Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, HULYO 9, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,269 total views

Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Zacarias 9, 9-10
Salmo 144, 1-2. 8-9. 10-11. 13kd-14

Diyos ko at aking Hari,
pupurihin kitang lagi.

Roma 8, 9. 11-13
Mateo 11, 25-30

Fourteenth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Zacarias 9, 9-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Zacarias

Ito ang sinasabi ng Panginoon:
“Sion, magalak ka at magdiwang!
Umawit ka nang malakas, O Jerusalem!
Pagkat ang hari mo ay dumarating na,
mapagwagi at mapagtagumpay.
Mapagpakumbaba siya
at nakasakay sa isang bisirong asno.
Ipaaalis niya ang mga karwahe sa Efraim,
gayun din ang mga kabayong pandigma ng Jerusalem.
Babaliin niya ang mga panudla ng mandirigma
at paiiralin ang pagkakasundo ng lahat ng bansa;
ang hangganan ng kaharian niya’y dagat magkabila,
mula sa Eufrates hanggang dulo ng daigdig.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 1-2. 8-9. 10-11. 13kd-14

Diyos ko at aking Hari,
pupurihin kitang lagi.

o kaya: Aleluya.

Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag,
di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat,
aking pupurihi’t pasasalamatan siya araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.

Diyos ko at aking Hari,
pupurihin kitang lagi.

Ang Panginoong D’yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag,
banayad magalit, ang pag-ibig niya’y hindi kumukupas.
Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi;
sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi.

Diyos ko at aking Hari,
pupurihin kitang lagi.

Magpupuring lahat sa iyo, O Poon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

Diyos ko at aking Hari,
pupurihin kitang lagi.

Di ka bibiguin sa mga pangako
pagkat ang Diyos ay tapat,
ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat.
Siya’y tumutulong sa lahat ng tao
na may suliranin;
yaong inaapi’y inaalis niya sa pagkagupiling.

Diyos ko at aking Hari,
pupurihin kitang lagi.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 8, 9. 11-13

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo
sa mga taga-Roma

Mga kapatid:
Hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu, kung talagang nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung ang Espiritu ni Kristo’y wala sa isang tao, hindi siya kay Kristo. Kung nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay Hesukristo, ang Diyos ding iyan ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang mamamatay, sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.

Mga kapatid, hindi na tayo alipin ng likas na hilig ng laman, kaya hindi na tayo dapat mamuhay ayon sa laman. Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo ayon sa laman ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang mga gawa ng laman, mabubuhay kayo.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 11, 25-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino at inihayag sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayun ang ikinalulugod mo.

“Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako’y maamo at mababang-loob at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Natitipon bilang mag-anak ng Diyos, na may sari-sariling problema, dumulog tayo kay Hesus, na bukal ng ating pag-asa at kasiyahan, habang nananalangin tayong:

Mahabaging Hesus, dinggin ang aming panalangin!

Na ang buong Simbahan ay maging bukal ng ginhawa at pampasigla sa lahat ng naghihirap, maysakit, o naaabuso, manalangin tayo!

Na ang Santo Papa, ating Obispo, mga pari, at lahat ng iba pang pinunong relihiyoso ay magtamo ng biyaya ng Diyos sa kabila ng mga kahirapan sa kanilang paglilingkod, manalangin tayo!

Na ang ating mga pinunong pambayan at iba pang may katungkulan ay magsikap na itaguyod ang kapakanang panlahat at magdulot ng pagkain, tirahan, edukasyon, at katarungan sa lahat ng mamamayan, manalangin tayo!

Na lahat ng may karamdaman ay makatagpo ng inaasam na habag at ginhawa sa kanilang mga doktor, narses, at mga kamag-anak, manalangin tayo!

Na lahat tayong natitipon para sa Eukaristiya ngayon ay makalasap ng ginhawa sa Panginoon at maging kasangkapan tayo ng kanyang mahabaging pagmamahal sa mga nagdurusa, manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, Hari ng habag at kasiyahan, turuan mo kaming maging maamo at mapagkumbabang tulad mo. Tulutan mong tapat naming tupdin ang aming mga tungkulin upang malasap ang kagalakan ng iyong kalinga at tanggapin ang iyong walang hanggang gantimpala sa langit. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 5,371 total views

 5,371 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 11,344 total views

 11,344 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 17,099 total views

 17,099 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 24,362 total views

 24,362 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 32,347 total views

 32,347 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

MARTES, HULYO 23, 2024

 78 total views

 78 total views Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Brigida, namanata sa Diyos Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 84, 2-4. 5-6. 7-8 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa. Mateo 12, 46-50 Tuesday of the Sixteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Bridget of Sweden, Religious (White) UNANG

