291 total views
Paggunita sa Dakilang Papa San Leon, pantas ng Simbahan
Filemon 7-20
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10
Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.
Lucas 17, 20-25
Memorial of St. Leo the Great, Pope and Doctor of the ChurchΒ (White)
Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
UNANG PAGBASA
Filemon 7-20
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon
Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig ay nagdulot sa akin ng malaking katuwaan at kaaliwan, sapagkat dahil sa iyo, sumigla ang kalooban ng mga banal.
Dahil kay Kristo, maaari kong sabihing dapat mong gawin ito; gayunman, pag-ibig ang nagbunsod sa akin upang makiusap sa iyo. Akong si Pablo, sugo ni Kristo Hesus at ngayoβy nakabilanggo dahil sa kanya, ang nakikiusap sa iyo tungkol kay Onesimo, na naakit ko sa pananampalataya samantalang akoβy naririto sa bilangguan. Dati, wala kang pakinabang sa kanya, ngunit ngayoβy malaking tulong siya sa ating dalawa.
Pinababalik ko siya sa iyo, at para ko nang ipinadala sa iyo ang aking puso. Ibig ko sanang panatilihin siya sa aking piling, upang, sa halip mo, siya ang maglingkod sa akin habang akoβy nabibilanggo dahil sa Mabuting Balita. Ngunit ayokong gawin iyon nang wala kang pahintulot upang hindi maging sapilitan kundi kusa ang pagtulong mo sa akin.
Marahil, nawalay sa iyo nang kaunting panahon si Onesimo upang sa pagbabalik niyaβy makasama mo siya habang panahon β hindi na bilang alipin kungi isang minamahal na kapatid. Mahal siya sa akin, ngunit lalo na sa iyo β hindi lamang bilang isang alipin kundi isang kapatid pa sa Panginoon!
Kayaβt kung inaari mo akong tunay na kasama, tanggapin mo siya tulad ng pagtanggap mo sa akin. Kung siya maβy nagkasala sa iyo o nagkautang kaya, sa akin mo singilin. Ako ang siyang sumusulat nito; Ako, si Pablo, ang magbabayad sa iyo. Hindi ko na ibig banggitin na utang mo sa akin ang iyong pagkakilala kay Kristo. Ipinakikiusap ko sa iyo, alang-alang sa Panginoon, pagbigyan mo ang aking kahilingan, dulutan mo ng kaligayahan ang puso ko bilang kapatid kay Kristo!
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10
Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.
o kaya:Β Aleluya.
Ang maaasahang lagiβy Panginoon,
panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.
Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.
Pinalaya niya ang mga nabihag;
isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapo ay itinataas,
ang mga hinirang niyaβy nililingap.
Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.
Isinasanggalang ang mga dayuhang
sa lupain nilaβy doon tumatahan;
tumutulong siya sa baloβt ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.
Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.
Walang hanggang Hari, ang Diyos na Panginoon!
Ang Diyos mo, Sion, ay mananatili sa lahat ng panahon!
Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.
ALELUYA
Juan 15, 5
Aleluya! Aleluya!
Akoβy puno, kayoβy sanga;
kapag ako ay kaisa,
kayoβy tβyak na mamumunga.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 17, 20-25
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, si Hesus ay tinanong ng mga Pariseo kung kailan itatatag ang kaharian ng Diyos. Sumagot siya, βAng pagsisimula ng paghahari ng Diyos ay walang makikitang palatandaan. At wala ring magsasabing nagsisimula na roon o rini. Sapagkat ang totooβy nagsimula nang maghari ang Diyos sa puso ng mga nananalig sa kanya.β
At sinabi niya sa mga alagad, βDarating ang panahong hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw ang Anak ng Tao, ngunit hindi ninyo makikita iyon. At may magsasabi sa inyo, βNaroon siya!β o, βNarini siya!β Huwag kayong pumunta upang siyaβy hanapin. Sapagkat pagsapit ng takdang araw, ang Anak ng Taoβy darating na parang kidlat. Ngunit kailangan munang magbata siya ng maraming hirap, at itakwil ng mga tao sa ngayon.β
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes
Manalangin tayo nang may ganap na pananalig sa Panginoon ng buhay na naghihintay sa atin sa dulong hangganan ng daan ng buhay.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sumaamin nawa ang iyong paghahari, Panginoon.
Ang Simbahan nawaβy palagiang ihanda ang mga tao sa pagtanggap kay Kristo sa kanyang pagbabalik, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa pagpapasyang kumilos para sa katarungan at kapayapaan, ang mga Kristiyano nawaβy pagbuklurin ang lahat ng tao nang sama-sama sa pananampalataya at pag-asa, at ihanda sila sa muling pagdating ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga trahedya, gawa man ng tao o ng kalikasan, nawaβy hindi magpaligalig o magpahina ng ating pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawaβy tanggapin si Jesus sa kanilang mga puso at makita siyang kasa-kasama nila sa kanilang dinaranas na mga pagsubok, manalangin tayo sa Panginoon.
Yaong mga yumao nawaβy mapalaya mula sa mga suliranin ng mundong ito at lumigaya sa walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, laging kang malapit sa amin. Alam mo ang aming mga pangangailangan, higit pa sa aming pagkabatid. Tulungan mo kaming maging mulat sa iyong presensya ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.