Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, NOBYEMBRE 4, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,938 total views

Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo

Roma 11, 1-2a. 11-12. 25-29
Salmo 93, 12-13a, 14-15. 17-18

Ang Poo’y di tatalikod
sa kanyang hirang na lingkod.

Lucas 14, 1. 7-11

Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Roma 11, 1-2a. 11-12. 25-29

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, ito ngayon ang tanong ko: itinakwil ba ng Diyos ang kanyang bayan? Hindi! Ako’y isang Israelita – mula sa lahi ni Abraham at kabilang sa lipi ni Benjamin. Hindi itinakwil ng Diyos ang kanyang bayang sa simula pa’y hinirang na niya.

Ibig bang sabihin ngayo’t natisod ang Israel ay tuluyan na siyang nabuwal? Hindi! Ngunit dahil sa pagkatisod ng mga Israelita – dahil sa katigasan ng kanilang ulo – umabot sa mga Hentil ang kaligtasan, nang sa gayo’y mangimbulo sa mga ito ang Israel. Ngayon, kung ang paglabag ng mga ito ay naging isang pagpapala sa sanlibutan at ang kanilang pagkabigo ay nakabuti sa mga Hentil, gaano pa kaya ang pagbabalik-loob nilang lahat!

Mga kapatid, may isang hiwaga na ibig kong malaman ninyo para hindi maging mataas ang palagay ninyo sa inyong sarili. Ang pagmamatigas ng bansang Israel ay pansamantala, hindi panghabang panahon. Ito’y tatagal lamang hanggang sa makalapit sa Diyos ang kabuuang-bilang ng mga Hentil. Sa gayun, maliligtas ang buong Israel, ayon sa nasusulat,

“Magbubuhat sa Sion ang Tagapaglitas,
papawiin niya ang kasamaan sa lahi ni Jacob.
At ito ang magiging tipan ko sa kanila
pag inalis ko na ang kanilang mga kasalanan.”

Sa ikalalaganap ng Mabuting Balita, sila’y naging kaaway ng Diyos upang magkaroon kayong mga Hentil ng pagkakataon. Ngunit ayon sa paghirang, sila’y mahal pa rin niya, alang-alang sa kanilang mga ninuno. Sapagkat ang Diyos ay hindi nagbabago ng isip tungkol sa kanyang mga kaloob at pagtawag.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 93, 12-13a, 14-15. 17-18

Ang Poo’y di tatalikod
sa kanyang hirang na lingkod.

Mapalad ang mga taong tumatanggap ng pangaral,
silang sa ’yo’y tumatanggap ng turo sa kautusan.
Pagkat sila’y magdaranas ng saglit na ginhawa,
hanggang yaong masasama’y mahulog sa hukay nila.

Ang Poo’y di tatalikod
sa kanyang hirang na lingkod.

Ang lingkod ng Panginoo’y hindi niya iiwanan,
yaong mga hirang niya’y hindi niya tatalikdan;
mababalik sa matuwid ang ganap na katarungan,
diwang ito ang susundin ng tapat ang pamumuhay.

Ang Poo’y di tatalikod
sa kanyang hirang na lingkod.

Ano kayang mangyayari, kundi ako natulungan
nitong aking Panginoon? Marahil ang aking buhay
tahimik nang malilibing kasama ng mga patay.
Kapag aking nagunitang, “Ang paa ko’y dumudulas,”
dahilan sa pag-ibig mo, O Diyos, ako’y tumatatag.

Ang Poo’y di tatalikod
sa kanyang hirang na lingkod.

ALELUYA
Mateo 11, 29ab

Aleluya! Aleluya!
Sabi ni Hesus na mahal:
Dalhin n’yo ang aking pasan
Kaamuan ko’y tularan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 14, 1. 7-11

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Isang Araw ng Pamamahinga, si Hesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo; at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos.

