HUWEBES, MARSO 23, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,824 total views

Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Exodo 32, 7-14
Salmo 105, 19-20. 21-22. 23

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Juan 5, 31-47

Thursday of the Fourth Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Exodo 32, 7-14

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Balikan mo ngayon din ang mga Israelitang inialis mo sa Egipto, naroon at nagpapakasama. Tinalikdan nila agad ang mga utos ko. Gumawa sila ng guyang ginto. Iyon ang sinasamba nila ngayon at hinahandugan. Ang sabi nila’y iyon ang diyos na nag-alis sa kanila sa Egipto. Kilala ko ang mga taong iyan at alam kong matigas ang kanilang ulo. Kung gusto mo, lilipulin ko sila at sa iyo ko pagmumulain ang isang malaking bansa.”

Nagsumamo si Moises sa Panginoon, “Huwag po! Huwag ninyong lilipulin ang mga taong inialis ninyo sa Egipto sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. Kapag nilipol ninyo sila, masasabi ng mga Egipcio na ang mga Israelita’y inialis ninyo sa Egipto upang lipulin sa kabundukan. Huwag na po kayong magalit sa kanila at huwag na ninyong ituloy ang inyong balak laban sa kanila. Alalahanin ninyo ang mga lingkod ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob. Ipinangako ninyo sa kanila na ang lahi nila’y pararamihin tulad ng mga bituin sa langit at magiging kanila habang panahon ang lupaing ipinangako ninyo.” Hindi nga itinuloy ng Panginoon ang balak na paglipol sa mga Israelita.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 105, 19-20. 21-22. 23

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Sa may Bundok ng Horeb, doon ay naghugis niyong gintong baka,
matapos mahugis ang ginawa nila’y kanilang sinamba.
Ang dakilang Diyos ay ipinagpalit sa diyos na nilikha,
sa diyos na baka na ang kinakain ay damong sariwa.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Kanilang nilimot ang Panginoong Diyos, ang Tagapagligtas,
na yaong ginawa doon sa Egipto’y kagila-gilalas.
Sa lupaing iyon ang ginawa niya’y tunay na himala.
Sa Dagat na Tambo yaong nasaksihan ay kahanga-hanga.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Ang pasiya ng Diyos sa ginawa nila’y lipulin pagdaka,
agad na dumulog sa Poon, si Moises namagitan siya,
at hindi natuloy yaong kapasiyahan na lipulin sila.

Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Juan 3, 16

Pag-ibig sa sanlibutan
ng D’yos ay gayun na lamang,
kanyang Anak ibinigay
upang mabuhay kailanman
ang nananalig na tunay.

MABUTING BALITA
Juan 5, 31-47

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Kung ako lamang ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, huwag ninyong tanggapin, ngunit may ibang nagpapatotoo tungkol sa akin, at totoo ang kanyang sinasabi. Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan. Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para maligtas kayo. Si Juan ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag. Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa patotoo ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya. At ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin. Kailanma’y hindi ninyo narinig ang kanyang tinig, at nakita ang kanyang anyo. Walang pitak sa inyong puso ang kanyang salita, sapagkat hindi kayo nananalig sa akin na sinugo niya. Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan, sa paniwalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga ito ang nagpapatotoo tungkol sa akin, ngunit ayaw naman ninyong lumapit sa akin upang kayo’y magkaroon ng buhay.

“Hindi ako naghahangad ng parangal ng mga tao. Ngunit kilala ko kayo; alam kong wala kayong pag-ibig sa Diyos. Naparito ako sa ngalan ng aking Ama, at ayaw ninyo akong tanggapin. Kung may ibang pumarito sa kanyang sariling pangalan, siya’y inyong tatanggapin. Ang hinahangad ninyo’y ang parangal ng isa’t isa, at hindi ang parangal na nanggagaling sa iisang Diyos; paano kayong makapaniniwala? Huwag ninyong isiping ako ang magsasakdal sa Ama laban sa inyo; si Moises na inaasahan ninyo ang siyang maghaharap ng sakdal laban sa inyo. Kung talagang pinaniniwalaan ninyo si Moises, ako’y paniniwalaan din sana ninyo, sapagkat sumulat siya tungkol sa akin. Ngunit kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang mga sulat niya, paano ninyong paniniwalaan ang mga sinasabi ko?”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Huwebes

Madalas ay lumilihis tayo sa daan ng Panginoon. Humingi tayo sa kanya ng lakas upang makapamuhay tayo nang may pananampalataya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, lunasan Mo ang aming kawalan ng pananampalataya.

