HUWEBES, MARSO 7, 2024

SHARE THE TRUTH

 11,766 total reads

Huwebes sa Ika-3 Linggo
ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Jeremias 7, 23-28
Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

Lucas 11, 14-23

Thursday of the Third Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Jeremias 7, 23-28

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Sinasabi ng Panginoon: “Inutusan ko ang mga tao na sumunod sa akin upang sila’y maging aking bayan at ako naman ang Diyos nila. Sinabi kong mamuhay sila ayon sa ipinag-uutos ko, at sila’y mapapanuto. Ngunit hindi sila tumalima; ayaw nilang makinig sa akin. Sa halip, ginawa nila ang balang maibigan at lubusang nagpakasama, sa halip na magpakabuti. Mula nang lumabas sa Egipto ang inyong mga ninuno hanggang sa araw na ito, patuloy akong nagsugo ng aking mga alipin, ang mga propeta. Subalit hindi ninyo sila pinakinggan ni pinahalagahan. Nagmatigas kayo at masahol pa ang ginawa ninyo kaysa ginawa ng inyong mga ninuno.

“Jeremias, sasabihin mo ang lahat ng ito sa kanila subalit hindi sila makikinig sa iyo. Tatawagin mo sila ngunit hindi ka nila papansinin. Kaya ganito ang sabihin mo sa kanila: ‘Narito ang bansang ayaw makinig sa tinig ng Panginoon na kanilang Diyos, at ayaw ituwid ang kanilang landas. Naglaho na sa kanila ang katotohanan at di man lamang nababanggit.’”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

Tayo ay lumapit
sa ‘ting Panginoon, siya ay awitan,
ating papurihan
ang batong kublihan nati’t kalakasan.
Tayo ay lumapit,
sa kanyang harapan na may pasalamat,
siya ay purihin,
ng mga awiting may tuwa at galak.

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

Tayo ay lumapit,
sa kanya’y sumamba at magbigay-galang,
lumuhod sa harap nitong Panginoong sa ati’y lumalang.
Siya ang ating Diyos,
tayo ay kalinga niyang mga hirang,
mga tupa tayong inaalagaan.

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

Ang kanyang salita ay ating pakinggan:
“Iyang inyong puso’y
huwag patigasin, tulad ng ginawa
ng inyong magulang
nang nasa Meriba, sa ilang ng Masa.
Ako ay tinukso’t
doon ay sinubok ng inyong magulang,
bagamat nakita
ang aking ginawang sila’ng nakinabang.”

Panginoo’y inyong dinggin,
huwag n’yo s’yang salungatin.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Joel 2, 12-13

Magsisi tayong mataos,
halinang magbalik-loob
sa mapagpatawad na D’yos;
sa kanya tayo’y dumulog
at manunumbalik na lubos.

MABUTING BALITA
Lucas 11, 14-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pinalayas ni Hesus ang isang demonyong sanhi ng pagkapipi ng isang lalaki, at ito’y nakapagsalita na mula noon. Nanggilalas ang mga tao, ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, “Si Beelzebul na prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.” May iba namang nais siyang subukin, kaya’t nagsabi, “Magpakita ka ng kababalaghang magpapakilala na ang Diyos ang sumasaiyo.” Ngunit batid ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinabi sa kanila, “Babagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat at mawawasak ang mga bahay roon. Kung maghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sapagkat binigyan ako ni Beelzebul ng kapangyarihang ito. Kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na makagawa ng gayun? Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali kayo. Ngayon, kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.

“Kapag ang isang taong malakas at nasasandatahan ay nagbabantay sa kanyang bahay, malayo sa panganib ang kanyang ari-arian. Ngunit kung salakayin siya at talunin ng isang taong higit na malakas, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi ang ari-ariang inagaw.

“Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at nagkakalat ang hindi tumutulong sa aking mag-ipon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Huwebes

Habang tayo ay natitipon kay Kristo na nangingibabaw sa lahat ng kasamaan, buong pagtitiwala tayong lumapit sa Ama taglay ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, gawin Mo kaming kaisa ng iyong anak.

