Linggo, Abril 26, 2026

SHARE THE TRUTH

 2,783 total reads

Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)

Mga Gawa 2, 14a. 36-41
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

1 Pedro 2, 20b-25
Juan 10, 1-10

Fourth Sunday of Easter (White)
Good Shepherd Sunday
World Day of Prayer for Vocations

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 2, 14a. 36-41

Pagbasa mula sa mga Gawa ng Mga Apostol

Noong araw ng Pentekostes, tumayo si Pedro at ang labing-isang apostol, at nagsalita siya nang malakas, “Dapat malaman ng buong Israel na itong si Hesus na ipinako ninyo sa krus – siya ang ginawa ng Diyos na Panginoon at Kristo!”

Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig ito, at tinanong nila si Pedro at ang mga apostol, “Mga kapatid, ano ang gagawin namin?” Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at magpabinyag kayo sa pangalan ni Hesukristo upang kayo’y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo. Sapagkat ang pangako’y para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo – sa bawat tatawagin ng Panginoong Diyos.”

Marami pa siyang inilahad upang patunayan ang kanyang sinabi, at nanawagan siya sa kanila, “Lumayo kayo sa masamang lahing ito upang kayo’y maligtas.” Kaya’t ang mga naniwala sa kanyang sinabi ay nagpabinyag; at nadagdag sa kanila ang may tatlunlibong tao nang araw na iyon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

o kaya: Aleluya.

Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,
ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,
sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

IKALAWANG PAGBASA
1 Pedro 2, 20b-25

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal ko:

Pagpapalain kayo ng Diyos kung kayo’y maparusahan sa paggawa ng mabuti. Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng Diyos; sapagkat nang si Kristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng halimbawang dapat tularan. Hindi siya gumagawa ng anumang kasalanan o nagsinungaling kailanman. Nang siya’y alipustain, hindi siya gumanti. Nang siya’y pahirapan, hindi siya nagbanta. Nanalig siya sa Diyos na makatarungan. Sa kanyang pagkamatay sa krus, dinala niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tuluyan na nating iwan ang pagkakasala at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kayo’y gumaling sa pamamagitan ng kanyang mga sugat. Sapagkat nagkawatak-watak kayo gaya ng mga tupang naligaw, ngunit tinipon kayong muli ng Pastol at Tagapangalaga ng inyong mga kaluluwa.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 10, 14

Aleluya! Aleluya!
Ako’y pastol na butihin
kilala ko’ng tupang akin;
ako’y kilala nila rin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 10, 1-10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi sa pinto nagdaraan, ay magnanakaw at tulisan. Ngunit ang nagdaraan sa pintuan ay siyang pastol ng mga tupa. Pinapapasok siya ng bantay-pinto, at pinakikinggan ng mga tupa ang kanyang tinig. Tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang pangalan, at inilalabas sa kulungan. Kapag nailabas na, siya’y nangunguna sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa sapagkat nakikilala nila ang kanyang tinig. Hindi sila sumusunod sa iba, bagkus pa nga’y patakbong lumalayo, sapagkat hindi nila nakikilala ang kanyang tinig.”

Sinabi ni Hesus ang talinghagang ito, ngunit hindi nila naunawaan ang ibig niyang sabihin.

Kaya’t muling sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo: ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa. Ang mga nauna sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa. Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas. Papasok siya’t lalabas, at makatatagpo ng pastulan. Kaya lamang pupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay, at magwasak. Naparito ako upang ang mga tupa’y magkaroon ng buhay – isang buhay na ganap at kasiya-siya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)

Hindi kailanman pinababayaan ni Hesus, ang Mabuting Pastol, ang Kanyang kawan. Tinatawag Niya ang mga bukas-palad upang maging tanda at tagapagpahayag ng Kanyang pagmamahal. Ngayon, manalangin tayo para sa lahat ng kumakatawan sa Kanya at naglilingkod sa Kanyang pangalan. Manalangin tayo:

Hesus na Mabuting Pastol, dinggin Mo kami.

