Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, NOBYEMBRE 17, 2022

SHARE THE TRUTH

 1,009 total views

Paggunita kay Santa Isabel ng Unggaria, namanata sa Diyos

Pahayag 5, 1-10
Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9a

Ginawa mo kaming pari,
isang maharlikang lipi.

Lucas 19, 41-44

Memorial of St. Elizabeth of Hungary, Religious (White)

Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Pahayag 5, 1-10

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Akong si Juan ay nakakita ng isang kasulatang nakalulon na hawak sa kanang kamay ng nakaluklok sa trono. May sulat ang magkabilang panig nito, at may pitong tatak. At nakita ko ang isang makapangyarihang anghel na nagpahayag nang malakas, “Sino ang karapat-dapat na sumira sa mga tatak at magbukas sa kasulatang nakalulon?” Ngunit walang nasumpungan sa langit, sa lupa o sa ilalim ng lupa, na makapagbubukas at makatitingin sa nilalaman niyon. Buong kapatian akong nanangis sapagkat walang natagpuang karapat-dapat. Kaya sinabi sa akin ng isa sa matatanda: “Huwag kang manangis. Tingnan mo! Ang leon mula sa lipi ni Juda, ang Anak ni David, ang siyang nagtagumpay at may karapatang sumira sa pitong tatak at magbukas sa kasulatang nakalulon.”

Pagkatapos, may nakita akong isang Kordero na nakatayo sa pagitan ng matatanda at ng tronong napaliligiran ng apat na nilalang na buhay. May mga bakas na nagpapakilalang pinatay na ang Kordero. Ito’y may pitong sungay at pitong mata na siyang pitong espiritu ng Diyos na ipinadala sa buong sanlibutan. Lumapit ang Kordero at kinuha ang kasulatang nakalulon sa kanang kamay ng nakaluklok sa trono. Nang ito’y kunin niya, nagpatirapa sa harapan ng Kordero ang apat na nilalang na buhay at ang dalawampu’t apat na matatanda. May hawak na alpa ang bawat isa, at may gintong mangkok na puno ng kamanyang. Ito ang panalangin ng mga banal. Inaawit nila ang bagong awit na ito:

“Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa kasulatang nakalulon
At sumira sa mga tatak niyon.
Sapagkat pinatay ka, at sa pamamagitan ng iyong kamatayan
Ay tinubos mo para sa Diyos ang mga tao, mula sa bawat lipi, wika, bayan at bansa.
Ginawa mo silang isang liping maharlika at mga saserdote para maglingkod sa ating Diyos;
At sila’y maghahari sa lupa.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9a

Ginawa mo kaming pari,
isang maharlikang lipi.

o kaya: Aleluya.

Ang Panginoo’y purihin, awitan ng bagong awit,
puruhin sa pagtitipon ng tapat sa pananalig.
Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha;
dahilan sa iyong hari, ikaw Sion ay matuwa.

Ginawa mo kaming pari,
isang maharlikang lipi.

Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan;
alpat’ tambol ay tugtugin at siya ay papurihan.
Panginoo’y nagagalak sa kanyang mga hirang.
Sa nangagpapakumbaba’y tagumpay ang ibibigay.

Ginawa mo kaming pari,
isang maharlikang lipi.

Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang,
sa kanilang pagpipista ay magsaya’t mag-awitan.
Sa pagpuri sa Panginoon, ay bayaang magsigawan.
Ang tatanggap ng tagumpay, ay ang kanyang mga hirang.

Ginawa mo kaming pari,
isang maharlikang lipi.

ALELUYA
Salmo 94, 8ab

Aleluya! Aleluya!
Dinggin ninyong lahat ngayon
ang tinig ng Panginoon
sa loob na mahinahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 19, 41-44

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nang malapit na si Hesus sa Jerusalem at matanaw niya ang lungsod, ito’y kanyang tinangisan. Sinabi niya, “Kung nalalaman mo lamang sa araw na ito kung ano ang makapagdudulot sa iyo ng kapayapaan! Ngunit lingid ito ngayon sa iyong paningin. Sapagkat darating ang mga araw na paliligiran ka ng kuta ng iyong mga kaaway, kukubkubin at gigipitin sa magkabi-kabila. Wawasakin ka nila, at lilipulin ang mga anak mo sa loob ng iyong muog. At ni isang bato’y wala silang iiwan sa ibabaw ng kapwa bato, sapagkat hindi mo pinansin ang pagdating ng Diyos upang iligtas ka.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Ipanalangin natin ang ating mga pangangailangan bilang bahagi ng ating paglalakbay ng pananampalataya, bilang pagsunod kay Kristo patungo sa walang hanggang Jerusalem, ang ipinangakong mamanahin natin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, madama nawa namin ang iyong presensya.

Ang Simbahan nawa’y maging buhay na sagisag at instrumento ng pagkakaisa at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang komunidad ng mga sumasampalataya, nawa’y hindi tayo magkahati-hati dahil lamang sa mga walang kwentang galit at hindi pinag-isipang paghusga, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang maiwasan ang gumawa ng mga dahilang umiwas sa ating pagtugon sa mga hamon ng pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kasawian sa buhay o pagkakasakit nawa’y hindi makasagabal sa ating pagnanais na sundan si Kristo maging sa pagpapakasakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga tapat na yumao sana’y maibigay ang walang hanggang kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, huwag nawa kaming umatras o mag-atubiling lumakad nang pasulong sa paglalakbay tungo sa iyong Kaharian. Palakasin nawa ng mga panalanging ito ang aming pananampalataya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 1,631 total views

 1,631 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 17,720 total views

 17,720 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 55,528 total views

 55,528 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 66,479 total views

 66,479 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Hulyo 13, 2025

 275 total views

 275 total views Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Deuteronomio 30, 10-14 Salmo 68, 14 at 17. 30-31. 33-34. 36ab at 37 Dumulog tayo sa Diyos

Read More »

Sabado, Hulyo 12, 2025

 907 total views

 907 total views Sabado ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Genesis 49, 29-32; 50, 15-26a

Read More »

Biyernes, Hulyo 11, 2025

 1,534 total views

 1,534 total views Paggunita kay San Benito, abad Genesis 46, 1-7. 28-30 Salmo 36, 3-4. 18-19. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at

Read More »

Huwebes, Hulyo 10, 2025

 2,142 total views

 2,142 total views Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 44, 18-21. 23b-29; 45, 1-5 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod

Read More »

Miyerkules, Hulyo 9, 2025

 2,479 total views

 2,479 total views Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Agustin Zhao Rong, pari at martir, at mga Kasama, mga

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top