Ang mga Kristiyano sa lahat ng dako nawa’y manalangin nang higit na mataimtim sa panahong ito ng Kuwaresma, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga walang pananampalataya nawa’y makinig sa Salita ng Diyos upang sila ay maligtas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kasalukuyang kaguluhan sa Simbahan nawa’y malutas sa paglago ng pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mahihirap, maysakit, at mga may kapansanan nawa’y madama ang presensya ng Diyos sa kanilang buhay sa pagtataguyod ng kanilang mga pamilya at kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makarating sa kanilang walang hanggang tahanan sa tulong ng ating mga panalangin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, turuan mo kami sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang hayagan naming aminin ang aming pananampalataya sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Catastrophic Diseases

 67,761 total views

 67,761 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »

Arkitektura at Kultura

 82,192 total views

 82,192 total views Ang arkitektura at kultura, kapanalig, ay parang mga hibla ng tela – nakahabi, magkaugnay, at bumubuo ng napakagandang masterpiece o obra. Dito nakikita natin ating pagkakakilanlan o identity at kasaysayan. Ipinakikita nito ang iba ibang yugto ng ating buhay. Halimbawa na lamang, kapanalig, ay ang bahay kubo. Isang tingin lamang, alam mo na

Read More »

Urbanisasyon at Kaunlaran

 98,066 total views

 98,066 total views Ang urbanisasyon ay isa sa mga palatandaan na ang isang lugar o bansa ay umuunlad na. Sa mga urban areas, mabilis umuusbong ang mga negosyo, imprastraktura, pati tao. Sa bilis, ang mga resources minsan, hindi na makahabol. Kapanalig, pagdating sa urbanisasyon at sa pangarap nating kaunlaran, napakahalaga ng balanse at inobasyon. Balanse upang

Read More »

Suporta para sa mga pangalawang magulang

 118,021 total views

 118,021 total views Mga Kapanalig, ang paaralan, bilang pangalawang tahanan ng mga kabataan, ay lugar kung saan mabubuo ang kanilang mga kakayahan, kaalaman, at paniniwalang dadalhin nila sa kanilang pagtanda. Dahil dito, malaki ang tungkuling hawak ng mga guro bilang mga “pangalawang magulang” ng mga estudyante. Usap-usapan kamakailan ang isang public school teacher na nagalit sa

Read More »

Kanselado na ang PAREx!

 122,114 total views

 122,114 total views Mga Kapanalig, hindi na itutuloy ng San Miguel Corporation ang plano nitong pagtatayo ng Pasig River Expressway (o PAREx). Ang PAREx ay isang expressway project na ilalagay sa ibabaw mismo ng Pasig River mula R-10 sa Maynila hanggang sa iminumungkahing South East Metro Manila Expressway sa C-6 sa Taguig. May haba itong 19.4

Read More »

Watch Live

Related Story

LUNES, ABRIL 15, 2024

 361 total views

 361 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Juan 6, 22-29 Monday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 6, 8-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

LINGGO, ABRIL 14, 2024

 1,174 total views

 1,174 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 3, 13-15. 17-19 Salmo 4, 2. 4. 7. 9 Poon, sa ‘mi’y pasikatin liwanag sa iyong piling. 1 Juan 2, 1-5a Lucas 24, 35-48 Third Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 3, 13-15. 17-19 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Read More »

