LINGGO, PEBRERO 11, 2024

SHARE THE TRUTH

 11,618 total views

Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Levitico 13, 1-2. 44-46
Salmo 31, 1-2. 5. 11

Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.

1 Corinto 10, 31 – 11, 1
Marcos 1, 40-45

Sixth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Levitico 13, 1-2. 44-46

Pagbasa mula sa aklat ng Levitico

Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Kung ang balat ninuman ay magbago ng kulay, mamaga o kaya’y magkaroon ng singaw na parang ketong, dadalhin siya kay Aaron o sa mga anak niyang saserdote. Ituturing siyang marumi at di ito dapat kaligtaang ipahayag ng saserdote.

“Ang mga may ketong ay dapat magsuot ng sirang damit, hindi magsusuklay, tatakpan ang kanyang nguso at laging sisigaw ng, ‘Marumi! Marumi!’ Hanggang may sugat, siya’y ituturing na marumi at sa labas ng kampamento mamamahay na mag-isa.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 31, 1-2. 5. 11

Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.

Mapalad ang tao na pinatawad na yaong kasalanan,
at nalimot na rin ang kanyang nagawang mga pagsalansang;
mapalad ang taong sa harap ng Poon ay di naparatangan
dahilan sa siya ay di nagkasala at hindi nalinlang.

Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.

Ako ay lumapit sa iyong harapan at sala’y inamin,
ang aking ginawang mga pagsalansang di ko inilihim;
pinagpasiyahan kong ang lahat ng ito sa iyo’y idaing,
at aking natamo ang iyong patawaf sa sala kong angkin.

Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.

Lahat ng matuwid at tapat sa Poon, magalak na lubos,
dahil sa natamo nilang kabutihang kaloob ng Diyos;
sumigaw sa galak ang lahat ng taong sa kanya’y sumunod.

Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 10, 31 – 11, 1

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:

Kung kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos. Huwag kayong maging sanhi ng pagkakasala ninuman – ng mga Judio, ng mga Griego, o mga kaanib sa simbahan ng Diyos. Ang sinisikap ko nama’y mabigyang-kasiyahan ang lahat ng tao sa bawat ginagawa ko; hindi ko hinahanap ang sarili kong kapakanan kundi ang kapakanan ng marami, upang maligtas sila.

Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Kristo.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Lucas 7, 16

Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta
sugo ng D’yos sa bayan n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 1, 40-45

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may isang ketonging lumapit kay Hesus, nanikluhod at nagmakaawa: “Kung ibig po ninyo’y mapagagaling ninyo ako.” Nahabag si Hesus at hinipo siya, sabay ang wika, “Ibig ko. Gumaling ka!” Noon di’y nawala ang ketong at gumaling ang tao. Pinaalis siya agad ni Hesus matapos ang ganitong mahigpit na bilin: “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pasuri ka sa saserdote. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises, upang patunayan sa mga tao na ikaw ay magaling na.” Ngunit umalis siya at bagkus ipinamalita ang nangyari, anupat hindi na hayagang makapasok ng bayan si Hesus. Naroon na lamang siya sa labas, sa mga ilang na pook, at doon pinagsasadya ng mga tao buhat sa iba’t ibang dako.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Pinasisigla ng walang pasubaling pagtugon ni Hesus sa pakiusap ng isang ketongin, buong pananalig nating idulog sa kanya ang ating mga kahilingan:

Panginoon, dinggin mo kami!

Nawa’y ang pamayanan ng mga sumasampalataya, sa gabay ng halimbawa ng kanilang mga namumuno, ay kumalinga sa mga maysakit na tulad ng ipinakita ni Hesus sa mga ketongin ng kanyang panahon. Manalangin tayo!

Nawa’y lahat ng sumasampalataya ay masiglang magpagaling sa kanilang karamdamang espirituwal kung paanong pinanabikan nilang gumaling sa kanilang mga sakit na pisikal. Manalangin tayo!

Nawa’y lahat ng nasa paglilingkod pangkalusugan ay tumupad sa kanilang tungkulin di lamang nang buong husay kundi nang buo ring pakikiisa sa kanilang mga kapatid. Manalangin tayo!

Nawa’y lahat ng kalahok sa espirituwal na pagpapagaling ay makatupad sa kanilang tungkulin nang buong ingat at habag na tulad ng kay Kristo. Manalangin tayo!

Nawa’y lahat tayo ay laging magbigay-luwalhati sa Diyos sa lahat ng ating isipin, sabihin, o gawain. Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, Banal na Tagapagpagaling, gawin mo kaming matatag upang kami man ay maging mga kasangkapan ng iyong nakagagaling na pagmamahal. Ikaw na nabubuhay at nakapagliligtas magpakailanman.

Amen!

