HUWEBES, HUNYO 8, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,146 total reads

Huwebes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Tobit 6, 10-11; 7, 1. 8b-17; 8, 4-9a
Salmo 127, 1-2. 3. 4-5

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

Marcos 12, 28b-34

Thursday of the Ninth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Tobit 6, 10-11; 7, 1. 8b-17; 8, 4-9a

Pagbasa mula sa aklat ni Tobit

Noong mga araw na iyon, pagkatapos nilang pumasok sa Media, sinabi ni Rafael sa kasama, “Kapatid na Tobias!” “Ano iyon?” tugon naman nito. Patuloy na nagsalita si Rafael, “Mamayang gabi, doon tayo matutulog kina Raquel na kamag-anak mo. May anak siyang dalaga na ang ngala’y Sara. Siya’y bugtong na anak at imumungkahi kong siya’y ipakasal sa iyo. Ikaw ang may karapatang mapangasawa niya sapagkat ikaw ang pinakamalapit na kamag-anak. Ikaw rin ang may karapatang magmana ng lahat ng kayamanan ng kanyang ama.”

Matapas mag-usap, lumakad na sina Tobias at Rafael. Pagpasok nila sa Ecbatana, sinabi ni Tobias, “Kaibigan, samahan mo na ako sa kamag-anak kong si Raquel.” Nagtuloy nga ang dalawa at naratnan nila si Raquel, sa may pintuan ng bakuran niya. Una silang bumati at nagbigay-galang. Tinugon naman sila agad ni Raguel at ang wika: “Maligayang pagdating, mga kapatid; tumuloy kayo!” Dinala agad ni Raquel ang dalawa sa bahay.

Matapos ang kanilang pagkikilala’t pagkukumustahan, nagpapatay si Raquel ng barakong tupa mula sa kanyang kawan at naghanda ng isang salu-salo. Bago kumain, samantalang sina Tobias at Rafael ay naliligo, sinabi ni Tobias sa kanyang kasama, “Kapatid na Azarias, hingin mo na kay Raquel ang kamay ni Sara para sa akin.”

Ang usapan nila’y narinig ni Raguel, kaya’t sinabi niya kay Tobias, “Kumain ka at uminom. Magsaya ka ngayong gabi, sapagkat ikaw na ang mapapangasawa ni Sara. Wala akong karapatang ibigay siya sa iba sapagkat ikaw ang pinakamalapit kong kamag-anak. Subalit may ipagtatapat ako sa iyo. Si Sara ay naipakasal ko na sa pitong lalaki na mga kamag-anak din, ngunit bawat isa’y namatay nang sila’y magsisiping. Ang paniwala ko’y hindi mangyayari sa iyo ang gayon; iingatan ka ng Panginoon. Kaya kumain ka, uminom at pumanatag.” Sumagot si Tobias, “Hindi po ako kakain at iinom hangga’t hindi ko nakakamtan si Sara.”

“Mangyayari ang nais mo,” tugon ni Raquel. “Ayon sa Kautusan ni Moises, si Sara ay asawa mo na. Iyan ang kapasiyahan sa langit! Kaya kunin mo siya, at mula ngayon, ikaw ay kanya at siya naman ay iyo magpakailanman! Nawa’y pagpalain kayo ng Panginoon ngayong gabi. Kahabagan nawa kayo at bigyan ng kapayapaan.” Pagkatapos, tinawag ni Raquel si Sara at ibinigay kay Tobias. Sinabi niya, “Tobias, ayon sa Kautusan ni Moises, si Sara ay asawa mo na. Tanggapin mo siya, ingatan, at iharap mo sa iyong ama. Pagkalooban nawa kayo ng Diyos sa kalangitan ng lubos na kasiyahan.” Tinawag ni Raquel ang asawa niya at humingi ng isang balumbon na pagsusulatan ng kasunduan ng kasal. Ang kasulata’y magpapatunay na ibinigay na niya si Sara kay Tobias bilang asawa ayon sa Kautusan ni Moises. Nagdala nga ng balumbon ang matandang babae. Matapos ihanda ang lahat, lumagda ang bawat kinauukulan.

Natapos ang kasal at sila’y nagkainan.