Napansin ni Hesus na ang pinipili ng mga inanyayahan ay ang mga upuang nakalaan sa mga piling panauhin. Kaya’t sinabi niya ang talinghagang ito: “Kapag inanyayahan ka ninuman sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang tanging upuan. Baka may inanyayahang lalong tanyag kaysa iyo. At lalapit ang nag-anyaya sa inyong dalawa at sasabihin sa iyo, ‘Maaari bang ibigay ninyo ang upuang iyan sa taong ito?’ Sa gayo’y mapapahiya ka at doon malalagay sa pinakaabang upuan. Ang mabuti, kapag naanyayahan ka, doon ka maupo sa pinakaabang upuan, sapagkat paglapit ng nag-anyaya sa iyo ay kanyang sasabihin, ‘Kaibigan, dini ka sa kabisera.’ Sa gayun, nabigyan ka ng malaking karangalan sa harapan ng mga panauhin. Sapagkat ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Manalangin tayo sa Diyos Amang nasa Langit upang matutuhan natin ang kahulugan ng paglilingkod mula sa kanyang Anak na si Jesu-Kristo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, ibigay mo sa amin ang diwa ng iyong Anak.

Bilang Simbahan, tayo nawa’y lumabas mula sa ating sariling mga mundo para maglingkod sa kapwa nang may pagmamahal na hindi tinitingnan ang sarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nasa pampublikong tungkulin nawa’y ibigay ang kanilang pinakamagaling na paglilingkod sa mga tao kaysa unahin ang sariling kapakanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang maipakita ang ating pasasalamat sa mga taong naglilingkod sa atin sa iba’t ibang pamamaraan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga matatanda nawa’y tumanggap ng kalinga at paggalang mula sa kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nauna nang lumisan sa mundong ito nawa’y tanggapin sa Kaharian ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon naming Diyos, hindi madali ang tumulong sa kapwa lalo na kung mabigat itong gawin. Matuto nawa kami kay Jesus na laging handa sa kaninumang nangangailangan ng tulong at bigyan mo kami ng lakas na magawa ito. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

May katarungan ang batas

 12,422 total views

 12,422 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »

Filipino Voters

 26,984 total views

 26,984 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 33,101 total views

 33,101 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »

Disinformation At Polarization

 39,952 total views

 39,952 total views The dangers of new communication technologies. Sa paggunita ng ika-59 World Communications day, pinuna ni Pope Francis ang “era of disinformation and polarization”. Pinuna ng Santo Papa ang mga makapangyarihang social networks na nagdudulot lamang ng “fanaticism at hatred”. Bilang pagkilala sa mga mamamahayag, nauunawaan ng Santo Papa ang hirap, sakripisyo at responsibilidad

Read More »

Pagkamamamayang for sale?

 46,972 total views

 46,972 total views Mga Kapanalig, ano nga ba ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino? Sa isang bill na inihain ni Congressman Joey Salceda para bigyan ng Filipino citizenship ang negosyanteng Tsino na nagngangalang Li Duan Wang, sinabi niyang taglay ng dayuhan ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino: mapagmahal, mapagbigay, magalang, mabuti, matapat, nagsusumikap, at

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Huwebes, Pebrero 20, 2025

 250 total views

 250 total views Huwebes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 9, 1-13 Salmo 101, 16-18. 19-21. 29 at 22-23 Mula sa iyong luklukan, lahat ay ‘yong minamasdan. Marcos 8, 27-33 Thursday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 9, 1-13 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Si Noe at ang

Read More »

Miyerkules, Pebrero 19, 2025

 488 total views

 488 total views Miyerkules ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 8, 6-13. 20-22 Salmo 115, 12-13. 14-15. 18-19 Maghahandog ako sa D’yos ng pagpupuring malugod. Marcos 8, 22-26 Wednesday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 8, 6-13. 20-22 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan

Read More »

Lunes, Pebrero 17, 2025

 1,294 total views

 1,294 total views Lunes ng Ika-6 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Pitong Tagapagtatag ng Orden ng mga Lingkod ng Mahal na Birheng Maria Genesis 4, 1-15, 25 Salmo 49, 1 at 8. 16bk-17. 20-21 Sa D’yos tayo ay maghandog, pasalamat na malugod. Marcos 8, 11-13 Monday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green)

Read More »

Linggo, Pebrero 16, 2025

 1,556 total views

 1,556 total views Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Jeremias 17, 5-8 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. 1 Corinto 15, 12. 16-20 Lucas 6, 17. 20-26 Sixth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Jeremias 17, 5-8 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Ito ang sinasabi ng

Read More »

