HUWEBES, SETYEMBRE 8, 2022

SHARE THE TRUTH

 383 total views

Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria

Mikas 5, 1-4a
o kaya Roma 8, 28-30
Salmo 12, 6ab. 6kd

Ang lubos kong kasiyahan
ay magalak sa Maykapal.

Mateo 1, 1-16. 18-23
o kaya Mateo 1, 18-23

Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary (White)

UNANG PAGBASA
Mikas 5, 1-4a

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas

Ito ang sinasabi ng Panginoon:
Betlehem Efrata, bagamat pinakamaliit ka sa mga angkan ni Juda ay sa iyo magmumula ang isang maghahari sa Israel. Ang pinagmula’y buhat pa nang una, mula pa noong unang panahon. Kaya nga, ang bayan ng Panginoon ay ibibigay niya sa kamay ng mga kaaway hanggang sa isilang ng babae ang sanggol na maghahari. Pagkatapos, babalik sa Israel ang nalabi sa bansang ito. Pagdating ng haring yaon, pamamahalaan niya ang Israel sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon na kanyang Diyos. At ang Israel ay mamumuhay na ligtas, sapagkat ang haring yaon ay kikilalanin ng buong sanlibutan. Sa kanya magmumula ang kapayapaan natin.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Roma 8, 28-30

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, alam nating sa lahat ng bagay ang Diyos ang gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti. Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; ang mga ito’y itinalaga niyang maging tulad ng kanyang Anak, at sa gayun, naging panganay natin siya. At ang mga itinalaga niya noong una pa ay kanyang tinawag. Ang mga tinawag niya ay kanya ring pinawalang-sala, at ang kanyang mga pinawalang-sala ay kanya namang binigyan ng karangalan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 12, 6ab. 6kd

Ang lubos kong kasiyahan
ay magalak sa Maykapal.

Lubos akong nananalig sa pag-ibig mong matapat.
Nagagalak ang puso ko dahil sa ‘yong pagliligtas.

Ang lubos kong kasiyahan
ay magalak sa Maykapal.

Aawitan kita, Poon, aawitang buong galak,
dahilan sa kabutihang sa akin ay iginawad.

Ang lubos kong kasiyahan
ay magalak sa Maykapal.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Magalak ka, Birheng Mahal,
ikaw ang inang nagsilang
sa araw ng katarungan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 1, 1-16. 18-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Ito ang lahi ni Hesukristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham.

Si Abraham ang ama ni Isaac; si Isaac ang ama ni Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. Naging anak naman ni Juda kay Tamar sina Fares at Zara. Si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram. Si Aram ang ama ni Aminadab; si Aminadab ang ama ni Naason na ama naman ni Salmon. Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz, at naging anak naman ni Booz kay Ruth si Obed. Si Obed ang ama ni Jesse na ama ni Haring David.

Naging anak ni David si Solomon sa dating asawa ni Urias. Si Solomon naman ang ama ni Roboam. Si Roboam ang ama ni Abias, at si Abias ang ama ni Asa. Si Asa ang ama ni Josafat, at si Josafat ang ama ni Joram na siya namang ama ni Ozias. Itong si Ozias ay ama ni Jotam na ama ni Acaz, at si Acaz ang ama ni Ezequias. Si Ezequias ang ama ni Manases, at si Manases ang ama ni Amos na ama naman ni Josias. Si Josias ang ama ni Jeconias at ng kanyang mga kapatid. Panahon noon ng pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia.

Matapos ang pagkakatapon sa Babilonia, naging anak ni Jeconias si Salatiel na ama ni Zorobabel. Si Zorobabel ang ama ni Abiud na ama ni Eliaquim, at si Eliaquim ang ama ni Azor. Si Azor ang ama ni Sadoc na ama ni Aquim; itong si Aquim ang ama ni Eliud. Si Eluid ang ama ni Eleazar; si Eleazar ang ama ni Matan na ama ni Jacob. At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Hesus na tinatawag na Kristo.

Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:

“Maglilihi ang isang dalaga’t manganganak ng isang lalaki. At tatawagin itong Emmanuel.” Ang kahuluga’y “Kasama natin ang Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya: Maikling Pagbasa
Mateo 1, 18-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria ang kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanyang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:

“Maglilihi ang isang dalaga’t manganganak ng isang lalaki. At tatawagin itong Emmanuel.” Ang kahuluga’y “Kasama natin ang Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ang Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria

Sa pagsilang ng Mahal na Birhen, nakikita natin na dumating na sa huling yugto ang plano ng Ama para sa kaligtasan ng mundo. Habang siya ay nasa ating tabi, manalangin tayo sa Diyos na lumalang sa kanya na “lubos na pinagpala.”

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pamamagitan ni Maria, pagpalain Mo kami, O Ama.

Ang Simbahan nawa’y walang takot na ipahayag ang Ebanghelyo na ipinagkatiwala sa kanya ng Anak ni Maria, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga walang pananampalataya nawa’y lumapit sa Panginoon na Nagkatawang-tao upang iligtas ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating mga ina nawa’y ibigay natin ang nararapat na pagmamahal at paggalang na kailangan nila, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa tulong ng mga panalangin ni Maria, nawa’y maibalik sa kawan ang mga tumalikod sa pagtupad ng kanilang pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang tanggapin si Jesus sa Eukaristiya bilang Diyos na kapiling natin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, sa Eukaristiyang ito, nagdiriwang ang iyong pamilya na kasama ang Pinagpalang Birheng Maria at sina Joaquin at Ana na kanyang mga magulang. Ipagkaloob mo ang hinihiling namin bunga ng pananampalataya sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 93,348 total views

 93,348 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 116,507 total views

 116,507 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 137,781 total views

 137,781 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 300,733 total views

 300,733 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Abril 17, 2026

 4,386 total views

 4,386 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y makapiling.

Read More »

Huwebes, Abril 16, 2026

 5,481 total views

 5,481 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 27-33 Salmo 33, 2 at 9. 17-18. 19-20 Dukhang sa D’yos tumatawag

Read More »

Miyerkules, Abril 15, 2026

 5,481 total views

 5,481 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Dukhang sa D’yos tumatawag ay

Read More »

Martes, Abril 14, 2026

 3,105 total views

 3,105 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y

Read More »

Lunes, Abril 13, 2026

 2,436 total views

 2,436 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Martin I, papa at martir Mga Gawa 4, 23-31 Salmo 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top