LINGGO, NOBYEMBRE 5, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,015 total reads

Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Malakias 1, 14b – 2, 2b. 8-10
Salmo 130, 1. 2. 3

Sa iyong kapayapaan,
O D’yos, ako’y alagaan.

1 Tesalonica 2, 7b. 9. 13
Mateo 23, 1-12

Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Malakias 1, 14b – 2, 2b. 8-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Malakias

Sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: “Ako’y isang Haring dakila at kinatatakutan ng lahat ng bansa.”

At ngayon, mga saserdote, narito ang utos ko sa inyo: Parangalan ninyo ang aking pangalan sa pamamagitan ng inyong mga gawa,” sabi ng Makapangyarihang Panginoon. “Pag hindi ninyo pinakinggan ang sinasabi ko, kayo’y aking susumpain.

“Subalit lumihis kayo sa daang matuwid, kayong mga saserdote. Dahil sa inyong turo, marami ang nabulid sa kasamaan. Sumira kayo sa ating tipan,” sabi ng Makapangyarihang Panginoon. “Kaya, hahayaan kong kamuhian kayo ng mga Israelita sapagkat hindi ninyo sinusunod ang aking bilin at hindi pantay-pantay ang inyong pagtuturo.”

Hindi ba iisa ang ating Ama at ito’y ang iisang Diyos na lumalang sa atin? Kung gayo’y bakit sumisira tayo sa pangako sa isa’t isa at bakit winawalang-kabuluhan natin ang kasunduan ng Diyos at ng ating mga magulang?

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 130, 1. 2. 3

Sa iyong kapayapaan,
O D’yos, ako’y alagaan.

O Panginoon ko, ang pagmamataas,
tinalikdan ko na at iniwang ganap;
Ang mga gawain na magpapatanyag
iniwan ko na rin, di ko na hinangad.

Sa iyong kapayapaan,
O D’yos, ako’y alagaan.

Mapayapa ako at nasisiyahan,
tulad niyong sanggol sa bisig ni Inay.

Sa iyong kapayapaan,
O D’yos, ako’y alagaan.

Kaya mula ngayon, ikaw, O Israel,
sa ’yong Panginoon, magtiwalang tambing!

Sa iyong kapayapaan,
O D’yos, ako’y alagaan.

IKALAWANG PAGBASA
1 Tesalonica 2, 7b. 9. 13

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga-Tesalonica

Mga kapatid, naging magiliw kami sa inyo tulad ng isang mapagkalingang ina sa kanyang mga anak. Dahil sa laki ng aming pagmamahal sa inyo, itinalaga namin ang aming sarili sa pangangaral sa inyo ng Mabuting Balita. Hindi lamang iyan, pati na aming buhay ay ihahandog namin, kung kakailanganin. Lubusan na kayong napamahal sa amin. Tiyak na natatandaan pa ninyo, mga kapatid, kung paano kami gumawa at nagpagal araw-gabi para hindi kami maging pasanin ninuman samantalang ipinahahayag namin sa inyo ang Mabuting Balita.

Ito pa ang lagi naming ipinagpapasalamat sa Diyos: nang ipangaral namin sa inyo ang kanyang salita, tinanggap ninyo ito bilang tunay na salita ng Diyos, at hindi ng tao. Anupat ang bisa nito’y nakikita sa buhay ninyong mga sumasampalataya.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 23, 9b, 10b

Aleluya! Aleluya!
Tayo’y may iisang Ama,
at Guro nati’y iisa:
Si Kristo na Anak niya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 23, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyong, sinabi ni Hesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad, “Ang mga eskriba at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanang ng Kautusan ni Moises. Kaya’t gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag ninyo tularan ang kanilang gawa, sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral. Nagbibigkis sila ng mabibigat na dalahin at ipinapasan sa mga tao; ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon. Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit. Ang ibig nila’y ang mga upuang pandangal sa mga piging at ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga. Ang ibig nila’y pagpugayan sila sa mga liwasang-bayan, at tawaging guro. Ngunit kayo — huwag kayong patawag na guro, sapagkat iisa ang inyong Guro, at kayong lahat ay magkakapatid. At huwag ninyo tawaging ama ang sinumang tao sa lupa, sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Amang nasa langit. Huwag kayong patawag na tagapagturo, sapagkat iisa ang inyong Tagapagturo, ang Mesiyas. Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo. Ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Pinaaalalahanan ng mga pagbasa ngayon ang ating mga pinunong maging mapagpakumbaba at tapat sa kanilang mga tungkulin. Ang mga ito rin ay paalaala sa ating magdasal para sa kanila upang sila’y tumupad sa inaasahan natin sa kanila, ga- yundin sa inaasahan sa kanila ng Diyos. Alalahanin natin ito habang nananalangin tayong:

Panginoong Hesus, dinggin mo kami!