Nang mapag-isa na ang mag-asawa, bumangon si Tobias at sinabi sa asawa, “Bumangon ka, mahal ko, at manalangin tayo. Dumalangin tayo sa Panginoon na tayo’y kahabagan at ingatan.” Bumangon nga si Sara, at nanalangin si Tobias:

“Kapuri-puri ka at dapat pasalamatan,
Diyos na sinasamba ng aming mga magulang,
kapuri-puri nga ang iyong pangalan,
dakila at banal magpakailanman.
Ikaw ay pinupuri ng sangkatauhan,
ipinagbubunyi ng tanang kinapal.
Si Adan ay tao na iyong nilikha,
asawa n’yang Eva ikaw ang gumawa
at ibinigay mong katuwang sa paggawa;
ang sangkatauha’y sa kanila nagmula.
‘Di dapat mag-isa ang tao,’ ‘yong wika,
“Gawin nati’y katuwang na kanyang kamukha.”
Ang pag-aasawang pinasok ko ngayo’y
di udyok ng nasa, Diyos na Panginoon,
tunay na matapat aking nilalayon,
itong aming buhay nawa’y magkaroon
ng awa mo’t lakas sa habang panahon,
nang hanggang pagtanda kami’y magkatulong.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 127, 1-2. 3. 4-5

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

Mapalad ang bawat tao na sa Diyos ay may takot,
ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan,
ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na mabunga.
Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya.

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

Ang sinuman kung ang Diyos buong pusong susundin,
buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin,
at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem.

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 12, 28b-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, isa sa mga eskriba ay lumapit kay Hesus at nagtanong, “Alin pong utos ang pinakamahalaga?” Sumagot si Hesus, “Ito ang pinakamahalagang utos, ‘Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos – siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas,’ Ito naman ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.” “Tama po, Guro!” wika ng eskriba. “Totoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya. At ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip, at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng kanyang sarili ay higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang mga hain.” Nakita ni Hesus na matalino ang kanyang sagot, kaya’t sinabi niya, “Malapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos.” At wala nang nangahas magtanong kay Hesus mula noon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Sa ating mga panalangin ngayon, maipakita nawa natin ang ating pag-ibig sa Diyos nang buong puso, kaluluwa, isip, at lakas at ang ating pag-ibig sa kapwa tulad ng paggalang at pagpipitagan natin sa ating mga sarili.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, punuin mo kami ng iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y hindi tumigil sa pagpapahayag na nasa puso ng Ebanghelyo ang pag-ibig sa Diyos at ang pag-ibig sa kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga tinanggalan ng karapatan, mga itinataboy, at mga walang nagmamahal nawa’y hindi natin makaligtaang ipadama ang ating habag sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y makitungo sa ating kapwa nang may kabutihang-loob at paggalang, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng higit na malalim na pagkalinga sa mga maysakit at mga matatanda sa pamamagitan ng banayad na paghaplos ng Espiritu Santo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y dalhin ni Kristo sa kanyang walang hanggang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, maging karapat-dapat nawa kami sa iyong pagtawag. Bigyan mo kami ng biyaya na maisabuhay ang iyong batas ng pag-ibig sa salita at gawa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

PAGLALAKBAY SA DAAN NG KAPAYAPAAN

 741 total reads

Ang kapayapaan ay hindi kawalan ng problema, kundi ang kakayahang manatiling panatag sa kabila ng mga unos ng buhay. Nagsisimula ito sa pagtanggap, pagpapatawad, at pagtitiwala sa Diyos sa mga bagay na hindi natin kayang baguhin. Sapagkat hindi man laging tahimik ang ating paligid, maaari pa ring magkaroon ng katahimikan ang ating puso kapag ipinauubaya natin sa Kanya ang ating mga pangamba. At sa kapayapaang ating natatagpuan, nawa’y maging daan din tayo upang mapanatag ang puso ng iba.

OUTSMARTED

 1,087 total reads

Gospel Reading for November 06, 2026 – Luke 16: 1-8

OUTSMARTED

Jesus said to his disciples, “A rich man had a steward who was reported to him for squandering his property. He summoned him and said, ‘What is this I hear about you?Prepare a full account of your stewardship, because you can no longer be my steward.’ The steward said to himself, ‘What shall I do, now that my master is taking the position of steward away from me? I am not strong enough to dig and I am ashamed to beg. I know what I shall do so that, when I am removed from the stewardship, they may welcome me into their homes.’ He called in his master’s debtors one by one. To the first he said, ‘How much do you owe my master?’ He replied, ‘One hundred measures of olive oil.’ He said to him, ‘Here is your promissory note. Sit down and quickly write one for fifty.’ Then to another he said, ‘And you, how much do you owe?’ He replied, ‘One hundred measures of wheat.’ He said to him, ‘Here is your promissory note; write one for eighty.’ And the master commended that dishonest steward for acting prudently. For the children of this world are more prudent in dealing with their own generation than the children of light.”

————

Satan is as sly as sly can be. He teaches those who allow him to influence them the wily ways that can often outsmart even those who are good.

Although Jesus teaches us to forgive those who wrong us, he never taught us that the wrong they do should be tolerated. Otherwise, he would not have used such strong words against the scribes, Pharisees, and chief priests. Neither would he have driven out the merchants and money changers from the Temple.

Let us also not make the mistake of thinking that because the master in the parable commended the dishonest steward, Jesus was commending his dishonesty, too. Rather, Jesus was pointing out the steward’s shrewdness and resourcefulness. He was teaching us that Christians, who are children of the light, should be just as wise and resourceful in pursuing what is good and in building God’s Kingdom. We should never allow ourselves to be OUTSMARTED by the evil one.

