Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwebes, Setyembre 4, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,215 total views

Huwebes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Colosas 1, 9-14
Salmo 97, 2-3ab. 3kd-4. 5-6

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

Lucas 5, 1-11

Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Colosas 1, 9-14

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mga kapatid, mula nang marinig namin itong tungkol sa inyo, patuloy naming idinadalangin sa Diyos na nawa’y puspusin niya kayo ng kaalamang kaloob ng Espiritu upang lubusan ninyong maunawaan ang kanyang kalooban. Sa gayun, makapamumuhay kayo nang karapat-dapat at kalugud-lugod sa Panginoon, sasagana sa mabuting gawa, at lalawak ang inyong pagkakilala sa Diyos. Idinadalangin din naming kayo’y patatagin niya sa tulong ng kanyang dakilang kapangyarihan upang masaya ninyong mapagtiisan ang lahat ng bagay. At magpasalamat kayo sa Ama, sapagkat minarapat niyang ibilang kayo sa mga hinirang na magmamana ng kaharian ng kaliwanagan. Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. Sa pamamagitan ng Anak, tayo’y pinalaya at pinatawad sa ating mga kasalanan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 2-3ab. 3kd-4. 5-6

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog,
at ang Poon ay purihin ng tugtuging maalindog.
Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli,
magkaingay sa harapan ng Poon na ating hari.

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

ALELUYA
Mateo 4, 19

Aleluya! Aleluya!
Sumunod kayo sa akin
at kayo’y aking gagawing
katambal ko sa tungkulin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 5, 1-11

Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nakatayo si Hesus sa baybayin ng Lawa ng Genesaret. Pinagkalipumpunan siya ng napakaraming tao na ibig makarinig ng salita ng Diyos. May nakita siyang dalawang bangka sa baybayin; nakalunsad na ang mga mangingisda at naghuhugas ng kanilang mga lambat. Lumulan siya sa isa sa mga bangka at hiniling kay Simong may-ari nito, na ilayo nang kaunti sa tabi. Naupo siya sa bangka at nangaral sa mga tao.

Pagkatapos niyang magsalita ay sinabi niya kay Simon, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.” Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nagpagod at wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.” Gayun nga ang ginawa nila at sa dami ng kanilang huli ay halos magkansisira ang kanilang mga lambat. Kaya’t kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa ibang bangka upang patulong, at lumapit naman ang mga ito. Napuno ang dalawang bangka na halos lumubog. Nang makita iyon ni Simon Pedro, siya’y nagpatirapa sa paanan ni Hesus at nagsabi, “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, sapagkat ako’y makasalanan.” Nanggilalas siya at ang kanyang mga kasama dahil sa dami ng kanilang huli; gayun din sina Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasosyo ni Simon. At sinabi ni Hesus kay Simon, “Huwag kang matakot. Mula ngayo’y mamamalakaya ka ng mga tao.” Nang maitabi na nila ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Noong sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Halikayo, sumunod kayo sa akin,” tinatawag rin niya tayo sa kanyang halimbawa ng pananalangin upang ibahagi ang pananalangin sa iba. Maging mapagbigay tayo sa ganoong pananalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na guro, tulungan mo kaming lumusong sa kalaliman ng iyong pag-ibig.

Ang Santo Papa, mga obispo, mga pari at lahat ng tinawag upang mamalakaya ng tao nawa’y magkaroon ng tapang at tiyaga na ihagis ang lambat ng paglilingkod sa malalim na karagatan ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mangingisda at lahat ng nagtatrabaho sa karagatan nawa’y tumanggap ng maraming ani ng nag-uumapaw na yaman ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng katapangan na ipahayag sa mga hindi sumasampalataya ang Mabuting Balita ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga nalulumbay, at mga nagdurusa sa karamdaman ng isip at katawan nawa’y hipuin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makamit kay Kristo ang walang hanggang gantimpala, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon ng lahat ng tao, sa pamamagitan ng mga panalanging ito, tipunin mo ang mga nagsisikap na sumunod sa iyong Anak, siya na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,295 total views

 73,295 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,290 total views

 105,290 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,082 total views

 150,082 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,032 total views

 173,032 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,430 total views

 188,430 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 28,557 total views

 28,557 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 28,788 total views

 28,788 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 29,274 total views

 29,274 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 20,401 total views

 20,401 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 20,510 total views

 20,510 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top