LINGGO, OKTUBRE 9, 2022

SHARE THE TRUTH

 223 total views

Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

2 Hari 5, 14-17
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

2 Timoteo 2, 8-13
Lucas 17, 11-19



Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green)
Indigenous Peoples’ Sunday
Extreme Poverty Day

UNANG PAGBASA
2 Hari 5, 14-17

Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Hari

Noong mga araw na iyon, si Naaman ay lumusong sa Ilog Jordan at lumubog ng pitong ulit. At tulad ng sinabi ni Eliseo, nanauli sa dati ang kanyang katawan at kuminis mula sa ketong ang kanyang balat, tulad ng balat ng sanggol.

Si Naaman at ang kanyang mga kasama ay nagbalik kay Eliseo. Sinabi niya, “Ngayo’y napatunayan kong walang ibang diyos sa ibabaw ng lupa kundi ang Diyos ng Israel. Narito, pagdamutan ninyo itong maliit kong nakayanan.”

Ngunit sinabi ni Eliseo, “Buhay ang Panginoong Diyos na aking pinaglilingkuran. Hindi ako tumatanggap kahit ano.” Pinilit siya ni Naaman ngunit nagpakatanggi-tanggi siya.

Dahil dito, sinabi ni Naaman, “Kung ayaw ninyo itong tanggapin, maari po ba namang kargahan ko ng lupa rito ang dalawa kong kabayo? Mula ngayon, hindi na ako maghahandog sa ibang diyos maliban sa Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hanggang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig niya ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

IKALAWANG PAGBASA
2 Timoteo 2, 8-13

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal ko, alalahanin mo si Hesukristo, ang nagmula sa angkan ni David at ang muling nabuhay. Ito ang Mabuting Balitang ipinangangaral ko, ang dahilan ng aking pagdurusa hanggang sa magapos na tulad ng isang salarin. Ngunit hindi maigagapos ang salita ng Diyos. Pinagtitiisan ko ang lahat ng bagay alang-alang sa mga hinirang ng Diyos upang magtamo rin sila ng kaligtasang mula kay Kristo Hesus, at ng walang hanggang kaluwalhatian. Narito ang kasabihang mapananaligan:

“Kapag tayo’y namatay na kalakip ni Hesukristo,
walang salang mabubuhay na kasama niya tayo;
kung tayo man ay magtiis ng hirap sa mundong ito,
maghahari naman tayong kapiling ng ating Kristo;
kapag siya’y itinakwil sa harapan ng mga tao
pagdating ng takdang araw, itatakwil niya tayo.
Kung tayo ma’y hindi tapat, si Kristo ay tapat pa rin
sapagkat ang sa kanya ay hindi niya itatakwil.”

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
1 Tesalonica 5, 18

Aleluya! Aleluya!
Ang D’yos Ama’y naghahangad
lagi tayong pasalamat
kaisa ng kanyang Anak.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 17, 11-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon sa San Lucas

Noong panahong iyon, sa paglalakbay ni Hesus patungong Jerusalem, nagdaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea. Nang papasok na siya sa isang nayon, siya’y sinalubong ng sampung ketongin. Tumigil sila sa malayu-layo at humiyaw ng: “Hesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!” Nang makita sila ay sinabi niya, “Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.” At samantalang sila’y naglalakad, gumaling sila. Nang mapuna ng isa na siya’y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Hesus at nagpasalamat. Ang taong ito’y Samaritano. “Hindi ba sampu ang gumaling?” tanong ni Hesus. “Nasaan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?” Sinabi ni Hesus sa kanya, “Tumindig ka’t humayo sa iyong lakad! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN NG BAYAN
Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Gaya ng mga ketongin sa Ebanghelyo ngayon na napagaling ng kanilang pananampalataya, pakumbaba’t nananalig tayong dumulog sa Panginoon kasama ng ating mga kahilingan:

Panginoon, pinupuri Ka namin!