“Be alert and of sober mind. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour.” (1 Peter 5:8)

Sometimes, even the children of light who are supposed to expose evil become deceived because they grow complacent, thinking that being children of God makes them safe from the influence of the evil one. This is precisely why we must remain vigilant. No one is beyond temptation, even Jesus, the Son of God that he is, was tempted by Satan in the desert. No one should ever consider him/herself immune to sin. The moment we believe we are no longer vulnerable to evil may be the moment we become most vulnerable to it.

So, when the evil one tries to influence our minds by making us believe that doing things contrary to the teachings of Jesus is justifiable, we must remain alert and clear-minded. The devil will never lead us toward what is good because his purpose is to lead us away from God and destroy what God has created.

Lord Jesus, may your Spirit always grant us the wisdom and strength to make the right decisions in our daily lives. Amen.

NADALÂ NA

 6,598 total reads

There is a Filipino expression that is difficult to translate into English: Nadalâ na. Perhaps the closest equivalent is, “We’ve learned our lesson.” Or, more emphatically, “Enough is enough.”
I wonder if this is part of what the American electorate is saying through the recent midterm elections, which have returned control of both the Senate and the House of Representatives to the Democrats.

I do not think we should interpret the results simply as a victory of one political party over another. They may also represent a sobering moment of awakening for many Americans, including those who sincerely believed that Donald Trump offered a more decisive solution to their country’s problems.

We Filipinos should understand this very well. We have gone through a similar experience ourselves.

There is something very seductive about leaders who promise quick solutions to complicated problems. Leaders who project strength, speak with absolute certainty, divide the world into friends and enemies, and suggest that laws and institutions are merely obstacles to getting things done.

The message is familiar: Trust me. Give me the power. I will fix everything.

Even religious people can be drawn into this narrative, especially when political differences are presented as a battle between good and evil.

But democracy was never meant to depend on the goodness, wisdom, or strength of one individual. It depends on institutions that can hold even the most powerful leaders accountable.

Pope Leo XIV, in his encyclical Magnifica Humanitas, warns against the dangerous tendency to reduce complex realities to simplistic categories: “me first,” “friend or foe,” “us or them.” He also cautions against a world in which the rule of law gives way to the mentality that “might makes right.”

Perhaps this is an important lesson not only for Americans but also for Europeans and for other societies increasingly attracted to authoritarian forms of populism.

I sincerely hope that the recent American elections will also open a path toward reconciliation. Republicans and Democrats are not enemies. They are fellow citizens of one nation, with different convictions perhaps, but with a shared responsibility for their country’s future. Neither side has a monopoly on patriotism or moral goodness.

And what about us Filipinos? Siguro naman, dalang-dalâ na rin tayo. Dalang-dalâ na tayo sa korapsyon. Sa mga politikong puro pangako. Sa political dynasties at patronage politics. Sa mga lider na ang tingin sa kapangyarihan ay personal na pribilehiyo sa halip na pananagutan.

Dalang-dalâ na rin tayo sa karahasan, sa mga patayang walang paglilitis, at sa pagwawalang-bahala sa karapatang pantao at sa batas.

Ayaw na nating maulit ang mga ito.

But learning our lesson should not mean merely replacing one set of political personalities with another. It should mean strengthening our democratic institutions, protecting the independence of the judiciary, ensuring transparency in the use of public funds, upholding checks and balances, and enabling ordinary citizens to participate meaningfully in governance.

We do not need a perfect government. We need a government that can be questioned, corrected, and held accountable. We need leaders who understand that no one is above the law.

And we need citizens who will not surrender their conscience and critical judgment to political personalities, however charismatic or popular they may be.

Perhaps the most hopeful thing about democracy is that it allows people to recognize their mistakes and change direction without resorting to violence.

That is not a sign of weakness. It is a sign of political maturity.

Sa atin, kapag parang di tayo natututo sa pagkakamali, minsan mapagsasabihan tayo: “Wala ka bang kadala-dalâ?” Or as today’s Pinoy millennials put it, “Wala ka ring dalâ, ano?”
I hope we can finally answer: “Nadalâ na. Tama na ang minsan o makalawang pagkabudol. Ayaw na naming maulit muli.”

Because the real measure of our political awakening is not whom we reject, but what kind of nation we are determined to build together.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 55,095 total reads

 55,095 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 141,591 total reads

 141,591 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 184,628 total reads

 184,628 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 234,387 total reads

 234,387 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,995 total reads

 392,995 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 9,621 total reads

 9,621 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 12,143 total reads

 12,143 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 14,228 total reads

 14,228 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 12,747 total reads

 12,747 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 13,846 total reads

 13,846 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top