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 6,341 total views

 6,341 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 14,386 total views

 14,386 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 19,466 total views

 19,466 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 25,173 total views

 25,173 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 33,961 total views

 33,961 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »

Watch Live

Related Story

MARTES, HULYO 16, 2024

 5 total views

 5 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen Zacarias 2, 14-17 Lucas 1, 46-47. 48-49. 50-51. 52-53. 54-55 D’yos ay Makapangyarihan, Banal ang kanyang pangalan. o kaya Mahal na Birheng Maria, Ina ng Anak ng Ama. Mateo 12, 46-50 Memorial of Our Lady of Mount Carmel (White) UNANG PAGBASA Zacarias 2, 14-17

Read More »

LUNES, HULYO 15, 2024

 712 total views

 712 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 10, 34 – 11, 1 Memorial of St. Bonaventure, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang

Read More »

LINGGO, HULYO 14, 2024

 975 total views

 975 total views Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Amos 7, 12-15 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa. Efeso 1, 3-14 Marcos 6, 7-13 Fifteenth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 7, 12-15 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Noong mga araw na iyon, hinarap ni Amasias, ang

Read More »

SABADO, HULYO 13, 2024

 1,298 total views

 1,298 total views Sabado ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Enrico o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Isaias 6, 1-8 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Mateo 10, 24-33 Saturday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

BIYERNES, HULYO 12, 2024

 1,763 total views

 1,763 total views Biyernes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 14, 2-10 Salmo 50, 3-4. 8-9. 12-13. 14 at 17 Pupurihin ko kailanman ang dakila mong pangalan. Mateo 10, 16-23 Friday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 14, 2-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ito ang sinasabi

Read More »

HUWEBES, HULYO 11, 2024

 2,303 total views

 2,303 total views Paggunita kay San Benito, abad Oseas 11, 1-4. 8k-9 Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16 Poon kami’y ‘yong iligtas at tanglawan ng ‘yong sinag. Mateo 10, 7-15 Memorial of St. Benedict, Abbot (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Oseas 11, 1-4. 8k-9 Pagbasa mula

Read More »

MIYERKULES, HULYO 10, 2024

 2,041 total views

 2,041 total views Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Hanapin ang Poon lagi, sa harap n’ya manatili. Mateo 10, 1-7 Wednesday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ang

Read More »

MARTES, HULYO 9, 2024

 2,413 total views

 2,413 total views Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin Zhao Rong, pari at martir, at mga Kasama, mga martir Oseas 8, 4-7. 11-13 Salmo 113 B, 3-4. 5-6. 7ab-8. 9-10 Israel na bayan ng D’yos, papurihan mo s’yang lubos. Mateo 9, 32-38 Tuesday of the Fourteenth Week in

Read More »

LUNES, HULYO 8, 2024

 2,977 total views

 2,977 total views Lunes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22 Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag. Mateo 9, 18-26 Monday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22 Pagbasa mula sa aklat ni propeta

Read More »

SABADO, HULYO 6, 2024

 3,177 total views

 3,177 total views Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Goretti, dalaga at martir o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Amos 9, 11-15 Salmo 84, 9. 11-12. 13-14 Ang Poo’y nagsasalita na bayan n’ya’y papayapa. Mateo 9, 14-17 Saturday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

BIYERNES, HULYO 5, 2024

 3,158 total views

 3,158 total views Biyernes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Zacarria, pari Amos 8, 4-6. 9-12 Salmo 118, 2. 10. 20. 30. 40. 131 Ang tao ay nabubuhay sa Salita ng Maykapal. Mateo 9, 9-13 Friday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Anthony Zaccaria,

Read More »

HUWEBES, HULYO 4, 2024

 3,378 total views

 3,378 total views Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Isabel na taga-Portugal Amos 7, 10-17 Salmo 18, 8. 9. 10. 11 Matuwid ang kahatulan ng Panginoon ng tanan. Mateo 9, 1-8 Thursday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Elizabeth of Portugal, Married Woman, Queen (White) UNANG

Read More »

MIYERKULES, HULYO 3, 2024

 3,179 total views

 3,179 total views Kapistahan ni Apostol Santo Tomas Efeso 2, 19-22 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 20, 24-29 Feast of St. Thomas, Apostle (Red) UNANG PAGBASA Efeso 2, 19-22 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi

Read More »

MARTES, HULYO 2, 2024

 2,751 total views

 2,751 total views Martes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 3, 1-8; 4, 11-12 Salmo 5, 5-6. 7. 8 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Mateo 8, 23-27 Tuesday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 3, 1-8; 4, 11-12 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Pakinggan ninyo,

Read More »

LUNES, HULYO 1, 2024

 2,628 total views

 2,628 total views Lunes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 2, 6-10. 13-16 Salmo 49, 16bk-17. 18-19. 20-21. 22-23 Tinig ng D’yos dapat dinggin kahit ng ayaw pumansin. Mateo 8, 18-22 Monday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 2, 6-10. 13-16 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Ito ang

Read More »
Scroll to Top