Para sa buong Simbahan: nawa’y pagpalain Siya ng maraming banal at bukas-palad na mga pari at relihiyoso, at ng mga lalaki at babaeng nakatalaga sa Panginoong magbibigay-inspirasyon sa mga tao na lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang halimbawa. Manalangin tayo.

Para sa Santo Papa, sa ating mga obispo, at mga pari: nawa’y maging buhay na tanda sila ng pagtitiis, mahinahong pag-aaruga, at tapat na pagmamahal ng Diyos para sa lahat ng Kanyang bayan. Manalangin tayo.

Para sa lahat ng magulang, guro, at mga pinuno ng pamahalaan: nawa’y manatili silang tapat sa kanilang misyon na gabayan at itaguyod ang kabutihan ng mga taong ipinagkatiwala sa kanilang pangangalaga. Manalangin tayo.

Para sa ating kabataang tinatawag ng Diyos para sumunod sa ating Mabuting Pastol at maglingkod sa Simbahan: nawa masaya silang tumugon at magsikap na maging tapat sa kanilang bokasyon. Manalangin tayo.

Para sa mga vocation promoters at lahat ng nasa seminario at formation houses: nawa’y ang kanilang mga panalangin at pagsisikap ay magdala sa Simbahan ng mga tapat at batang pastol na kailangan Niya. Manalangin tayo.

Panginoong Hesus magsugo ka ng mga banal na pari, relihiyoso, at mga lalaki at babaeng nakatalaga sa Iyo upang maging mga pastol ng Iyong Simbahan. Tulad Mo, ang Mabuting Pastol, nawa’y ipagpatuloy nila ang Iyong gawain ng pagmamahal at habag, at magabayan kami tungo sa kabanalan. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 6,334 total reads

Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering his wife, Ashley, while their two young daughters were at home. Evidence presented at the trial also revealed an extramarital relationship. He has now been sentenced to life imprisonment without parole.

It is difficult to imagine the wounds left behind, especially in the lives of the children: a mother violently taken from them, and a father responsible for her death.

The story struck me because I am presently in Rome for our meeting marking ten years of Amoris Laetitia, reflecting precisely on how the Church proclaims the Gospel with families today.
Earlier, Pope Leo XIV asked us: “What kind of Church do people encounter precisely when they are most fragile?”

Cases like this remind us that “family fragility” is not an abstract pastoral category. Sometimes behind the doors of a seemingly Christian home are relationships already being torn apart by infidelity, deception, abuse, violence, loneliness or despair.

And accompaniment cannot mean simply keeping a family together at all costs. It must also mean learning to recognize danger, protecting the vulnerable, especially children, confronting wrongdoing with truth, and helping wounded people find justice, healing and hope.

Perhaps this too is part of proclaiming the Gospel to and with families: helping our homes become places where love is not merely preached, but truly lived—and where those who are wounded know that the Church will not look away

ULTIMATE GOAL

 7,505 total reads

Gospel Reading for October 09, 2026 – Luke 11: 15-26

ULTIMATE GOAL

When Jesus had driven out a demon, some of the crowd said: “By the power of Beelzebul, the prince of demons, he drives out demons.” Others, to test him, asked him for a sign from heaven. But he knew their thoughts and said to them, “Every kingdom divided against itself will be laid waste and house will fall against house. And if Satan is divided against himself, how will his kingdom stand? For you say that it is by Beelzebul that I drive out demons. If I, then, drive out demons by Beelzebul, by whom do your own people drive them out? Therefore they will be your judges. But if it is by the finger of God that I drive out demons, then the Kingdom of God has come upon you. When a strong man fully armed guards his palace, his possessions are safe. But when one stronger than he attacks and overcomes him, he takes away the armor on which he relied and distributes the spoils. Whoever is not with me is against me, and whoever does not gather with me scatters. “When an unclean spirit goes out of someone, it roams through arid regions searching for rest but, finding none, it says, ‘I shall return to my home from which I came.’ But upon returning, it finds it swept clean and put in order. Then it goes and brings back seven other spirits more wicked than itself who move in and dwell there, and the last condition of that man is worse than the first.”