SABADO, ABRIL 13, 2024

 2,033 total views

 2,033 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Martin I, papa at martir Mga Gawa 6, 1-7 Salmo 32, 1-2. 4-5. 18-19 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hiling. Juan 6, 16-21 Saturday of the Second Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Martin I, Pope and

Read More »

BIYERNES, ABRIL 12, 2024

 2,813 total views

 2,813 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y makapiling. Juan 6, 1-15 Friday of the Second Week of Easter (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 34-42 Pagbasa mula

Read More »

HUWEBES, ABRIL 11, 2024

 3,772 total views

 3,772 total views Paggunita kay San Estanislao, Obispo at Martir Mga Gawa 5, 27-33 Salmo 33, 2 at 9. 17-18. 19-20 Dukhang sa D’yos tumatawag ay kanyang inililigtas. Juan 3, 31-36 Memorial of St. Stanislaus, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 27-33

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 10, 2024

 4,376 total views

 4,376 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Dukhang sa D’yos tumatawag ay kanyang inililigtas. Juan 3, 16-21 Wednesday of the Second Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 17-26 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

MARTES, ABRIL 9, 2024

 4,633 total views

 4,633 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Juan 3, 7b-15 Tuesday of the Second Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 4, 32-37 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol Nagkaisa ang damdami’t isipan ng

Read More »

LUNES, ABRIL 8, 2024

 5,139 total views

 5,139 total views Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa Panginoon Isaias 7, 10-14; 8, 10 Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 11 Handa akong naririto upang sundin ang loob mo. Hebreo 10, 4-10 Lucas 1, 26-38 Solemnity of the Annunciation of the Lord (White) UNANG PAGBASA Isaias 7, 10-14; 8, 10 Pagbasa mula sa aklat

Read More »

LINGGO, ABRIL 7, 2024

 5,023 total views

 5,023 total views Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Linggo ng Dakilang Awa ng Diyos o Banal na Awa Mga Gawa 4, 32-35 Salmo 117, 2-4. 16ab-18. 22-24 Butihing Poo’y purihin, pag-ibig n’ya’y walang maliw. 1 Juan 5, 1-6 Juan 20, 19-31 Second Sunday of Easter (White) Divine Mercy Sunday UNANG PAGBASA Mga Gawa 4,

Read More »

SABADO, ABRIL 6, 2024

 4,403 total views

 4,403 total views Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 13-21 Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21 Pinupuri kita, D’yos ko, pagkat ako’y dininig mo. Marcos 16, 9-15 Saturday within the Octave of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 4, 13-21 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Read More »

BIYERNES, ABRIL 5, 2024

 3,762 total views

 3,762 total views Biyernes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 1-12 Salmo 117, 1-2 at 4. 22-24. 25-27a Batong dating tinanggiha’y siya pang naging saligan. Juan 21, 1-14 Friday within the Octave of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 4, 1-12 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong

Read More »

HUWEBES, ABRIL 4, 2024

 3,202 total views

 3,202 total views Huwebes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 11-26 Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9 Maningning ang iyong ngalan, Poon, sa sangkalupaan. Lucas 24, 35-48 Thursday within the Octave of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 3, 11-26 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 3, 2024

 2,454 total views

 2,454 total views Miyerkules sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 1-10 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 D’yos ay dapat parangalan ng banal n’yang sambayanan. Lucas 24, 13-35 Wednesday within the Octave of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 3, 1-10 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Minsan,

Read More »

MARTES, ABRIL 2, 2024

 2,166 total views

 2,166 total views Martes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 36-41 Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22 Awa’t pag-ibig ng Diyos sa sangkalupaa’y lubos. Juan 20, 11-18 Tuesday within the Octave of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 2, 36-41 Pagbasa mula sa mga Gawa ng Mga Apostol Noong

Read More »

LUNES, ABRIL 1, 2024

 2,163 total views

 2,163 total views Lunes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 14. 22-33 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11 D’yos ko, ang aking dalangi’y ako’y iyong tangkilikin. Mateo 28, 8-15 Monday within the Octave of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 2, 14. 22-33 Pagbasa mula sa Mga Gawa

Read More »
Scroll to Top