabutihang-loob ng aming mga kapatid. Patuloy nawa naming ipahayag ang iyong pag-ibig sa pamamagitan ng buhay na nauukol sa paglilingkod. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 12,692 total views

 12,692 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 27,336 total views

 27,336 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 41,638 total views

 41,638 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 58,348 total views

 58,348 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,287 total views

 104,287 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Watch Live

RELATED READINGS

Sabado, Hunyo 21, 2025

 1,556 total views

 1,556 total views Paggunita kay San Luis Gonzaga, namanata sa Diyos 2 Corinto 12, 1-10 Salmo 33, 8-9. 10-11. 12-13 Magsumikap tayong kamtin ang Panginoong butihin.

Read More »

Biyernes, Hunyo 20, 2025

 2,476 total views

 2,476 total views Biyernes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 2 Corinto 11, 18. 21b-30 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat

Read More »

Huwebes, Hunyo 19, 2025

 4,788 total views

 4,788 total views Huwebes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Romualdo, abad 2 Corinto 11, 1-11 Salmo 110, 1-2. 3-4. 7-8

Read More »

Miyerkules, Hunyo 18, 2025

 2,089 total views

 2,089 total views Miyerkules ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 2 Corinto 9, 6-11 Salmo 111, 1-2. 3-4. 9 Mapalad s’ya na may takot sa

Read More »

Martes, Hunyo 17, 2025

 5,196 total views

 5,196 total views Martes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 2 Corinto 8, 1-9 Salmo 145, 2. 5-6. 7. 8-9a. Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang

Read More »

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 16,326 total views

 16,326 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Scroll to Top