————

One thing is certain—Beelzebul/Satan can never be more powerful than God. Therefore, he would be of no use to Jesus, the Son of God.

Satan’s ULTIMATE GOAL is always to destroy what belongs to God, which is why he possesses humans who are created by God in his image and likeness. He is SO DESPERATE to destroy God’s image. Why, then, would he destroy himself? It would defeat his ULTIMATE GOAL.

St. Michael the Archangel, defend us from the evil one!

TRUTH AWARDS

 77,623 total reads

Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan ang kahirapan, nagiging kultura na ang korapsyon at katiwalian na kinasasangkutan mismo ng mga opisyal ng gobyerno at mga halal ng bayan., lumalala ang kawalang katarungan, hindi na halos makahinga ang maraming Pilipino sa epekto ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo na nagdudulot ng mahal na halaga ng mga bilihin at tumataas na bayarin sa serbisyo publiko.

Hindi pa rin natatapos ang multi-bilyong pisong flood control projects scam.,nahaharap na naman tayong mga Pilipino sa kinatatakutang matinding epekto ng climate change tulad ng El Nino phenomenon na nagdudulot ng matinding init at tagtuyot. Sa kasalukuyan, 106 na lungsod at munisipalidad sa buong bansa ang apektado ng tagtuyot.

May pag-asa ba tayong mga Pilipino? May nababanaag pa kaya tayong liwanag?

Kapanalig, sa kabila ng mga agam-agam na ito., mayroon pa bang matapang na tatayo, haharap “head on” sa mga suliranin nating mga Pilipino?

Sa hangaring ito, binuo ng Radyo Veritas 846 katuwang ang Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila, OneGodly vote-Catholic Advocates for Responsible Electorate (C.A.R.E) ang Truth Awards 2026 “Standing Tall in a World of Shadows”.

Misyon ng Radyo Veritas Truth Awards 2026 na kilalanin ang mga indibidwal at organisasyong nagsusulong ng katotohanan, pananagutan, transparency, at integridad sa kanilang paglilingkod sa lipunan.

Nakapaloob sa Truth Awards ang mga kategorya:
T—Triump of Integrity Award
R—Rays of Light in Darkness Award
U—Unwavering Voice of Conscience Award
T—Testimony of Life Award
H—Heart for Justice and truth award

Ang “highest recognition” ay ang Summum Veritatis award na ipagkakaloob sa isang institusyon na nagpapakita ng katatagang moral, dedikasyon sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala at katarungan at dalisay na paglilingkod at pagtugon sa pangangailangan ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Kapanalig, ang Veritas Truth Awards 2026 ay sumailalim sa rigorous screening at selection process ng pitong(7) kapitag-pitagang hurado na binubuo ng mga lider ng simbahan, academe at civil society.

Ang mapipiling awardee mula sa mahigit-kumulang na 100 nominee at 30-finalists ay nagtataglay ng “light of truth” o buhay na testamento ng faithfulness at katotohanan na siyang magpapalaya sa atin.

Kapanalig, sinasabi ng JOHN 18:37-38: “You are a king, then!” said Pilate. Jesus answered, “You say that I am a king. In fact, the reason I was born and came into the world is to testify to the truth. Everyone on the side of truth listens to me.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 77,624 total reads

 77,624 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,368 total reads

 172,368 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 216,636 total reads

 216,636 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,745 total reads

 239,745 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,388 total reads

 311,388 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Oktubre 12, 2026

 1,749 total reads

 1,749 total reads Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Read More »

Linggo, Oktubre 11, 2026

 2,413 total reads

 2,413 total reads Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 25, 6-10a Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal.

Read More »

Sabado, Oktubre 10, 2026

 4,959 total reads

 4,959 total reads Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3.

Read More »

Biyernes, Oktubre 9, 2026

 6,020 total reads

 6,020 total reads Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Dionisio, obispo, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Huwebes, Oktubre 8, 2026

 7,431 total reads

 7,431 total reads Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top