Read More »

LUNES, HULYO 22, 2024

 350 total views

 350 total views Kapistahan ni Santa Maria Magdalena Awit ni Solomon 3, 1-4a o kaya 2 Corinto 5, 14-17 Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9 Aking kinasasabikan, Panginoon, ikaw lamang. Juan 20, 1-2. 11-18 Feast of Saint Mary Magdalene (White) UNANG PAGBASA Awit ni Solomon 3, 1-4a Pagbasa mula sa Awit ni Solomon Gabi-gabi, sa higaan ang mahal

Read More »

LINGGO, HULYO 21, 2024

 781 total views

 781 total views Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Jeremias 23, 1-6 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Efeso 2, 13-18 Marcos 6, 30-34 Sixteenth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Jeremias 23, 1-6 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Parurusahan ng Panginoon ang mga namumunong walang

Read More »

SABADO, HULYO 20, 2024

 1,162 total views

 1,162 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Apolinario, obispo at martir o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Mikas 2, 1-5 Salmo 9, 22-23. 24-25. 28-29. 35 Poon, huwag pabayaan ang mga nahihirapan. Mateo 12, 14-21 Saturday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial

Read More »

BIYERNES, HULYO 19, 2024

 1,830 total views

 1,830 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas, pag-iral ko’y walang wakas. Mateo 12, 1-8 Friday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Noong

Read More »

HUWEBES, HULYO 18, 2024

 2,189 total views

 2,189 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong luklukan, lahat ay ‘yong minamasdan. Mateo 11, 28-30 Thursday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Read More »

MIYERKULES, HULYO 17, 2024

 2,699 total views

 2,699 total views Miyerkules ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod sa kanyang hirang na lingkod. Mateo 11, 25-27 Wednesday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 10, 5-7. 13-16 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang

Read More »

MARTES, HULYO 16, 2024

 2,927 total views

 2,927 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen Zacarias 2, 14-17 Lucas 1, 46-47. 48-49. 50-51. 52-53. 54-55 D’yos ay Makapangyarihan, Banal ang kanyang pangalan. o kaya Mahal na Birheng Maria, Ina ng Anak ng Ama. Mateo 12, 46-50 Memorial of Our Lady of Mount Carmel (White) UNANG PAGBASA Zacarias 2, 14-17

Read More »

LUNES, HULYO 15, 2024

 3,432 total views

 3,432 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 10, 34 – 11, 1 Memorial of St. Bonaventure, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang

Read More »

LINGGO, HULYO 14, 2024

 3,269 total views

 3,269 total views Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Amos 7, 12-15 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa. Efeso 1, 3-14 Marcos 6, 7-13 Fifteenth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 7, 12-15 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Noong mga araw na iyon, hinarap ni Amasias, ang

Read More »

SABADO, HULYO 13, 2024

 3,434 total views

 3,434 total views Sabado ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Enrico o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Isaias 6, 1-8 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Mateo 10, 24-33 Saturday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

BIYERNES, HULYO 12, 2024

 3,380 total views

 3,380 total views Biyernes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 14, 2-10 Salmo 50, 3-4. 8-9. 12-13. 14 at 17 Pupurihin ko kailanman ang dakila mong pangalan. Mateo 10, 16-23 Friday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 14, 2-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ito ang sinasabi

Read More »

HUWEBES, HULYO 11, 2024

 3,717 total views

 3,717 total views Paggunita kay San Benito, abad Oseas 11, 1-4. 8k-9 Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16 Poon kami’y ‘yong iligtas at tanglawan ng ‘yong sinag. Mateo 10, 7-15 Memorial of St. Benedict, Abbot (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Oseas 11, 1-4. 8k-9 Pagbasa mula

Read More »

MIYERKULES, HULYO 10, 2024

 3,447 total views

 3,447 total views Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Hanapin ang Poon lagi, sa harap n’ya manatili. Mateo 10, 1-7 Wednesday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ang

Read More »

MARTES, HULYO 9, 2024

 3,821 total views

 3,821 total views Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin Zhao Rong, pari at martir, at mga Kasama, mga martir Oseas 8, 4-7. 11-13 Salmo 113 B, 3-4. 5-6. 7ab-8. 9-10 Israel na bayan ng D’yos, papurihan mo s’yang lubos. Mateo 9, 32-38 Tuesday of the Fourteenth Week in

Read More »
Scroll to Top