Sabado, Pebrero 15, 2025

 1,817 total views

 1,817 total views Sabado ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Genesis 3, 9-24 Salmo 89, 2. 3-4. 5-6. 12-13 Poon, amin kang tahanan noon, ngayon at kailanman. Marcos 8, 1-10 Saturday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 3, 9-24 Pagbasa mula sa

Read More »

Biyernes, Pebrero 14, 2025

 2,044 total views

 2,044 total views Paggunita kina San Cirilo, monghe, at San Metodio, obispo Genesis 3, 1-8 Salmo 31, 1-2. 5. 6. 7 Mapalad ang pinagbigyang mahango sa kasalanan. Marcos 7, 31-37 Memorial of Sts. Cyril, Monk and Methodius, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Genesis 3, 1-8 Pagbasa

Read More »

Huwebes, Pebrero 13, 2025

 2,248 total views

 2,248 total views Huwebes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 2, 18-25 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos. Marcos 7, 24-30 Thursday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-25 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoon Diyos, “Hindi mainam

Read More »

Miyerkules, Pebrero 12, 2025

 2,106 total views

 2,106 total views Miyerkules ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 2, 4b-9, 15-17 Salmo 103, 1-2a. 27-28. 29bk-30 Panginoo’y papurihin, aba kong sariling buhay. Marcos 7, 14-23 Wednesday of the Fifth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 4b-9, 15-17 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Nang likhain ng Panginoon ang lupa at

Read More »

Martes, Pebrero 11, 2025

 2,283 total views

 2,283 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Lourdes Isaias 66, 10-14k Judith 13, 18bkde. 19 Pinupuri kang lubusan ng lahat sa ating bayan. Juan 2, 1-11 Memorial of Our Lady of Lourdes (White) UNANG PAGBASA Isaias 66, 10-14k Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Magalak ang lahat, magalak kayo dahil sa Jerusalem, ang

Read More »

Lunes, Pebrero 10, 2025

 2,485 total views

 2,485 total views Paggunita kay Santa Escolastica, dalaga Genesis 1, 1-19 Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at 12. 24 at 35k Ang Poon ay natutuwa sa kanyang mga nilikha. Marcos 6, 53-56 Memorial of St. Scholastica, Virgin (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Genesis 1, 1-19 Ang simula

Read More »

Linggo, Pebrero 9, 2025

 1,439 total views

 1,439 total views Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Isaias 6, 1-2a. 3-8 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 4-5. 7k-8 Poon, kita’y pupurihin sa harap ng mga anghel. 1 Corinto 15, 1-11 o kaya 1 Corinto 15, 3-8. 11 Lucas 5, 1-11 Fifth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 6, 1-2a. 3-8 Pagbasa mula sa aklat ni

Read More »

Sabado, Pebrero 8, 2025

 2,917 total views

 2,917 total views Sabado ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita ka San Jeronimo Emiliano o kaya Paggunita kay Santa Josefina Bakhita, dalaga o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Hebreo 13, 15-17. 20-21 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Marcos 6, 30-34 Saturday of

Read More »

Biyernes, Pebrero 7, 2025

 3,095 total views

 3,095 total views Biyernes ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Hebreo 13, 1-8 Salmo 26, 1. 3. 5. 8b-9abk Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Marcos 6, 14-29 Friday of the Fourth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Hebreo 13, 1-8 Pagbasa mula sa sulat sa Mga Hebreo Mga kapatid, magpatuloy kayong nag-iibigan bilang

Read More »

Huwebes, Pebrero 6, 2025

 3,233 total views

 3,233 total views Paggunita kina San Pedro Bautista, San Pablo Miki at mga Kasama, mga martir Hebreo 12, 18-19. 21-24 Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 9. 10-11 Awa mo’y nagunita ko sa loob ng iyong templo. Marcos 6, 7-13 Memorial of Sts. Pedro Bautista, Paul Miki and Companions (Red) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-4 na Linggo

Read More »

Miyerkules, Pebrero 5, 2025

 3,462 total views

 3,462 total views Paggunita kay Santa Agata (Agueda), dalaga at martir Hebreo 12, 4-7. 11-15 Salmo 102, 1-2. 13-14. 17-18a Pag-ibig mo’y walang hanggan sa bayan mong nagmamahal. Marcos 6, 1-6 Memorial of St. Agatha, Virgin and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Miyerkules ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) UNANG PAGBASA Hebreo 12, 4-7.

Read More »
Scroll to Top