Huwebes, Pebrero 27, 2025

SHARE THE TRUTH

 5,181 total views

Huwebes ng Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Sirak 5, 1-10
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6

Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.

Marcos 9, 41-50

Thursday of the Seventh Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Sirak 5, 1-10

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Huwag kang manalig sa iyong kayamanan
at huwag mong akalaing dahil sa salapi mo’y hindi mo kailangan ang sinuman.
Huwag kang padadala sa labis na hangarin,
na makamtan lamang ang gusto’y kahit paalipin.
Huwag mong sabihing wala kang kinikilalang kapangyarihan,
sapagkat darating ang panahong sisingilin ka ng Panginoon.
Huwag mo ring sabihin,
“Wala namang nangyayari sa akin, matapos akong magkasala!”
Ang Panginoon ay di nagsasawa ng paghihintay para lapatan ka ng parusa.
Huwag kang mahirati sa pagkakasala
dahil sa pag-asang lagi ka niyang patatawarin.
Huwag mong sabihin, “Walang katapusan ang kanyang habag.
Patatawarin niya ako, gaano man karami ang aking kasalanan.”
Sapagkat kung siya’y marunong maawa, marunong din siyang magalit,
at mariin siyang magparusa sa mga makasalanan.
Magbalik-loob ka na agad sa Panginoon;
huwag mong ipagbukas ang pakikipag-kasundo sa kanya,
sapagkat biglang darating ang araw ng paghihiganti,
at mapapahamak ka sa oras ng pagsusulit.
Huwag kang manalig sa kinamkam mong kayamanan,
sapagkat gagamitin iyan laban sa iyo sa araw ng kapighatian.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6

Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.

Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama,
upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa;
hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y
pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos na dakila.
Nagagalak siyang laging magsasaliksik ng banal na aral,
ang utos ng Poon siyang binubulay sa gabi at araw.

Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.

Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan,
sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan,
at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay.

Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.

Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis,
siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umihip.
Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat,
ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak.

Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.

ALELUYA
1 Tesalonica 2, 13

Aleluya! Aleluya!
Tanggapin n’yo ang salita
na di sa tao nagmula
kundi sa D’yos na dakila.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 9, 41-50

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo: sinumang magbigay sa inyo ng isang basong tubig dahil sa kayo’y kay Kristo ay tiyak na gagantimpalaan.

“Mabuti pa sa isang tao ang siya’y bitinan ng isang malaking gilingang-bato sa leeg at itapon sa dagat kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananalig sa akin. Kung ang kamay mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo! Mabuti pa ang mapunta ka sa langit nang putol ang isang kamay kaysa may dalawang kamay na mahulog ka sa impiyerno, sa apoy na hindi mamamatay. Doo’y hindi mamamatay ang mga uod na kumakain sa kanila, at hindi mamamatay ang apoy. Kung ang paa mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo! Mabuti pa ang mapunta ka sa langit nang putol ang isang paa kaysa may dalawang paa na mahulog ka sa impiyerno. Doo’y hindi mamamatay ang mga uod na kumakain sa kanila at hindi mamamatay ang apoy. At kung ang mata mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukutin mo! Mabuti pa ang pumasok ka sa kaharian ng Diyos nang bulag ang isang mata kaysa may dalawang mata na mahulog ka sa impiyerno. Doo’y hindi mamamatay ang mga uod na kumakain sa kanila, at hindi mamamatay ang apoy.

“Sapagkat ang bawat isa’y dadalisayin sa apoy. Mabuti ang asin, ngunit kung mawalan ng lasa, paano ito mapaaalat uli? Taglayin ninyo ang katangian ng asin, at sa gayo’y magiging mapayapa ang inyong pagsasamahan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Manalangin tayo ngayon sa Diyos Ama para sa kaliwanagan ng ating isip at diwa habang ating inilalahad sa kanya ang mga pangangailangan ng hindi buo at hiwa-hiwalay na daigdig.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, umaasa kami sa Iyo.

Ang banal na sambayanan ng Diyos nawa’y manatiling matatag sa pakikibaka laban sa iba’t ibang kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga tao nawa’y patuloy na magsumikap sa pagharap sa mga pagsubok at pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga ari-arian nawa’y huwag nating hayaang umakay sa atin sa kawalan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng lahat at kasiyahan mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y makatagpo ng walang hanggang kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, humihingi ng katapangan sa pananampalataya ang bayang iyong tinawag na sumunod sa iyong Anak na inilalahad ang kanilang pangangailangan sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 9,931 total views

 9,931 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 33,090 total views

 33,090 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 54,365 total views

 54,365 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 226,339 total views

 226,339 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Abril 17, 2026

 507 total views

 507 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y makapiling.

Read More »

Huwebes, Abril 16, 2026

 1,602 total views

 1,602 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 27-33 Salmo 33, 2 at 9. 17-18. 19-20 Dukhang sa D’yos tumatawag

Read More »

Miyerkules, Abril 15, 2026

 1,602 total views

 1,602 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Dukhang sa D’yos tumatawag ay

Read More »

Martes, Abril 14, 2026

 1,312 total views

 1,312 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y

Read More »

Lunes, Abril 13, 2026

 643 total views

 643 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Martin I, papa at martir Mga Gawa 4, 23-31 Salmo 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top