Para sa Simbahang pamayanan ng mga sumasampalataya: Nawa, manatili siyang maningning na halimbawa ng pananampalataya’t pagpapasalamat. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, mga Obispo, at lahat nating mga pinunong espirituwal: Nawa, lagi silang maging tanda at kasangkapan ng kahandaan ni Hesus na tumulong sa mga maysakit at mahihirap. Manalangin tayo!

Para sa ating mga pinunong pambaya’t pampamahalaan: Nawa, dinggin nila ang pangangailangan ng bayan at maagap nila itong tugunan bilang pagtupad sa kanilang tungkuling maglingkod. Manalangin tayo!

Para sa mga magulang at lahat ng may kinalaman sa edukasyon at Kristiyanong paghubog ng kabataan: Nawa, maikintal nila sa bagong henerasyon ang isang matibay na pananalig at tunay na pagpapasalamat sa salita at sa gawa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng taong katutubo: Nawa, maipagtanggol nila ang lupa ng kanilang mga ninuno, mayamang pamanang pangkalinangan, at ang kanilang mga karapatan sa tulong ng pamahalaan at ng kanilang mga kababayan. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat na natitipon dito para magpasalamat sa Panginoon sa Kanyang kabutihan sa atin: Nawa, lagi nating patu- nayan ang ating utang na loob sa pamamagitan ng pamumuhay na naglilingkod sa Kanya at sa ating kapwa. Manalangin tayo!

Para sa mga kapatid natin na salat at naghihirap: Nawa, makalasap sila ng ginhawa sa buhay sa tulong ng pamahalaan at mga pribadong sektor. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumahimik sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong bukal ng lahat ng kabutihan at lakas, pinasasalamatan Ka namin sa Iyong pagiging mapagbigay at sa pagtanggap Mo sa amin gayong di kami karapat-dapat. Patuloy Mo kaming tulutang maglingkod sa Simbahan bilang mga kapatid ni Hesus, na Iyong Anak na nabubuhay at naghahari nang walang hanggan. Amen!

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Universal Health Care Law

 61,353 total views

 61,353 total views Accessible health care sa mga Pilipino…. Ito ang natatanging hangarin ng UHC law na ipinatupad limang taon na ang nakalipas. Ipinapangako ng UHC law ang accessible at abot kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino sa alinmang panig ng Pilipinas. Kapanalig, natatamasa mo ba ang benepisyong dulot ng UHC law? Nabuo ang UHC

Read More »

2024 Job Losses

 74,920 total views

 74,920 total views Nakakaalarma… Hindi lamang bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024, sinabayan pa ito ng “job losses” o mataas na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho. Sa data ng National Economic Development Authority (NEDA), bumagal ang economic growth ng bansa mula 8.1-porsiyento noong unang quarter ng taong

Read More »

Baka makalusot

 70,530 total views

 70,530 total views Kapanalig, sang-ayon po ba kayo na isa ito sa character traits nating mga tao. Ang mali ay pilit ginagawang tama, laganap ito sa alin mang ahensiya ng pamahalaan, local government units, sa pribadong sektor, sa lansangan, sa pamayanan, negosyo maging sa loob ng tahanan. Ang nakakalungkot, madalas itong ginagawa sa executive branch tulad

Read More »

Banta ng red-tagging

 68,246 total views

 68,246 total views Mga Kapanalig, ihinto ang red-tagging!  Ito ang panawagan ng ilang mamamahayag at human rights groups matapos manindigan si Pangulong Bongbong Marcos Jr na hindi niya bubuwagin ang National Task Force to End the Local Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Ang red-tagging ay ang pagtatatak sa mga tao o grupong kritikal sa pamahalaan o nagsusulong

Read More »

Pakikilakbay sa mga mag-asawa

 72,507 total views

 72,507 total views Mga Kapanalig, “ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Ang mga salitang ito mula sa Mateo 19:6 ay ang pinakamadalas nating marinig sa tuwing lumulutang ang usapin tungkol sa divorce o diborsyo sa ating bansa. Ginagamit itong battlecry, ‘ika nga, ng mga tutol sa pagkakaroon ng batas na magpapahintulot sa mga