Ang Simbahan nawa’y magpanibago at magpatotoo nang tapat sa mga dapat pahalagahan sa buhay at tumulong sa muling pagbubuo ng isang wasak na mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong mananampalataya nawa’y magkaroon ng tapang na mangaral sa ngalan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang buong pusong itaguyod ang pagtatanggol sa katotohanan at salungatin ang malikhaing pang-aakit ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y paginhawahin ng pag-ibig ng Diyos na kanilang nararanasan sa pangangalaga ng mga taong kumakalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y tanggapin sa kaganapan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming makapangyarihan, sa paghahandog namin ng mga panalangin, pinasasalamatan ka namin dahil sa iyong Anak na tumubos sa kasalanan at kamatayan, na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

IT IS NEVER TOO LATE.

 4,796 total reads

Gospel Reading for October 24, 2026 – Luke 13: 1-9

IT IS NEVER TOO LATE.

Some people told Jesus about the Galileans whose blood Pilate had mingled with the blood of their sacrifices. He said to them in reply, “Do you think that because these Galileans suffered in this way they were greater sinners than all other Galileans? By no means! But I tell you, if you do not repent, you will all perish as they did! Or those eighteen people who were killed when the tower at Siloam fell on them– do you think they were more guilty than everyone else who lived in Jerusalem? By no means! But I tell you, if you do not repent, you will all perish as they did!”

And he told them this parable: “There once was a person who had a fig tree planted in his orchard, and when he came in search of fruit on it but found none, he said to the gardener,‘For three years now I have come in search of fruit on this fig tree but have found none. So cut it down. Why should it exhaust the soil?’ He said to him in reply, ‘Sir, leave it for this year also, and I shall cultivate the ground around it and fertilize it; it may bear fruit in the future. If not you can cut it down.’”

————

As long as we live, no matter how old we have become, there is always hope. God always gives us chances and even the capability to change our ways according to how we are meant to be. Being made in his image and likeness, we are meant to project such image and likeness of being good, kind, compassionate, forgiving and everything that characterizes LOVE.

When we try to be what we are meant to be, some of us think we have to exert much effort, as if it is not worth the try. But it becomes this only when we got so used to being the opposite of who we are meant to be. Nevertheless, we need to cultivate and fertilize our lives through constant communication with God in prayer, the sacraments, and in doing charitable works.

The efforts, even if they be great, is worth more than our life on earth is, because it is what will bring us everlasting life with God.

IT IS NEVER TOO LATE.

Lord God, we thank you for always giving us the chance to attain eternal life with you. Amen.

MADALDAL KULANG SA GAWA

 39,675 total reads

Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling din ang kalihim sa pagbibigay ng tip sa mga VIP na nagtatago sa batas.

Dahil malimit magsalita sa media, iniisip ng maraming Pilipino na nagta-trabaho, masigasig., masipag sa trabaho si Remulla.

Di nga ba, ibinahagi nito sa media ang kanilang hakbang nahulihin ang nagtatagong wanted sa flood control projects scam na si Zaldy Co. Tuloy ni anino ng dating partylist representative hindi nakita ng tropa ni Remulla.

Hindi na nga mahagilap si Co sa abroad, kumana na naman si Remulla, alam daw niya ang kinaroroonan o lugar na pinagtataguan ng puganteng si Senador Ronald dela Rosa na wanted sa International Criminal Court at kapwa akusado ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity dahil sa madugong pagpapatupad ng war on drugs.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Remulla na tumanggap siya ng impormasyon dalawang buwan na ang nakalipas sa kinaroroonan ng pugante sa Mindanao. Si dela Rosa daw ay pino-protektahan ng hindi pinangalanang armadong grupo.

Eh bakit hindi ipahuli ni Remulla sa Philippine National Police na nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan si Bato dela Rosa?

Palusot ng kalihim kaya hindi nila mahuhuli ang dating PNP Chief, dadanak daw ang dugo kapag pilit nilang dinakip ang pugante, maari ding mamatay sa sagupaan ang 10,000 mamamayan.

Malakas at napakarami pala ang armadong protektor ni dela Rosa.

Dahil sa pangambang ito, minabuti ng DILG at mga otoridad na i-negotiate ang pagsuko sa Senador.

