Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, OKTUBRE 20, 2022

SHARE THE TRUTH

 293 total views

Huwebes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Efeso 3, 14-21
Salmo 32, 1-2. 4-5. 11-12. 18-19

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

Lucas 12, 49-53



Thursday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Efeso 3, 14-21

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, ako’y naninikluhod sa Ama, na siyang pinagtutularan ng pagkaama sa bawat sambahayan sa langit at sa lupa. Hinihiling ko, ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan, na palakasin niya ang inyong buhay espirituwal sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Nawa’y manahan si Kristo sa inyong puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya upang sa inyong pag-uugat at pagiging matatag sa pag-ibig, maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang, kung gaano kadakila ang pag-ibig ni Kristo. At nawa’y makilala ninyo ang di matingkalang pag-ibig na ito upang mapuspos kayo ng kapuspusan ng Diyos.

Sa Diyos na makagagawa nang higit kaysa lahat ng maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin – sumakanya ang kapurihan sa pamamagitan ng simbahan at ni Kristo Hesus magpakailanman! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 1-2. 4-5. 11-12. 18-19

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

Lahat ng matuwid dapat na magsaya
dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila;
Kayong masunuri’y magpuri sa kanya!
Ang Panginoong Diyos ay pasalamatan,
tugtugin ang alpa’t awit ay saliwan.

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

Panginoo’y tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
Minamahal niya ang gawang matapat,
ang pag-ibig niya sa mundo’y laganap.

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

Ngunit ang mga panukala ng Diyos,
ay mamamalagi’t walang pagkatapos.
Mapalad ang bansang Panginoo’y Diyos,
mapalad ang bayang kanyang ibinukod.

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala
sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.
Hindi babayaang sila ay mamatay,
kahit magtaggutom sila’y binubuhay.

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

ALELUYA
Filipos 3, 8-9

Aleluya! Aleluya!
Tana’y aking tatalikdan
upang si Kristo’y makamtan
bilang tanging pakinabang.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 12, 49-53

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa – at sana’y napagningas na ito! May isang binyag pa na dapat kong tanggapin, at nababagabag ako hangga’t hindi natutupad ito! Akala ba ninyo’y pumarito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo: hindi kapayapaan kundi pagkakabaha-bahagi. Mula ngayon, ang limang katao sa isang sambahayan ay mababahagi: tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo.

Maglalaban-laban ang ama at ang anak na lalaki,
Ang ina at ang anak na babae,
At gayun din ang biyenang babae, at manugang na babae.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Maaaring dumating sa atin ang mga pagsubok at mga suliranin. Subalit bunga ng ating buong pagtitiwala sa kalooban ng Diyos Ama, patuloy tayong nananalig na hindi siya magkukulang sa kanyang pangako.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Gawin mong karapat-dapat ang aming buhay sa iyo, O Panginoon.

Ang mga pinuno ng Simbahan na hayagang inuusig nawa’y mabigyan ng tapang at lakas upang manatili sa kanilang pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y magkaroon ng lakas at tapang na patnubayan ang kanilang mga anak sa pamamaraan ng pananampalataya at Kristiyanong pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya at mga komunidad na pinaghihiwalay ng pagkakaiba ng relihiyon nawa’y matagpuan ang katotohanan at magpakita ng paggalang sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga matatanda, at mga may kapansanan nawa’y tumanggap ng pag-ibig at pagkalinga mula sa kanilang mga kapamilya at kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namayapa nawa’y maging maligaya magpakailanman sa Kaharian ng Ama, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, ipinadala mo ang iyong Anak upang tulungan kami sa aming mga paghihirap. Kalingain mo kami sa aming mga sakit at bigyang lakas kami upang laging makatugon nang may pananalig sa iyong salita. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 10,747 total views

 10,747 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 44,198 total views

 44,198 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 64,815 total views

 64,815 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 76,238 total views

 76,238 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 97,071 total views

 97,071 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Marso 28, 2025

 81 total views

 81 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Oseas 14, 2-10 Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17 Tinig ko’y iyong

Read More »

Huwebes, Marso 27, 2025

 764 total views

 764 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 7, 23-28 Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang

Read More »

Miyerkules, Marso 26, 2025

 1,341 total views

 1,341 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 4, 1. 5-9 Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20 Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong

Read More »

Martes, Marso 25, 2025

 1,835 total views

 1,835 total views Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa Panginoon Isaias 7, 10-14; 8, 10 Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 11 Handa akong

Read More »

Lunes, Marso 24, 2025

 532 total views

 532 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda 2 Hari 5, 1-15a Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4 Aking kinasasabikan

Read More »

Linggo, Marso 23, 2025

 3,203 total views

 3,203 total views Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Exodo 3, 1-8a. 13-15 Salmo 102, 1-2. 3-4. 6-7. 8

Read More »

Sabado, Marso 22, 2025

 3,337 total views

 3,337 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

Biyernes, Marso 21, 2025

 3,552 total views

 3,552 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang

Read More »

Huwebes, Marso 20, 2025

 3,553 total views

 3,553 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa

Read More »

Miyerkules, Marso 19, 2025

 3,386 total views

 3,386 total views Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen 2 Samuel 7, 4-5a. 12-14a. 16 Salmo 88, 2-3. 4-5. 27

Read More »

Martes, Marso 18, 2025

 2,738 total views

 2,738 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa

Read More »

Lunes, Marso 17, 2025

 2,618 total views

 2,618 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 9, 4b-10 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Panginoon, aming hiling: patawad

Read More »

Linggo, Marso 16, 2025

 2,572 total views

 2,572 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Genesis 15, 5-12. 17-18 Salmo 26, 1. 7-8. 9abk. 13-14

Read More »

Sabado, Marso 15, 2025

 4,948 total views

 4,948 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng

Read More »

Biyernes, Marso 14, 2025

 5,306 total views

 5,306 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang

Read More »
Scroll to Top