Read More »

Watch Live

Related Story

BIYERNES, MAYO 10, 2024

 15,503 total views

 15,503 total views Biyernes sa Ika-6 ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan ng Avila, Pari at Pantas ng Simbahan Mga Gawa 18, 9-18 Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7 Hari ng sangkalupaan D’yos na Makapangyarihan. Juan 16, 20-23a Friday of the Sixth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. John of Avila,

Read More »

HUWEBES, MAYO 9, 2024

 15,773 total views

 15,773 total views Huwebes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 1-8 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. Juan 16, 16-20 Thursday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 18, 1-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon,

Read More »

MIYERKULES, MAYO 8, 2024

 15,404 total views

 15,404 total views Miyerkules sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd Ang kadakilaan ng D’yos sa lupa’t langit ay lubos. Juan 16, 12-15 Wednesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Pagbasa

Read More »

MARTES, MAYO 7, 2024

 16,380 total views

 16,380 total views Martes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 22-34 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3, 7k-8 Ligtas ako sa ‘yong piling, lakas ko’y sa ‘yo nanggaling. Juan 16, 5-11 Tuesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 22-34 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong

Read More »

LUNES, MAYO 6, 2024

 16,730 total views

 16,730 total views Lunes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 11-15 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Juan 15, 26 – 16, 4a Monday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 11-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga

Read More »

LINGGO, MAYO 5, 2024

 6,906 total views

 6,906 total views Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. 1 Juan 4, 7-10 Juan 15, 9-17 Sixth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Read More »

SABADO, MAYO 4, 2024

 6,731 total views

 6,731 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 1-10 Salmo 99, 2. 3. 5 Purihin ng lahat ang D’yos, parangalan s’yang malugod. Juan 15, 18-21 Saturday of the Fifth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 1-10 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, MAYO 3, 2024

 6,610 total views

 6,610 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Juan 14, 6-14 Feast of Saints Philip and James, Apostles (Red) UNANG PAGBASA 1 Corinto 15, 1-8 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto At ngayo’y

Read More »

HUWEBES, MAYO 2, 2024

 6,366 total views

 6,366 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 15, 7-21 Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 10 Sa lahat ay pinahayag gawa ng Poong nagligtas. Juan 15, 9-11 Memorial of St. Athanasius, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA

Read More »

MIYERKULES, MAYO 1, 2024

 6,232 total views

 6,232 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16 Poon kami’y pagpalain at iyong pagtagumpayin. Mateo 13, 54-58 Memorial of Saint Joseph the Worker (White) UNANG PAGBASA Genesis 1, 26 – 2, 3 Pagbasa mula sa aklat ng

Read More »

MARTES, ABRIL 30, 2024

 8,238 total views

 8,238 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, Papa Mga Gawa 14, 19-28 Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21 Talastas ng mga tao, dakilang paghahari mo. Juan 14, 27-31a Tuesday of Fifth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Pius V, Pope (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 14, 19-28

Read More »

LUNES, ABRIL 29, 2024

 8,460 total views

 8,460 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 14, 5-18 Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16 Dapat nating papurihan ang pangalan ng Maykapal. Juan 14, 21-26 Memorial of St. Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko

Read More »

LINGGO, ABRIL 28, 2024

 8,732 total views

 8,732 total views Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 9, 26-31 Salmo 21, 26b-27. 28 at 30. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. 1 Juan 3, 18-24 Juan 15, 1-8 Fifth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 26-31 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga araw

Read More »

SABADO, ABRIL 27, 2024

 9,023 total views

 9,023 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Juan 14, 7-14 Saturday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 44-52 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Apostol Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos

Read More »

BIYERNES, ABRIL 26, 2024

 9,699 total views

 9,699 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa simula pa sumilang. Juan 14, 1-6 Friday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 26-33 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw

Read More »
Scroll to Top