Kapanalig, bakit kinukonsenti at pinababayaan ng gobyerno na kanlungin si dela rosa ng isang private army? Dapat binubuwag ng pamahalaan ang isang armadong grupo na nagkakanlong sa isang wanted na opisyal.

Minsan nang nalansi at natakasan ni dela Rosa si Remulla sa Senado, hindi pa rin natututo ang kalihim ng DILG.

May standing arrest order kay dela Rosa ang ICC kaugnay madugong war on drugs ng dating pangulong Rodrigo Duterte kung saan tinatayang 12 libo hanggang 30-libo ang namatay at ang Senador ang implementor.

Bakit natatakot ang gobyerno sa mga armadong nagkakanlong kay dela Rosa? Harboring a criminal is crime.

Kapanalig, umaasa tayo na manaig ang peace negotiation sa pagsuko ni dela Rosa upang maiwasan ang madugong komprontasyon.

Sa John 28:36, sinabi ni Hesus kay Pilato “My kingdom is no part of this world. If my kingdom were part of this world, my attendants would have fought that I should not be delivered up to the Jews. But, as it is, my kingdom is not from this source.”

Sumainyo ang Katotohanan.

RENDERED USELESS

 5,787 total reads

Gospel Reading for October 23, 2026 – Luke 12: 54-59

RENDERED USELESS

Jesus said to the crowds, “When you see a cloud rising in the west you say immediately that it is going to rain–and so it does; and when you notice that the wind is blowing from the south you say that it is going to be hot–and so it is. You hypocrites! You know how to interpret the appearance of the earth and the sky; why do you not know how to interpret the present time? “Why do you not judge for yourselves what is right? If you are to go with your opponent before a magistrate, make an effort to settle the matter on the way; otherwise your opponent will turn you over to the judge, and the judge hand you over to the constable, and the constable throw you into prison. I say to you, you will not be released until you have paid the last penny.”

————

The scribes and Pharisees interpreted the Laws of God as they saw fit. Jesus described their behavior very well:

“Woe to you, teachers of the law and Pharisees, you hypocrites! You give a tenth of your spices—mint, dill and cumin. But you have neglected the more important matters of the law—justice, mercy and faithfulness. You should have practiced the latter, without neglecting the former” (Matthew 23:23).

“Woe to you, teachers of the law and Pharisees, you hypocrites! You shut the door of the kingdom of heaven in people’s faces. You yourselves do not enter, nor will you let those enter who are trying to” (Matthew 23:13).

“In the same way, on the outside you appear to people as righteous but on the inside you are full of hypocrisy and wickedness” (Matthew 23:28).

If all of us interpreted laws according to what we wanted or as we saw fit, there would surely be CHAOS, and the law would be RENDERED USELESS.

For Jesus, it is very important that the Law of God be interpreted according to the intent of the One who gave it. Otherwise, the Law of God would be RENDERED USELESS. Since the Law of God is meant to bring peace, order, and happiness into our lives by placing LOVE for God and neighbor above all else, it should not be interpreted otherwise.

Lord Jesus, teach us to love and follow your decrees, knowing that they are the guideposts that will lead us to eternal life. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 39,676 total reads

 39,676 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 125,229 total reads

 125,229 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 171,966 total reads

 171,966 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 219,838 total reads

 219,838 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 321,958 total reads

 321,958 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Oktubre 27, 2026

 489 total reads

 489 total reads Martes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 5, 21-33 Salmo 127, 1-2. 3, 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot

Read More »

Lunes, Oktubre 26, 2026

 2,388 total reads

 2,388 total reads Lunes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 4, 32 – 5, 8 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Lahat kayong

Read More »

Linggo, Oktubre 25, 2026

 4,952 total reads

 4,952 total reads Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Exodo 22, 20-26 Salmo 17, 2-3a 3bk-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. 1

Read More »

Sabado, Oktubre 24, 2026

 6,520 total reads

 6,520 total reads Sabado ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Claret, obispo o kaya Paggunita sa Mahal

Read More »

Biyernes, Oktubre 23, 2026

 7,485 total reads

 7,485 total reads Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Capistrano, pari Efeso 4, 1-6 Salmo 23, 1-2.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top