Para sa buong pamayanan ng mga binyagan: Nawa patuloy silang mamuhay bilang mga tunay na Kristiyano, kahit na ilan sa mga pinuno’y nagpapabaya sa kanilang asal. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at ibang pinuno ng Simbahan: Nawa patuloy silang maging inspirasyon sa lahat ng sumasampalataya sa pamamagitan ng kanilang turo at mabuting halimbawa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng magulang, nagtuturo ng relihiyon, mga katekista, at pinuno ng mga komunidad: Nawa manguna silang magsabuhay ng kanilang itinuturo sa kanilang mga anak, estudyante, at mga miyembro. Manalangin tayo!

Para sa mga naghahangad magtamo ng mga pribilehiyo at karangalan: Nawa pangunahin nilang pagtuunan tuwina ay ang lalong ikabubuti ng mga taong inihabilin sa kanila, sa halip ng sarili nilang kapakanan. Manalangin tayo!

Para sa ating pamayanan: Nawa maging kaisa tayo ng ating mga pinuno sa puso’t diwa at sa gayo’y maging pampalago sa ating lipunang pambayan. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus na Dakila naming Pinuno, patnubayan at iligtas mo ang aming mga pinuno sa ano mang anyo ng pagkamakasarili at pagmamalaki. Gabayan mo sila at kami sa ikapagtatamo ng pangmatagalang gantimpala sa Kaharian kung saan ka nabubuhay at naghahari nang walang hanggan. Amen!

Praying to be a cheerful giver

 2,170 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Lawrence, Deacon & Martyr, 10 August 2026
2 Corinthians 9:6-10     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     John 12:24-26
Photo by author, Anvaya Cove, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Lord Jesus,
teach me to be a cheerful giver:
teach me to be like St. Lawrence
your deacon and martyr we honor
today who gave himself totally
and cheerfully to you because
he felt strongly the overflowing
abundance of your grace
and blessings to him;
many times we are reluctant 
to give our time, treasures,
and talents because we feel
always lacking;
open our very selves 
to find you and your blessings
within so that 
we freely give and share
whatever we have
to continue serving in your name;
most of all,
teach me to give more of myself
like a grain of wheat that dies
and produces much fruit in you.
Amen.

St. Lawrence, Martyr and Deacon,
pray for us!
“Martyrdom of St. Lawrence, Deacon” by Hipolito de Rioja (16th c.) from commons.wikimedia.org

LANGUAGE

 2,087 total reads

Gospel Reading for August 10, 2026 – John 12: 24-26

LANGUAGE

Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, unless a grain of wheat falls to the ground and dies, it remains just a grain of wheat; but if it dies, it produces much fruit. Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world will preserve it for eternal life. Whoever serves me must follow me, and where I am, there also will my servant be. The Father will honor whoever serves me.”

————

The four-letter word that best describes dying to oneself is LOVE. If we look at all the teachings of Jesus and the kind of life he lived, everything ultimately points to one thing: LOVE. It is the LANGUAGE of God, and if we are truly his servants, then it must become our LANGUAGE as well.

As St. Paul beautifully describes in his First Letter to the Corinthians (1 Cor. 13:1–13), LOVE never fails. This is not merely romantic love, but agape LOVE—love that expects nothing in return, love that places the needs of others above one’s own, and philia—brotherly and friendly love that binds people together in genuine care and compassion.

True LOVE bears much fruit: joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control. It cannot produce bad fruit, because it comes from God himself.

Lord Jesus, help us to allow this LOVE to shape our thoughts, words, and actions, so we may someday attain eternal life with you. Amen.

Kanino natututo ang mga bata?

 24,018 total reads

Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City kamakailan.

Sa kumalat na video, maririnig ang pagmumura ng mga estudyante habang pinapanood ang pagsakay ni PBBM sa helicopter. Sa imbestigasyon na ginawa ng DepEd Schools Division of Davao, apat na mag-aaral ang sangkot sa insidente. Naglabas ang opisina ng pahayag para ihingi ng paumanhin ang anila’y “inappropriate behavior” ng mga estudyante. Tiniyak nila sa publiko na hindi nila kinukunsinti ang pagmumura, na hindi sumasalamin sa respeto, disiplina, at responsabilidad na itinataguyod ng mga paaralan. Nakikipag-ugnayan daw ang opisina ng DepEd sa lungsod ng Davao sa mga magulang ng mga estudyante at sumasailalim na ang mga mag-aaral sa “disciplinary measures.” 

Ang mga bata ay parang espongha o sponge. Sa murang edad pa lang nila, nasisipsip na nila ang mga kaalaman at ugali ng mga taong nakapaligid sa kanila. Naitatanim sa kanilang murang kaisipan kapwa ang tama at maling impormasyon na huhubog naman sa kanilang pananaw, kilos, at pananalita. Kinokopya nila ang kanilang mga nakikita at naririnig, na siguradong pinatitindi ng social media. Kung napapaligiran sila ng mga taong palamurá, bastos, at naghahangad ng kapahamakan ng iba, malaki ang tsansang ganito rin ang kanilang magiging asal. Sa kaso ng mga nagmuráng bata sa Davao, malamang na nalantad sila sa isang kapaligiran kung saan tila normal na ang pagmumurá. 

May kasabihan nga tayo: ang maling ginagawa ng matatanda ay tama sa mata ng mga bata.

Maaaring gamitin nating mga Katoliko ang ensiklikal ni Pope Francis na Amoris Laetitia bilang gabay sa paghubog sa ugali ng mga bata. Batay sa dokumentong ito, ang ating Simbahan ay naniniwalang ang pagiging disente ay hindi nangangahulugang dapat sumunod lang sa kung ano ang idinidikta, halimbawa, ng mga magulang. Gaya ng lagi nating ipinangangaral, iginagalang ng Simbahan ang personal na kalayaan ng tao at dito nakaugat ang pagtitimpi sa sarili at paggalang sa kapwa; sa Ingles, self-control and respect for others. Bagamat malaya tayong ipahayag ang ating saloobin—gaya ng gálit sa pulitiko—palagi itong dapat unahan ng kahinahunan at respeto. Kung galít man ang mga bata kay PBBM, mainam na gabayan sila kung paano ang galit na ito ay hindi mauuwi sa pagiging bastos. 

Ipinapaalala rin ng Amoris Laetitia ang tungkulin ng mga magulang sa paghubog sa ugali ng mga bata. Hindi nila ito dapat ipagkatiwala lamang sa mga paaralan o ibang institusyon sa labas ng pamilya. Kaya tama ang ginawa ng DepEd na makipag-ugnayan sa mga magulang ng mga batang minura ang pangulo. Dapat silang paalalahanan na ang pamilya ang unang paaralan ng mga bata. 

Tama rin ang mensahe ng opisina ng DepEd sa Davao na hindi dapat kunsintihin ang maling ginawa ng mga bata. Pero dapat din itong may kalakip na pagtatama—pagtatamang hindi gumagamit ng pananakit kundi nakatuon sa pagmamahal sa kanila. Ayon pa sa Amoris Laetitia, dapat turuan ang mga bata na ang maling gawain ay may consequences o mga kinahihinatnan. Sa kaso ng mga estudyante sa Davao, mahalagang ipaunawa sa kanila na maaari silang gayahin ng iba at hindi ito nakabubuti. 

Mga Kapanalig, gusto nating isiping isolated case lamang ang nangyaring ito sa Davao. Gusto nating maniwala na pinahahalagahan pa rin ng ating mga mag-aaral ang respeto at kabutihang-asal. Pero maging wake-up call sana ang insidenteng ito sa Davao sa mga nakatatanda, lalo na sa mga magulang at guro. Gaya ng ipinahihiwatig sa Deuteronomio 6:6-7, ang pagtuturo ng mabuting asal sa mga bata ay isang tuluy-tuloy na gawain, mula “sa inyong pagtulog sa gabi [hanggang] sa inyong pagbangon sa umaga.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 24,019 total reads

 24,019 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 78,930 total reads

 78,930 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 142,611 total reads

 142,611 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 211,049 total reads

 211,049 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 241,246 total reads

 241,246 total reads Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Agosto 12, 2026

 1,412 total reads

 1,412 total reads Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos Ezekiel 9, 1-7; 10,

Read More »

Martes, Agosto 11, 2026

 3,237 total reads

 3,237 total reads Paggunita kay Santa Clara ng Assisi, dalaga Ezekiel 2, 8 – 3, 4 Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131 O kay

Read More »

Lunes, Agosto 10, 2026

 5,520 total reads

 5,520 total reads Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 6,391 total reads

 6,391 total reads Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

Sabado, Agosto 8, 2026

 7,162 total reads

 7,162 total reads Paggunita kay Santo Domingo, pari Habacuc 1, 12 – 2, 4 Salmo 9, 8-9. 10-11. 12-13 Tanang sa ‘yo dumudulog ay tunay na

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top